★STAR-38 (Part3)★

1.4K 48 3
                                    

*******3RD PERSON's POV*******

Dahan-dahang hiniga ni Shone si Jini sa kama nya. Mas magiging panatag kasi sya kung dito muna pansa

"Dito lang kayo. Wag kayong lalabs."

"Oo. Pero sigurado ka ba na magiging safe kami dito?"

"Yes, trust me. Just take care of her."

Pagkatapos ay iniwan na sila ni Shone sa condo nito.

Kahit ayaw ni Jett dito kay Shone ay kailangan nya munang pagkatiwalaan ito kahit ngayon lang alang-alang sa ate nya.

"Ang ganda ng condo nya." Sabi nya habang nililibot ang mga mata nya paligid. Napahinto sya ng may mapansin syang isang magandang telescope malapit sa bintana ng kwarto ni Shone. Kaya naisipan nyang tignan ito.

"Wow! Ang ganda ng telescope nya. Amazing!" Mahinang sabi nya. At mas lalo pa syang namangha ng tinutok nya ang isang mata nya sa may eyepiece ng makita nya kung gaano kaganda ang at karami ang mga stars at para bang ang lapit lang nito sa kanya.

----

Sa kabilang banda...

Naabutan ni Shone si Simon na nakikipaglaban na kay Jerico. Tama nga ang naging hinala nya dito sa lalaking ito.

Gabi na rin at mabuti na lang walang katao-tao sa paligid kaya mabilis na nakapagpalit ng anyo si Shone.

Gagamitin na sana ni Jerico ang rope na hawak nya kaso nabigo sya dahil nya magawang latigo ito o espada man lang.

"Bakit ayaw?!" Inis na sabi ni Jerico.

"Simple, because it not yours." Sabi ni Shone mula sa likod nya.

"Gray.." Sabi ni simon habang hinihingal sya sa pakikipagsagupaan kay Jerico. "Mag-ingat ka, kapatid yan ni Blacktricity! Isa syang Disguising Killer Alien."

Nabigla si Shone ng biglang humarap sa kanya si Jerico na ibang anyo na at naging si Jini sya ulit. Kaya napaatras si agad si Shone.

"Sir Shone!" Nakangiting sabi nya kay Shone.

Napangisi naman si Shone sa kanya. "You cannot fool me, asshole!" Agad nyang sinakal sa leeg si Jerico tsaka nya sinuntok at tumilapon ito kung saan. "Hanapin mo na si Lian, ako ng bahala sa kumag nato!" Sabi nya kay Simon.

Sinunod naman agad ni Simon si Shone.

Tumayo si Jerico tsaka nya pinusan ang asul nyang dugo sa ibabang labi nya.

"Yun lang ba kaya mo?" Mabilis naglaho si Jerico at walang kamalay-malay si Shone na sinuntok sya nito sa sikmura at sya naman ito tumilapon sa truck ng puno.

"Aaahh!! Humanda ka!" Mabilis nya sinugod si Jerico at tuloy-tuloy nyang pinagsusuntok ito.

Hiningal si Shone ng mapabaksak nya ulit si Jerico.

Kahit nakahandusay na si Jerico ay nagawa nya pa na matawa na para bang naasar pa.

"Haha! Hindi lang ako....ang k-kalaban mo."

Nagulat si Shone ng dumami ang mga kamukha ni Jerico at ngayon nakapalibot ba sa kanya.

"Marami laban sa isa. Haha!"

Pangisi si Shone. "Ano ngayon kung marami kayo." Minamasid na muna nya kung alin dito ang uunahin nya kaso biglang may sumugod na isang kalaban sa kanya hanggang sa sabay-sabay na syang sinugod ng mga ito.

Pinagsusuntok, pinagsisipa at pinagbabali nya ang leeg ng mga kalaban. Hindi na naatiis pa si Shone na ilabas na pinakasandata nya. Isang Laser Sword.

Tumingin sya sa original na si Jerico.

"Kakaiba ka talaga. Haha!" Sabi ni Jerico. "Walang silbi yang Laser Sword mo...kaysa sa akin. Tapos ka na!"

My BOSS from the STAR (Season1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon