★STAR-64 (Part1)★

1.1K 35 0
                                    

*******3RD PERSON's POV*******

Kanina pa nila sinusubukan tawagin si Jini pero hindi nito sinasagot at puro pag-ring lang ang naririnig nila. Kanina pa hindi mapalagay si Julius dahil gabi na ay hindi umuuwi si Jini sa kanila.

"Sir, mukhang naiwan po ni Miss Jini ang phone nya sa kwarto nya po."

Nabigla sila nang makita nilang hawak ng katulong ang phone ni Jini.

"Akin na, Manang. Dyan ko na lang tatawagan ang mga kaibigan nya." Sabi ni Jett tsaka inabot sa kanya yung phone ni Jini.

"Sige na, anak. Tawagin mo na agad." Utos ni Julius.

Delikado na daw kasi ngayon dahil nababalitaan na nila sa TV ang mga pagsugpo ng tatlong Aliens na ilang tao na rin ang napatay nito.

Mabuti na lang nahulaan ni Jett ang security pattern ng phone ng Ate nya. Pag-open nya, picture agad ni Shone ang bumulaga sa kanya na ginawang wallpaer ni Jini, kaya napasibangot sya.

"Tss.." Bulong nya. Agad syang pumunta sa contacts at ang una nyang hinanap, ang contact number ng Idol nyang si Simon.

"Hello?....idol ako ito, si Jett....tanong ko lang kung napadaan dyan sa inyo si Ate?......ganun ba? Kanina pa kasi namin kinokontact eh na iwan pala nya phone nya dito sa bahay.......oo kanina pang umaga sya umalis dito......talaga? Sige salamat, Idol."

Pagkatapos ay binaba na ni Jett yung phone.

"Sinong nakausap mo, iho?"-Carol

"May balita ba sa ate mo?"-Julius

"Kaibigan nya po ang natawagan ko. Wala po syang alam, pero aalamin nya rin po kung na saan si Ate."

Tumayo na si Julius. "Hindi ko na matatagalan to. Sumama ka sa akin, Ian. Hanapin na natin ang ate mo. Hon, tawagan mo agad ako kapag nakauwi na si Jini."

"Sure, Hon. Mag-iingat kayo."

-Bernard's House-

"Sino yung tumawag?" Tanong ni Lian kay Simon.

"Kapatid ni Haine, si Jett Ian..." Napatingin silang tatlo kay Shone na nakayuko lang na parang hindi sya interesadong makinig sa kanila. "..tinatanong kung napadaan ba sa atin si Haine. Hindi pa daw kasi umuuwi sa kanila kaya nagaalala na sila. Hindi nila ma-contact, at gamit ni Ian na pantawag ay sa Ate nya." Paliwanag ni Simon.

"Aba! Kanina lang magkasama kami. Nilibre pa ko ng pagkain kanina bago kami maghiwalay ng daan. Ang sabi uuwi na sya dahil maggagabi na." Sabi ni Bernard.

Nabigla na lamang sila nang hindi nila namalayang wala na sa tabi nila si Shone.

"Hayaan nyo na sya. Ganyan talaga kapag umiibig, kung minsan hindi rin makontrol ang damdamin." Sabi ni ulit ni Bernard.

"Hindi sya pwedeng sumugod agad delikado kung mag-isa sya. Tara na, sundan natin sya, Simon." Sabi ni Lian.

"You.stay.here. Hindi ka sasama at hindi ka makikipaglaban."

Nabigla sya sa sinabi ni Simon sa kanya, at doon nya napagtanto na buntis pala sya.

"Kaya ko pa naman, eh!"

"No. I won't let you harm, dont such be hardheaded again, Lian. Bernard, bantayan mo future misis ko." Utos nito.

Bigla nalamang namula si Lian sa sinabi ni Simon na FUTURE MISIS. Nagpropose na kasi sa kanya si Simon na magpapakasal sila agad pagbalik nila sa Starnet.

"Sige na. Kiss muna."

Pinagbigyan naman ni Simon si Lian sa gusto nito, at muli na namang naglapat ang mga labi nila.

"Pambihira, harap-harapan ko pa talaga?" Iritang sabi ni Bernard sa dalawa.

Pagkatapos humiwalay na ang dalawa.

"I need to go."

"Okay take care. Love you!" Paalam nya kay Simon bago ito nag-ala flash sa bilis ng takbo nito palabas ng bahay ni Bernard. Tumingin naman si Lian kay Bernard ng pang-asar look, "Inggit ka lang, mag-asawa ka na kasi. Hmp!" Then she chuckled.

"Subukan mong tumakas patay ako kay Simon."

Natawa naman si Lian. "Ano ba? You don't trust me?" Biglang napahawak si Lian sa tiyan nya. "A-AAH! Aray ang sakit!"

Agad syang nilapitan ni Bernard. "Naku! Maupo ka muna. Yan na nga ba sinasabi ko eh!"

"Kuha mo ko ng tubig, please?"

"Sige, sige." Mabilis na kumuha ng tubig si Bernard. Pero anh hindi nya alam...Acting lang ni Lian yun para makatakas sya.

"Sorry Bernard, hindi ako mapapakali dito." Sabi nya sabay teleport nya.

Pagbalik ni Bernard mula sa kusina, nadatnan nyang wala na sa sala si Lian.

"Patay ako kay Simon nito. May maitutulong din ba ako?" Pagaalala nya.

- - - -

Dedicated to: LingClamar

My BOSS from the STAR (Season1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon