★STAR-41★

1.3K 42 1
                                    

********JINI HAINE's POV********

Nandito ako ngayon sa Mall. Nagtitingin ako ng DSLR Camera para kay Ian. Gusto ko munang iregalo iyon sa kanya pagdating ng birthday next month.

"Excuse me, Ma'am. May napili na po ba kayo?" Sabi ng saleslady sa akin.

Sa sobrang ganda, ang mamahal pa pala ng mga ganitong camera.

"Hmm.. Nagtitingin lang, hehe!"

"Pwede po kayong magpareserve dito."

Napangiti naman ako sa kanya. Sa totoo may napili na ko.

"Sige miss. Itong CANON DSLR Camera ipapareserve ko."

"Sige po, Ma'am. Fill up lang muna kayo doon."

Carry yan! Maganda trabaho ko ngayon hihi!

Balik sigla na ulit ako pagkatapos ng nangyari kay Syra noon. Napagalaman kong ALIEN daw ang pumatay sa kanya. Huhu!! Puro ALIEN na lang lagi. Tsaka hindi pa daw matukoy kung sino ang mga nakatalo sa mga Aliens na dumadayo dito sa Earth.

Yung tungkol sa nabangungot ako? Ikukwento ko pa ba? Natatakot kasi ako eh.. Sa panaginip ko...may sumaksak kay Sir Shone, ang bilis ng tibok ng puso ko nun. Gusto ko syang tulungan o sagipin kaso may pumipigil sa akin...si....

...Tatay? Ahuhuhu!! Anong ibig sabihin ng mga yun?

Yung kay Sir Shone at kung bakit lumitaw si Tatay sa panaginip ko. Bakit?!

"Ma'am, are you okay?"

Bigla akong natauhan. Tapos ko na palang fill-up-an itong form. Nginitian ko naman sya.

"Ah! O-oo, hehe! Pasensya na."

"Hmm.. I'm sorry po ma'am. But I think your not okay. *turo sa pisngi ko* may luha po kasi kayo."

Huh? Luha?

Hinawakan ko naman ang pisngi ko at totoo nga...may luha nga ko. T-Teka! Bakit lumuluha ako?

Agad ko namang pinunasan ang pisngi ko.

"P-Pasensya na talaga. H-heto tapos na ko. By next month ko bibilin yung camera"

"Sure ma'am. Thank you po."

Paglabas ko ng shop ay naisipan kong mamasyal muna dito. Naisip ko na puro ako trabaho, syempre kelangan ko ring malibang kahit paano. Buti na ngalang pinayagan akong magleave kahit ngayong araw lang.

Bigla akong napahinto sa tapat ng isang boutique. Ang Lian Star Fashion. Naalala ko tuloy nung dinala ako ni Sir Shone dito at binilan nya ng mga damit. Hanggang ngayon nakatago pa rin ang mga damit o kaya minsan yung iba ginagamit ko din.

Papasok na sana ako para magtingin-tingin ng may napansin akong familiar na tao.

Sina Sir Shone at Miss Mizuno.

Napansin kong lalabas na sila ng boutique kaya agad agad na kong tumakbo baka kasi makita pa nila ako.

Nagtago ako sa isang bookstore at kumuha ng isang magazine tsaka ko tinakpan sa mukha ko. Binaba ko ng kaonti ang magazine para makita ko sila kung lumagpas na sila. At ayun nalagpasan nila ako. Phew~!

Bakit ganun? Bakit iniisip ko na sana ako na lang yung kasama ni Sir Shone? Tapos parang may something na kumirot sa puso ko. Haist! Magtigil ka nakakailusyon mo Jini. Urgh!

Napatingin ako dito sa magazine na hawak ko. Tama ba tong nakikita ko?

Si Ian, nasa Magazine!!!
( √•o•)√

*******3RD PERSON's POV*******

"Pandak!!" Sigaw ni Jett. Sinadya nya yon para asarin si Thea.

Lumingon naman sa kanya si Thea na nakabusangot ang mukha.

"O bakit tumingin ka? Pandak ba pangalan mo? Pfft--!" Pagpipigil na tawa nya.

At halatang naasar naman si Thea sa kanya. Kanina pa kasi inaasar ni Jett ito.

"Sira ulo ka!! PAYATOT KA!!" Sigaw din ni Thea sa kanya.

"Hahahahahahaha!!!!" Hahampasin na sana sya ni Thea ng hawak nyang notebook kaso bigla din syang nakaiwas dito. "Babye, pandak!" Sabay pingot nito sa ilong ni Thea.

"Ouch!! Bwisit!!!"

Mabilis tumakbo palabas ng school si Jett. Paglabas nya ng gate ay biglang may tumawag sa pangalan nya.

"I-Ian?"

Nilingon naman ni Jett ito. At laking gulat nya ng makita ang hindi nya inaasahan magbabalik muli.

"T-Tatay?"

Ang amang iniwan sila at nangakong babalikan sila after five years..pero Ten years na ang nakalipas ngayon.

- - -

Dedicated to: pRetzem

My BOSS from the STAR (Season1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon