*******3RD PERSON's POV********
Mabilis nagtago sa isang halamanan si Bernard.
"Jusko, totoo ba tong nakikita ko? Tatlong...masasamang Alien?" Bulong ni Bernard na para bang kinakausap nya ang kanyang sarili.
Agad syang yumuko dahil muntikan na syang napansin.
********JINI HAINE's POV********
Heto kami ngayon ni Shone nakaupo sa harap nilang tatlo. Oo, isama nyo na si Ian, alam nyo naman yan hindi boto yan kay Shone. Pero sorry sya, kami na eh! ^___^v
Biglang natawa si Tatay. "Haha! Bakit ang seseryoso nyo? Anak, ayos lang yan, nasa tamang edad ka na kaya dapat lang na magkanobyo ka na. *tingin kay Shone* Basta ba wag ka nyang paiiyakin."
"Don't worry, Sir. It will never happen." Sagot nya.
Kyaaah!! Napangiti ako, akala ko pa naman sesermunan ako ni Tatay. Yun pala, full support pala sya sa aming dalawa.
"Hon, mukhang alam na natin kung bakit ayaw pa mag-aral ng anak mo. Hindi nya maiwanan ang Boyfriend nya." Sabi ni Mama.
"Wag po kayong mag-alala. Kapag okay na po*sabay tingin ko kay Shone* m-magaaral po ako ulit."
Pero hanggang kailan nga ba?
"Okay ang alin?"
"Yung pong project for advertising ng JH Group. They need our help so I accepted their proposal." Sagot ni Shone.
Tumango-tango naman si Tatay. Totoo ba yun? O palusot lang?
"Hindi bale, iha! Nice catch ka naman. Ang gwapo ng magiging MANUGANG KO." Sabi ni Mama sabay thumps-up.
Toinks!
Manugang talaga? Iniisip ko tuloy kung makakasama ko pa kaya sya hanggang sa future? Yung bang bubuo kami ng sariling naming pamilya? Na sya magiging Ama ng mga magiging anak ko?
Posible kayang mangyari yun? O pwede kayang dito na lang sya Earth habang buhay?
"Kung gusto mong tanggapin kita..." Napatingin kaming lahat kay Ian. "Hinahamon kita sa isang X-Box Game." Sabi nya kay Shone.
Baliw talaga tong si Ian. Napangisi naman itong si Shone.
"Sure. No prob."
Ayun, nagpunta na silang dalawa ni Ian sa loob ng movie room.
"Hayaan mo, nak. Malay mo dyan pa sila maging makasundo." Sabi ni Tatay. "Basta anak, masaya ako kung saan ka masaya. Nakikita kong pagkakatiwalaan sya at aalagaan LA nya. Pero sana balang-araw wag sana kitang makikitang umiiyak. Huh?"
"Oo iha, nandito lang kami ng Tatay mo. Susuportahan ka namin. And as your new mom, pwede ka din mag-open sa akin if you want." Sabi ni Mama.
"Salamat po sa suporta at pagtanggap po sa kanya. Akala ko magiging istriko po kayo. Hehe!
"Gusto mo ba?" Pabirong sabi ni Tatay.
"Haha! Tatay talaga ang gwapo, noh mama?" Paglalambing ko.
"Hahaha! Super, iha!" Tawa ni Mama.
Isa nalang talaga ang hinihiling ko. Ang makasama ko habang buhay si Shone, yun na lang ang kulang.
********BERNARD's POV********
Hiningal-hingal ako ng makarating ako sa bahay ko. Agad kong sinara lahat ng bintana tsaka ko ito pinala-lock. Pagkatapos pumunta ako sa secret hideout ko ang underground nitong bahay ko.
Tumungo agad ako sa budega tsaka ko hinila ang handle nasa sahig at ito ang pintuan patungo sa underground na pinagtataguan ko. Agad na kong pumasok dito tsaka ko ni-lock.
Nandyan lang sa tabi-tabi yung tatlong Bad Aliens. Hindi ko na natuloy ang pagpunta ko kina Lian dahil sa mga yan. Kung sakali mang pasabugin nila itong bahay ko, at least nandito ako sa underground para maligtas ako.
Agad kong cinontact si Lian.
"Hello? Lian?......may dapat kayong malaman......may nakita akong tatlong masasamang Aliens.......nandito ako sa Underground.....oo......sige, salamat."
Bigla akong nakarinig ng mga kakaibang tunog ng yapak ng paa mula sa sala. Jusko, pinasok nila ako.
"Dito muna tayo pansamantala."
Kakaibang boses. Ibig sabihin matatagalan pa ko dito sa underground? Sige ayos lang, ako na lang kakain nitong mangga at gatas na dapat para kay Lian. Haist! Kailan kayo aalis dito?
- - - -
Dedicated to: sweetylaney
BINABASA MO ANG
My BOSS from the STAR (Season1)
Ficção CientíficaHighest Rank Achieved in Science Fiction: #33 (12/25/16) #24 (02/02/17) #20 (02/05/17) #22 (02/11/17) This story will brings you to the other world of fantasy that full of actions and mysteries. They are Superhero Aliens who came from the STAR. But...