********JINI HAINE's POV********
Kanina pa ko naghahanap ng gamot dito sa kitchen nya o kahit saan, wala! Ano ba yan?! -_-
"What are you looking for?"
"AY ANAK NG!! Ano ba?! Wag ka ngang manggugulat!" Napahawak tuloy ako sa dibdib ko sa gulat ko sa kanya. "Bakit nandito ka? Dapat nagpapahinga ka sa kwarto mo. Naghahanap lang ako ng gamot dito."
"Wala ako nun. Hindi namin hiyang ang gamot nyo dito sa Earth."
Anong sabi nya? NAMIN? Ibig sabihin hindi lang sya ang Alien dito?
Pagkatapos lumapit na naman sya sa akin kaya napaatras na naman ako. "YAKAPsul lang ng Mahal Ko, sapat na."
"S-Sino naman ang m-mahal mo? Edi sya tawagin mo."
Ngumisi naman sya. "Okay" kinuha nya ang phone nya mula sa bulsa ng pants nya at may dinial doon.
Nabigla ako nang magring ang phone ko.
"Now you know kung sino ang tinutukoy ko."
Napatulala ulit ako sa kanya. "B-Bakit ako?"
Binaba na nya ang phone nya. "Hindi ko rin alam. Sayo lang tumibok ang puso ko. In love na ko sayo nung simulang niligtas kita nung bata ka pa..." Napanganga ako sa sinabi nya. "Did you remember what I told you? That someday we will meet again. And now that you're already here...you're are mine now, Miss Jini Haine Aldeo."
Oo naalala ko yun ininglis lang nya. Pero yung huli nyang sinabi...
"A-Ano?!" Nilapat ko ang palad ko sa noo "H-Hindi ka na nilalagnat. Aalis na ko. Hahanapin ko pa kapatid ko."
Tinulak ko sya ng bahagya nakarang kasi sa harap ko. Grabe! Ang bilis nyang gumaling! Pero bago pa ko makalayo sa kanya nahawakan nya ang kamay ko kaya natigilan ako.
"Don't worry, he's safe. And I know where is he. Trust me."
Napalingon ako sa kanya. "A-Alam mo kung na saan sya?! Kung ganun, na saan ang kapatid ko?"
"I saw him...with your dad." M-Magkasama sila? "I'm sorry if I heard you both arguing. Minsan kasi kapag namimiss kita, nasa malapit lang ako ng bahay nyo. Marami pa kong sasabihin at ipagtatapat sayo. So please, stay here for a while, hayaan mo muna si Jett na makausap ang Tatay nyo."
Hindi ako makapaniwala. Nagawa nya yun? Siguro tama si Sir Shone, pero sana sa akin pa rin sya umuwi.
*********JETT IAN's POV*********
Coincidence lang siguro yung kanina o sadyang tinadhana kami ni Tatay na magkita ngayong gabi?
Dinala ako ni Tatay dito sa....Mansion ba talaga matatawag sa napakagandang bahay nato? Sh*T! Ibig sabihin, nagpakayaman muna si Tatay kaya ang tagal nyang bumalik?
"Anak, siguro mabuti na rin to para makapagpaliwanag ako sayo." Sabi ni Tatay.
"M-Makikinig po ako.."
"Alam mo ba kung bakit ko kayo iniwan noon sa Tiya Brenda nyo?" Tumango ako. "Nagtrabaho ako sa Saudi. Pasensya na anak kung hindi ko sinabi dahil pipigilan ako ng Ate Haine mo."
Aaahh...
"Pero bakit ang tagal, tay? Sabi ni Ate babalikan nyo kami after five years eh ano ngayon? 10years na ngayon, Tay." Sabi ko.
"Oo alam ko, patawarin nyo. Nakulong kasi ako sa Saudi dahil sa pagbintangan akong may drugs sa gamit ko. Maniwala ka anak hindi akin yun."
Panganga ako. Dapat malaman to ni Ate. Naintindihan ko na.
"Paano po kayo nakalaya?"
Biglang may sumabat na babae saka tumabi kay Tatay.
"Ako tumulong sa kanya para makalaya sya." Sabi nung babae. "Ikaw pala yung bunsong anak, ang gwapo mo pala mana kay Tatay. Haha!" Dugtung nya pa.
"Anak, isa din to sa naging dahilan ko kaya kung bakit ang tagal kong bumalik. She likes me so we got married, meet my second wife and your second mom..Carol Cuenco-Aldeo. Hon, meet my bunso Jett Ian." Pagintrodeuce nya.
Napangiti naman ako. Mukha namang mabait sya.
"Finally I'm glad I already meet you in person. Just call me Mom okay?" Malambing nyanh sabi.
"Opo, m-mom." Naks! May mommy na! Haha! Pero si Nanay pa rin ang nagiisa sa puso namin ni Ate.
"Sana may chance na makapag-usap kami ng ate mo. Gusto kong m-makabawi sa nyo." Bigla na lang kami ng maiyak si Tatay sa harap ko.
"Hon naman, old man don't cry." Sabi ni Mom.
"Alam nyo bang binalikan at pinahanap ko kayo sa probinsya pero may nakapagsabi sa akin na wala na kayo doon. Hindi ko alam kung saan ko kayo hahanapin ng ate mo. Sobra ang pagaalala ko sa inyo."
"At laking pasasalamat namin na makita ka ng Tatay mo sa isang Teen Magazine, iho." Nakangiti nyang sabi ni Mom.
Hindi ko na rin mapigilan ang sarili ko at naiyak na rin ako.
"Tatay, namiss kita. At alam ko pong ganun din si Ate."
Lumapit si Tatay sabay yakap sa akin.
"Salamat anak. Mahal kayo ng Tatay, tandaan nyo yan."
- - -
Dedicated to: mabborang20
BINABASA MO ANG
My BOSS from the STAR (Season1)
Ciencia FicciónHighest Rank Achieved in Science Fiction: #33 (12/25/16) #24 (02/02/17) #20 (02/05/17) #22 (02/11/17) This story will brings you to the other world of fantasy that full of actions and mysteries. They are Superhero Aliens who came from the STAR. But...