*******3RD PERSON's POV*******
Pinagmamasdan lang ni Jett ang Ate nya habang kumakain ito. Kinakabahan sya kung sasabihin nya ba o hindi ang tungkol sa Tatay nila?
"May problema ba? Bat hindi ka pa kumakain?" Sabi ni Jini na huminto saglit sa pagkain.
"Ate, may itatanong lang ako."
"O sige. Ano yun?"
"Na.....mimiss mo ba si......Tatay?"
Biglang natigilan doon si Jini. Kahit hindi pa sya tapos sa kinakain nya ay agad na nyang niligpit ang pinagkainan nya at diniretsyo sa lababo.
"Alam mo naman ang sagot ko dyan, di ba?" Sabi nya na hindi nililingon si Jett.
"Pero Ate, tatay pa rin natin sya."
Humarap ulit sya kay Jett. "Anong bang problema at bigla mo syang binanggit?"
Napaiwas ng tingin si Jett sa kanya. "Ate, nakita ko si Tatay.."
Nabigla si Jini sa sa sinabi nito. "A-Ano? K-Kailan?"
Muli syang nilingon ng kapatid. "Kahapon lang. H-Hindi ko alam kung paano nya nalaman na sa EU ako nagaaral at kung paano nya ko nakilala. Alam mo ate? Ang laki na ng pinagbago ni Tatay, parang ang yaman ny---"
"TAMA NA!!!" Nagulat si Jett sa pagtaas ng boses ng Ate nya sa kanya. "Wala na kong pakialam kung paano nya nalaman na nandito tayo sa Maynila o kung ano man ang pagbabago nya ngayon! Isipin mo nga, sampung taon na. At sa sampung taon na iyon tiniis natin na wala sya!" Galit na sambit nya.
Hindi na nakapagpigil si Jett kaya tumayo na rin sya. "Alam ko pero iba pa rin na may magulang kang kasama."
"Anong ibig mong sabihin doon? Bakit? Hindi pa ba sapat ang pagiging magulang ko sa iyo?" Sabi nya ng may luha ng tumulo sa kanya sa pisngi.
"Ate, hindi sa ganun! Nagkita na kami ni Tatay kaya siguradong babalikan na nya tayo! Hindi mo pa ba kayang magpatawad?! Alam kong maliit pa ko noon pero masisisi mo ba ko na mimiss ko na may tatay ako? Gusto ko syang yakapin kanina pero hindi ko magawa kasi iniisip kita. Kung hindi mo pa sya kayang patawarin, pwes ako...OO. Kung may dahilan man sya kakayanin kong initindihin yun dahil Tatay natin sya."
Badabog na umalis si Jett sa harapan ng mesa.
"I-Ian..."
Hindi na nya napigilan at kusa na lamang itong lumabas ng bahay hanggang sa umiyak na sya.
---
Nagkulong si Jini sa kwarto nya at humahagulgol sa iyak habang inaalala nya kung paano sila iwan ng Tatay nila.
*Flashback*
Year 2006...
Nagtataka ngayon ang magkapatid kung bakit dinala sila ng tatay nila sa bahay ng Tiya Brenda nila.
"Ikaw na bahala sa mga bata. Alagaan mo silang mabuti." Sabi ni Julius, tatay nila Jini at Jett.
"Saan ka ba pupunta?" Tanong ni Brenda.
"Sa m-malayo. Basta pakiusap ko, wag mo silang pababayaan."
Hinawakan naman ni Jini ang isang kamay ng tatay nya. "Tatay, kailan ka po uuwi?"
"Pangako babalikan ko kayo pagkatapos ng limang taon. Matagal iyon, kaya nyo bang magtiis?"
Napalingon naman sila sa anim na taong gulang na batang lalaki na katabi ni Jini na nagbibilang sa kamay.
"Ganito po, tatay?" Pinakita ni Jett ang maliliit na limang daliri nya sa kamay.
Pinilit na ngumiti si Julius sa anak tsaka nya ginulo ang buhok nito. Binalik nya ang tingin nya kay Jini.
"Promise mo kay Tatay na aalagaan mo ang kapatid mo, huh? Aalis na ko."
Agad ng binitbit ni Julius ang mga bagahe nya atsaka na sya sumakay ng tricycle at umalis na.
"Tatay...TATAY!!!" Biglang tumakbo si Jini at hinabol yung tricycle. "Tatay, wag nyo po kaming iwaaan!!"
*End of Flashback*
Siguro tama ang kapatid nya. Kaso hindi nya pa kayang harapin ang Tatay nila. Napatingin si Jini sa wall clock, napasinghap sya ng makita ang oras.. 08:29 na ng gabi.
Agad syang napabangon sa kama at inayos ang sarili. Kailangan na nyang hanapin si Jett dahil oras na't wala pa ito.
Lumabas na sya ng bahay at sinimulan na nya ang paghahanap sa kapatid.
Madilim na ang daan at puro ilaw ng poste na lamang ang tanging liwanag ngayon sa daan.
"Ian, na saan ka na? Umuwi ka na." Mangiyak-ngiyak nyang sabi.
Sa sobrang pagaalala nya. Hindi nya namalayang nasa crossing na pala sya at nanlaki ang mga mata nya ng may sasakyan na palang mabilis na papalapit sa kanya.
- - -
Dedicated to: Cutie_Nerd15
BINABASA MO ANG
My BOSS from the STAR (Season1)
Bilim KurguHighest Rank Achieved in Science Fiction: #33 (12/25/16) #24 (02/02/17) #20 (02/05/17) #22 (02/11/17) This story will brings you to the other world of fantasy that full of actions and mysteries. They are Superhero Aliens who came from the STAR. But...