★STAR-26 (Part1)★

1.6K 57 1
                                    

*********JINI HAINE's POV*********

Nandito ako ngayon sa bahay. Sigurado akong magugulat si Ian kapag nalaman nyang wala n kong trabaho ngayon. Haayyy...

Nagulat ako ng marinig ko na parang may nabasag. Agad akong pumunta sa kwarto nyang nakabukas. At nakita ko yung picture frame nya na nahulog mula sa taas ng cabinet nya.

Dahan-dahan kong kinuha yung picture frame ni Ian at basag na ang salamin nito. Hindi ko alam pero bigla na lamang ako nakaramdam ng kaba.

Jusko, wag naman sana. At sana mali ang iniisip ko.

Magulat ulit ako ng tumunog ang phone ko kaya agad akong pumunta sa kwarto ko.

Calling... Ian

'Bakit tumatawag si Ian sa oras ng trabaho nya?' Bulong ko sa isip ko.

Agad ko naman itong sinagot.

"H-Hello Ian?........N-NASA OSPITAL ANG KAPATID KO?!?!"

Hindi ko namalayang nahulog ko ang phone ko sa pagkagulat. Gulat na gulat ako isang matanda ang tumawag sa akin at sinabing sinugod sa ospital ang kapatid ko.

Agad kong kinuha muli ang phone at bag ko. Tsaka na ko tumakbo palabas ng bahay.

-Hospital-

Agad akong tumakbo papunta sa Emergency Room dahil nandoon pa daw hanggang ngayon ang kapatid ko.

Hingal na hingal ako at umupo ako sa may tabi para hintayin lumabas ang doktor. Hindi ko mapigilan ang maiyak having iniisip ko ang kalagayan ni Ian. Ano ba kasi ang nangyari?

"Iha?"

**********BERNARD's POV**********

Hindi ko na alam kung paano ko mapapaliwanag ang lahat ng nangyari kanina. Laking pasasalamat sa binatang iyon na buong tapang akong niligtas, sana maging ligtas sya sa kalagayan nya ngayon.

Hawak ko pala ang phone ng binata na inabot sa akin nung nurse kanina bago sya ipasok sa Emergency Room. Naisipan ko na tawagin ang kamag-anak nya at nakita ko ang pangalang 'ATE KO' kaya ito ang tinawagan ko.

At doon ko nalaman na kapatid nya iyon.

"Bernard!" Lumapit sya sa akin.

Si Lian ang nagligtas sa amin pero nabigo pa rin sya dahil hindi nya nagawang talunin ang Alien kanina at bigla na lamang itong tumakas.

"Nahanap mo ba yung Alien?"

Umiling sya. "Hindi. Pero pinaalam ko na yun kina Gray at..Simon."

Hula ko. Sa itsura nya mukha syang nabigo sa pag-ibig. Tsk! Tsk!

Kahit hirap ako sa braso kong nakabenda ay pinilit kong umalis sa kama. Sigurado akong nandyan na yung kapatid ng binata.

"Oh! Saan ka pupunta? Hindi ka pa magaling!"

"Tumigil ka nga dyan. Hindi naman ang paa ko ang napuruhan. Pupuntahan ko lang yung kapatid ng binata."

"Samahan na kita."

"Tsk! Wag na! Kaya ko naman."

"Haist! Tigas pa rin ng ulo mo kahit matanda kana."

Hindi ko na lamang sya pinansin at lumabas na ko ng kwarto. Ayoko sa lahat ang manatili dito sa ospital.

Nadatnan ko ang isang babae nakaupo ito at umiiyak habang nakatingin doon sa pinto ng E.R. Sya na siguro kaya nilapitan ko sya.

"Iha?" Lumingon sya sa akin. "Ikaw ba yung kapatid nya?"

"O-Opo."

Umupo ako sa tabi nya at binagay ko yung phone ng binata sa kanya. "Heto yung phone nya. Ako yung tumawag sayo kanina, iha. Pasensya na kung pati kapatid mo nadamay."

"A-Ano po bang nangyari? *sob* Sabihin nyo po.."

Kwinento lahat sa kanya ang pangyayari. Pagkatapos ay tuluyan na syang humahulgol sa iyak.

"Miss Aldeo?"

Napalingon naman ako kay Lian na bigla na lang sumulpot. Kilala nya ang babaeng to?

--A/N: See Bernard's photo at the side. Thanks. Leave comments! :*

- - -

Dedicated to: bluebutterfly_22

My BOSS from the STAR (Season1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon