★STAR-57★

1.2K 39 0
                                    

********3RD PERSON's POV********

Napadilat si Jini nang may naramdaman syang hangin sa likod nya kaya agad syang napalingon dito.

"I'm here." Sabi ni Shone sa kanya.

Napangiti naman si Jini sa kanya. "Sineryoso mo nga talaga, noh?"

"I like your pajama."

"Ganda noh? Favorite anime ko to, si Doraemon."

Natawa naman si Shone nang maalala nya si DoraeBot na alaga nilang tatlo. Silang tatlo nila Lian at Simon ang gumawa kay DoraeBot noong mga bata palang sila hanggang sa naging kalaro nila yung robot.

"Let's go out." Pag-aya ni Shone sa kanya.

"Ano? Baliw ka ba? Anong oras na kaya, noh?" Mahinang sabi ni Jini sa kanya.

"What sense of teleporting? Tss.. Iuuwi din kita kaagad."

Nagcrossed-arms naman si Jini. "Dyan ka magaling, eh! Sige na nga ngayon lang naman."

Gusto muna nyang maging masaya sa piling ni Shone bago nya gawin ang pinaplano nya kahit na masakit para sa kanya iyon. Mas lalo na siguro para kay Shone lalo na't mahal na mahal sya nito, pero sana tanggapin nya.

Lumapit na sya kay Shone tsaka sya yumakap at sinandal ang ulo nya dibdib dito. Pagkatapos ay sinimulan na ni Shone ang pagteleport.

Nanlaki ang mga mata ni Jini sa mangha ng natatanaw ngayon ngayon.

"Na saan tayo?"

"We're here at the rooftop of my condo's building."

--Now Playing: Every Moment with You by Sung Shi Kyung (kung nanunod kayo noon ng MLFTS, magiging familiar sa nyo ang song nato.) Enjoy! ^__^

Gandang-ganda si Jini sa mga ilaw na natatanaw nya mula sa mga malalaking buildings at sasakyan na nasa ibaba, idagdag pa dito ang lamig ng simoy ng hangin at mga bilyong bituin na kumukutitap mula sa kalangitan.

Naramdaman ni Jini na parang may pinatong si Shone sa balikat nya, isang jacket.

"Medyo malamig." Sabi nito sa dalaga.

"Salamat." Nakangiting sabi nya kay Shone.

"Did you like it?"

Todo tango naman sya kay Shone. "Oo naman! Sobra! Ngayon ko lang naranasan na mag-sightseeing nang ganto mula sa rooftop. Thank you, Sir--este Shone sa pagdala mo sa akin dito."

Paglingon nya wala na pala si Shone sa tabi nya. At ayun, nakahiga sa isang carpet na nilatag nya habang gamit nya bilang unan ang isang left shoulder nya, habang ang right shoulder nya ay nakaladlad lang.

"Here." Sabay tap ni Shone sa space na katabi nya at para bang gusto nya na tumabi sa kanya si Jini.

Sinunod naman ni Jini ang gusto ni Shone kaya humiga na sya tabi nito at ang gamit nyang unan ay ang right shoulder ni Shone.

Tumagilid si Shone para mapagmasdan ang mukha ng dalaga. Kahit sa gantong paraan lang ay naging masaya silang dalawa.

Biglang tinaas ni Jini ang kamay nya na para bang may tinuturo sya sa itaas.

"Hindi ba yun ang planeta nyo? Yung malaking star na yun?"

"Hindi. Venus yun." Nakangiting sagot nya kay Jini kahit na hindi sya nililingon nito na abala sa pagsstar gazing. Habang sya rin ay abala sa kakatitig sa mukha ni Jini.

Binaba na ni Jini ang kamay nya. Tsaka sya tumingin sa katabi nya na kanina pa sakanya nakatitig.

"Kung laser lang siguro yang mata mo, siguro kanina pa ko tunaw dito." Sarcastic nyang pagkasabi kay Shone. Nagulat na lang sya nang bigla pinalupot ni Shone ang isang braso nito sa bewang nya, hanggang sa tuluyan na silang magyakapang dalawa.

"Kahit anong mangyari...mamahalin pa rin kita." Bulong sa kanya ni Shone.

Sinubsob ni Jini ang mukha nya dibdib ni Shone. Pinipigilan nyang wag maiyak.
Inangat ni Shone ang tingin nya sa kalangitan. "The stars above us are the witnesses from what we are now. If you're lonely, just stare at them. And I assure you, they will make you happy."

Muli nyang binalik ang tingin nya kay Jini na tulog na pala ito, napansin nyang may luha ito kaya pinunasan nya gamit ang thumb finger nya.

"Goodnight, my star." Then he kissed Jini's forehead. "I love you." He whispered.

- - - -

Dedicated to: JessaCadz24

My BOSS from the STAR (Season1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon