★Special Chapter★

2.4K 75 2
                                    

Isang labanan ang nagaganap ngayon sa pagitan ng STARNET at BIG BLACK SHADOW ALIENS.

Unang pinagpapatay ng mga STARNET ang mga Black Shadow Zombies na nilikha ni Professor G.

"Sh*T! Ang dami nila!" Inis na sabi UTA135 (Simon) na tuloy lang sa pagpapatay sa mga kalaban gamit ang kanyang kamay na patuloy sa pagpapalabas ng Sharp Bullets mula sa kanyang palad saka nya itututok ito sa mga kalaban.

--A/N: yung mga nababasa nyong mukhang plaka ng sasakyan ay CODENAME nila! XD

Patuloy sa pagsipa at pagsuntok naman si GFA246 (Lian) sa mga kalaban na malapit sa kanya.

Bigla syang tumalon ng mataas dahil pinagkukumpulan na sya ng mga kalaban na zombies.

Kinuha nya ang kanyang latigo na naging matulis at nagliliyab na espada. Sinugod nya agad ang mga ito "YAAAAAH!" Saka nya pinaghihiwa at pinagsasaksak ang mga kalaban.

"Great Job, GFA246!" puri ni UTA135 sa kanya.

Nginitian naman ito ni GFA246 "Thanks!" Sabay talikod nya dahil ang pisngi nya nagsimulang mamula at hindi nya maiwasang kiligin.

"Iwan nyo na yan sa mga STARNET Soldiers, kailangan na nating sugurin ang walangyang Professor G. na yun!" Sabi ni ASA790 (Shone)

Sabay tumango ang dalawa. Silang tatlo ang tinaguriang STARNET Warrior.

Sina Unbelievable Tremendous, Glamorous Flamming, at Amazing Strange. Silang tatlo ang pinagkakatiwalaan mula sa kanilang planeta ang STARNET!

Tumakbo na yung tatlo papunta laboratory ni Professor G.

Pagpasok nila isang surpresang patibong ang bumalaga sa kanila.. Isang Laser Cage.

"Hahahaha!!!" Tawa ni Professor G.

"PAKAWALAN MO KAMI DITO!!!" sigaw ni GFA246(Lian)

Habang yung dalawang lalaki naman ay halos magliyab na mga mata nila sa sobrang galit.

"Papakawalan kita kung papayag kang maging reyna ko, GFA246. HAHAHA!!!"

"Mas gugustuhin ko pang mamatay kaysa maging reyna mo!"

"Kapag nakawala kami dito. Magtutuos tayong dalawa! Paghihiganti namin ang pagpaslang mo sa aming Hari!" -ASA790(Shone)

"Oh? Talaga? O sige kung magagawa nyo talagang makawala dyan edi GO! Kaso ngalang its already time and a few minutes to go sasabog na itong planeta ko dahil sa kakagawan nyo! Salamat, huh? Hahaha!!"

Nanggagalaiti na silang tatlo sa galit. At sa hindi nila inaasahan. Pumasok si Professor G. sa maliit nyang spaceship.

"F*CK! TATAKAS SYA!" -UTA135(Simon)

"DUWAG KA!!" -ASA790(Shone)

"BALANG ARAW MULI TAYONG MAGKAKAHARAP AT MAGLALABAN, STARNET WARRIORS! BWAHAHAHA" kasabay nun ang pagsara ng pinto ng spaceship ni Professor G. hanggang sa lumipad na sa kalawakan.

"Baliw na sya.." Mahinang sabi ni GFA246(Lian)

"Ilang minuto na lang sasabog na tong planeta nya kasama tayo, kapag hindi pa tayo nagtutulungan patay tayong lahat!" Sabi ni UTA135(Simon) sa dalawa.

"Warriors?!"

Napalingon sila sa tumawag sa kanilang tatlo. Isang soldier na nakapasok sa laboratory.

Pagkatapos nun ay nakawala na sila sa Laser Cage ng tulungan sila ng kasamahan nilang soldier. Ilang segundo na lang ang papalapit na ang pagsabog ng planeta ng Big Black Shadow.

4

3

2

1

BOOOM!!!!

Ilang soldiers at ang tatlong warriors lang ang nabuhay at nakaligtas. Mabilis silang bumalik sa STARNET.

"THE WARRIORS ARE BACK!! THE WARRIORS ARE BACK!! THE WARRIORS ARE BACK!!" salubong ni DoraeBot. Isang robot nakahawig ni Doraemon.

"Ingay mo, DoraeBot ah! *sabay tap nya sa tutok ng ulo ni DoreaBot* Nasan si Officer SIG01?" Tanong ni UTA135(Simon)

"Nagmimeeting sila with the other STARNET Officers" sagot ni DoreaBot.

Bumakas na ang pinto ng Meeting Office.

"Salamat ligtas kayo, Warriors! Napatay nyo ba sya?" Si SIG01 ang ama ni ASA790(Shone)

"We failed.." they said in chorus.

"What do mean we failed?" Kunot-noo tanong ni Officer SIG01

"Officer, nakatakas sya." Sabi ni GFA246(Lian)

Napapikit si Officer SIG01, then he sighed. "Sigurado akong may malaking pinaplano si Professor G. kaya nya nagawang tumakas. May sasabihin ako sa inyong tatlo. Doon tayo sa office ko."

Nagkatinginan naman yung tatlo bago sila sumunod kay Officer SIG01.

-Office-

"Pinatawag ko kayo dahil may ibibigay akong mission. *tingin kay Shone* Anak, you have a mission, you're going to Planet Earth."

Bahaygang nagulat si ASA790(Shone), pati na rin ang dalawang katabi nya.

"But why I need to go there?"

"You'll need to protect that planet against the Big Black Shadow. Because soon *turo sa malaking picture ng Earth sa screen monitor* that will be their target. Sasakupin nya ang mundong yan para paghariin nya."

"Sya lang ba pupunta doon?"-GFA246(Lian)

"Ano naman ang mission namin?"-UTA135(Simon)

"You two just stay here. Warrior GFA246, your mission is to protect our planet. And Warrior UTC135, just search for that bastard kung saan lupalop pa sya ng kalawakan."

Sumang-ayon na lamang ang dalawa. Muli nyang binalik ang tingin nya sa anak.

"Maari ka ng umalis bukas, anak. Wag kang magalala may nagaabang sayong tao doon na syang tutulong sayo kung paano mamuhay sa kanilang planeta."

"Kung ganun. Sino sya, ama? At paano kayo nagkaroon ng koneksyon sa taong Earth?!"

"Sya si Alicia Padilla. Tulad mo, nagkaron din ako ng mission noon at yun ang pagpunta sa planetang Earth nung panahong wala pa kayo. Nakilala ko sya at nagkagusto ako sa babaeng iyon pero kinalimutan ko na ang nararamdaman ko sa kanya dahil Alien tayo at Tao sila. Kaya naging magkaibigan na lamang kami. At laging pasasalamat ko dahil sya lang ang pinagkakatiwalaan ko tungkol sa pagsikreto ng lahi natin. Kaya anak, kung maari iwasan mong umibig doon. Kapag umibig ka, malaking kaparusahan ang dapat mong tanggapin pagkatapos ng mission."

Tinanggap na lamang ni ASA790(Shone) ang kanyang mission. At maraming taon ang dadaan kaya kinailangan nyang paghandaan ang kanyang sarili kung ano mangpagsubok ang haharapin nya doon.

- - -

Dedicated to: iiamKyL

My BOSS from the STAR (Season1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon