********JINI HAINE's POV********
Heto ako ngayon, ihahatid ako ni Sir Shone sa amin.
Alam ko na ang totoong pagkatao nila. Sya, si Miss Lian, pati na rin si Sir Simon. Grabe hindi ko makapaniwalang mga ALIEN sila na galing sa Bituin! At kung bakit sila dito.
At ngayon ko lang narealize na dalawang ALIEN pa talaga ang nagkagusto sa akin. Shemaaay!!
Umaga na, nasa bahay na kaya si Ian? Ano na kayang balita sa kanila ni Tatay?
"We're here." Sabi ng katabi kong Alien. Hindi nya ko pinauwi, pinatulog nya ko sa condo nya. At syempre....
...hindi kami magkatabing natulog noh? Hehe! In your dreams! ^___^v
"Change your clothes. Papasok ka pa sa work, right? Ihahatid na kita. I'll be waiting here." Sabi nya pa.
"Naku! Wag na. Umuwi ka na, kaya ko namang pumasok mag-isa."
"Don't wanna. Magiging kampante ako kung ihahatid ko ang girlfriend ko." Ngimisi sya habang nakangiti sa akin. "Your blushing. Haha!"
"Waah! Magtigil ka nga! Hindi pa kita boyfriend!"
"Hahahahaha!!!" Tawa nya. Shems! Natulala naman ako sa kanya. Ngayon ko lang sya nakitang tumawa ng ganyan. "You're the one who made me laugh like this. Nice! So, hindi 'PA'? It means I still have a chance to be your boyfriend."
Sinabi ko ba? WALA DI BA?? Huhu! Kung meron lamunin nyo na ko ng buhay.
"E-Ewan ko sayo!" Sabi ko sabay labas ko sa kotse nya tsaka ako tumakbo papasok sa bahay namin.
Pagkapasok ko sa bahay namin ay agad kong isinara.
"Ate?"
Napatingin ako sa kanya. Nandito na pala si Ian at naka-uniform na sya.
"Anong oras ka umuwi? Saan ka natulog?" Tanong ko sa kanya kahit na alam ko naman na kay Tatay sya natulog kagabi. At sigurado akong nakapag-usap na silang dalawa.
"Maaga akong umuwi. Eh ikaw, saan ka galing ate?"
"Hindi mo ba alam kung saan-saan kita hinanap? Sobra akong nagalala sayo."
Gusto ko lang magpalambing, two days na syang cold sa akin. Nakakatampo lang.
Lumapit sya sa akin tsaka nya ko niyakap. "Sorry, Ate. Coincidence lang ang pagkikita namin ni Tatay kagabi. Ikukwento ko na lang pagbalik ko at alam kong maiintidihan mo yun Ate. Male-Late na ko, bye Ate."
Pagkatapos lumabas na sya ng bahay. Ano naman Kaya ang dapat kong intindihin?
"Ang tagal mo."
"AAAHH!!" Napatalon ako sa gulat nang lumitaw si Sir Shone.
"You're already late, Miss Aldeo." Alam ko, ikaw may kasalanan nito eh. Ngayon mo lang ako inuwi.
"Sabi ko umalis ka na, di ba?"
"I'm your boss so you must to follow me." Bumalik ulit ang seryoso nyang mukha at titig.
"Noon yon. Hindi na ngayon."
"Mag-ayos ka na. Hihintayin kita dito." Umupo sya at binuksan yung TV. Aba! Ang kapal ah!
Bahala nga sya dyan. :3
----
Nagbabiyahe na kami ngayon ni Sir Shone ngayon. Di ba nga sabi nya ihahatid nya ko?
Napatingin ako sa labas ng bintana. Nagtaka naman ako, hindi naman ito papunta sa company na pinapasukan ko ah!!
At nang makarating na kami. Napanganga ako.
TEKA! BAKIT DITO?!?!
Nilingon ko sya. "Bakit mo ko dinala dito sa kumpanya mo?!"
Oo, dinala nya ulit ako dito sa Hanston Corporation.
Ngumisi sya habang nakangiti. "Welcome back, my Secretary Aldeo."
Natigilan ako sa sinabi nya. Ano daw? Ibig sabihin...
"AAAHH!!! Ayoko!!" Inis kong sabi. Tahimik na nga buhay ko sa Call Center tapos heto ibabalik nya ko sa paggiging Secretary nya tsaka nya ko sisigawan at susungitan!
"Did you remember what I have said to you before? I.WILL.NEVER.LET.YOU.GO.AGAIN, understood?"
Eehh??
Pagkatapos lumabas na sya ng kotse nya at pinagbuksan nya ko ng pinto. Nice! Gentleman naman pala. Paglabas ko agad nyang hinawakan ang isang kamay ko papasok sa kumpanya.
Naku! Hindi pwede to holding hands namin baka kung ano pangisipin nila kaya pwersahan kong binawi ang kamay ko sa kanya.
"Psh.."
Tignan mo ito, sya pa may ganang magsuplado dyan.
Pagdating namin sa... Waaaah!! Namiss ko itong 2nd Floor, ang Accounting Department at Marketing Department!!
At laking gulat nila ng masilayan nila ako mula sa likod ni Boss.
"She's now again...my official Secretary." Anunsyo nya.
Ako.. (_ _")
- - -
Dedicated to: Eizzazura
![](https://img.wattpad.com/cover/38212556-288-k342726.jpg)
BINABASA MO ANG
My BOSS from the STAR (Season1)
Science FictionHighest Rank Achieved in Science Fiction: #33 (12/25/16) #24 (02/02/17) #20 (02/05/17) #22 (02/11/17) This story will brings you to the other world of fantasy that full of actions and mysteries. They are Superhero Aliens who came from the STAR. But...