★STAR-70★

1.2K 40 0
                                    

*******3RD PERSON's POV*******

Sa hindi inaasahan ni Jini na kahit malayo ay dinala sya ni Shone kung saan unang-una silang nagtagpo. Umupo sila sa isang waiting shed.

"Nasa....probinsya ba tayo?" Tanong nya kay Shone.

"Oo. Gusto kong balikan nung una kitang makita. Yung unang pagligtas ko sayo noon, hanggang sa mainlove ako sa isang batang katulad mo. I want to be memorable every moments with you and I want to keep it as a treasures."

Nakatingin lang silang dalawa sa daan, at munting ilaw lang galing sa poste ang nagsisilbing liwanag malapit sa kanila. Hindi maiwasan ni Jini na mapaluha dahil iinisip nya na parang magkakahiwalay na silang dalawa.

"Kung...h-hindi ka siguro dumating nun. S-Siguro wala na ko ngayon." Nilapit naman ni Shone si Jini sa kanya tsaka nya ito niyakap. "Pwedeng dito na lang kayo?"

"Kung may magagawa lang sana ako, bakit hindi."

Nalungkot naman lalo si Jini. Inangat ni Shone ang chin ni Jini tsaka nya ito marahan na hinalikan sa labi.

---

3days left..

Nakipagkita ang tatlo sa office ni Prosecutor Lee kasama na rin doon si Officer Montel.

"May ipapakita kaming picture sayo Mr.CEO." nilabas ni Officer Montel ang isang lumang picture na color sepia pa ang filter nito na halatang-halata sa picture nung araw pa ito kinunan. "Hindi ba, ikaw to?" Tinuro niya kay Shone ang isang lalaki doon na kamukhang-kamukha nya.

"Ako nga yan." Sagot ni Shone. Kaya bahagyang nagulat si Officer Montel.

"T-Talaga?! Ang tagal mo na pala dito, pero buhok lang ang nagbago sayo."

Tumango na lamang si Shone na para bang wala sa mood.

"May student na lumapit sa amin at sabi nya naging professor ka daw nya noon, ang pangalan mo pa daw Edward Cervantes. Totoo?" Tanong nya ulit.

"Oo. Marami pa kong pangalan na ginamit."

Biglang nagsalita si Prosecutor Lee. "Kaya namin kayo pinapunta dito ay para pasalamatan kayo dahil niligtas nyo kami, pati na rin ang mundo. Salamat sa nyo."

"Wala yun. Actually, we only have 3days left before we go home to our planet. Thanks for helping us too." Sabi ni Simon.

"Prosecutor, after we leave here on Earth. Would you please give this to Jini Haine Aldeo?" Sabay abot ni Shone sa isang folder.

"Sige. Makakaasa ka."

Siniko naman ni Lian si Shone. "Ano yun?"

"Shares ng company."

"Huh? Kanino mo ibibigay?"

"Kay Jini."

Nabigla sila sa sinabi ni Shone. "Don't worry, kailangan nya munang mag-aral bago nya hawakin ang company."

----

Ginabihan, masayang nakisalo si Shone ng hapunan sa pamilya ni Jini at nakipagkwentuhan.

"Ian, may sasabihin sayo ang Kuya Shone mo." Sabi ni Jini.

"Huh? Ano yun?"

"May advance birthday gift ako sayo..." Sabi ni Shone habang hinihintay ni Jett ang kasunod na sasabihin nito sa kanya. "...Yung telescope ko, sayo na lang."

Napanganga si Jett sa sinabi ni Shone sa kanya. "T-Talaga?!" Nagnod naman ito sa kanya. "Woah! Thank you, Kuya!! Sige, IDOL na rin kita! Haha!!"

"Alagaan mo ate mo. Mas mahal ko yan kesa sa telescope ko."

Napawi ang mga ngiti ni Jini tsaka nya nilingon si Shone. Umiwas naman ng tingin si Shone sa kanya.

Pumunta silang dalawa sa garden para makapagrelax saglit.

"Yung company pala. Sinong mamamahala?"

"May tao na kong pinagsabihan nun, malalaman mo rin kung sino." Hinawakan ni Shone ang kamay ni Jini. "Let's have a date tonight."

Kahit malungkot si Jini ay pinipilit nya pa rin masaya. Kahit na masakit na iiwan na sya nito kahit hindi pa nya alam kung anong araw o ilang araw na lang ang nabibilang bago sila magkahiwalay.

"Sige, saan naman?"

Pagkatapos ay nagteleport na ulit sila.

My BOSS from the STAR (Season1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon