********JINI HAINE's POV********
Masaya kami buong weekend ni Shone. Pero sa gagawin ko mamaya, magiging masaya pa kami tulad noon. Makikita ko pa syang nakangiti pagkatapos nito?
Naiiyak ako... Mahal na mahal ko sya, pero hindi ko kaya na nakikita ko syang mahina nang dahil lang sa akin.
'I'm sorry,Jini. But you need to give up now on him. Masyado ng delikado to para sa kanya kung lalo pang lalalim ang pagmamahal nya sayo. Nandito na ang mga Bad Aliens. We need him to be strong again, sana mainitindihan mo. Hindi kami tutol sa pagmamahalan nyong dalawa, pero wala kaming magagawa dahil hindi pwedeng umibig ang Alien sa Tao.'
Yan ang mga sinabi sa akin ni Miss Lian kagabi. Puyat ako kakaisip at kakaiyak kada iniintidi ko ang mga sinabin nya sa akin. Naglalakad ako ngayon papasok sa elevator nang may humawak sa braso ko kaya natigilan ako sa paglalakad.
"Nakapagdesisyon ka na ba?" Si Miss Lian.
Nilingon ko sya tsaka ko sya nginitian. Ni simpleng ngiti lang ang hirap ding gawin kahit pilit lang.
"Kakayanin ko." Sabi ko. Ramdam ko na nangingilid na ang mga luha ko kaya pumasok na sa elevator. Alam nyo na kung saan papunta.
*Ting!*
Pagbukas ko elevator ay deretsyo na ko sa desk ko. Pagdating ko may nadatnan akong sticky note doon.
'You're Late! Go to my office now. I want to see you.. --Love, Shone'
Hindi ko alam kung matatawa ba ako o kikiligin?
Siguro heto na ang tamang oras. Pumasok na ko sa loob ng office at nakita ko sya doon nakatayo sa tapat ng wall glass.
"Nandito na ko. S-Sorry if I'm late." Sabi ko. Tapos bigla akong napayuko, ayoko makita ang mukha nya. Okay Jini relax... Huhuhu! Sheeems! Ninenerbyos ako!
"What's wrong?" Sabi nya na hindi ko namalayang...nasa harap ko na pala sya.
No choice, tiningala ko na ang tingin ko sa kanya. "Ah.. W-Wala naman. M-May kailangan ka? May mga meetings ka pa mamaya."
"Wait, I have something to giv---"
"Shone.." Natigilan sya sa paghahanap ng kung ano sa loob ng suit nya. "...t-tigilan na natin...'to."
"What?"
"......" Napakagat ko ang ibabang labi ko para mapigilan kong hindi maluha. Kaso ayaw makisama ng luha ko.
"Anong sinabi mo? Ulitin mo!" Nabigla ako sa pagtaas ng boses nya, hanggang sa tuluyan na kong maiyak.
"T-Tigilan na natin to... M-Mas mabuti na k-kalimutan mo na ang nararamdaman mo sa akin. T-Tama na, hindi ko na kaya to."
Biglang kumunot na ang noo nya.
"A-Anong hindi mo na kaya? Are you breaking up with me?"
Taas-noo ako tumingin sa kanya kahit na patuloy pa rin sa pag-agos ang mga luha ko. Kaya ko to, kahit masakit.
"Oo! Nakikipaghiwalay na ko! Alam mo kung bakit? Dahil maling-mali na.....
...pumatol ako sayo."
Naging mas sumeryoso ang tingin nya sa akin. Bigla nya hinawakan ang magkabilang kong braso ng madiin.
"Umamin ka. Minahal mo ba ko? Huh?!" Sabi nya na puno na ng galit.
Oo, sobra... Kahit ALIEN ka pa minahal kita.
"Hindi."
Agad nya kong binitawan. "DAMN, JINI! I don't believed you. I know you have a reason so spill it!"
Kung sasabihin ko, alam kong hindi mo pa rin pipilitin na kalimutan ako.
"Wala! Sadyang mali lang talaga to. At lahat ng pinapakita sayo, hindi yun pagmamahal. Puro kasinungalingan lang ang lahat, kaya... Tapos na tayo. Mas maganda kung kakalimutan mo na ako agad. Hindi kita mahal, at mas lalong hindi kita...minahal."
Sorry, Shone. Kahit kailan minahal kita, naging masaya ako. Kaso kailangan ko tong gawin.
Tumalikod sya sa akin.
"Pinaglaruan mo lang pala ako kung ganun. Sabagay tama ka, maling-mali na umibig ako sayo. Sige, pagbibigyan kita, kung gusto mong kalimutan kita...
...magresign ka na. Umalis ka na dito. Ayaw na kitang makita pa. *tingin sa akin ng masama* kung ano pang magawa ko sayo."
Nanlaki ang mga mata ko ng tumingin sya sa akin ng masama na ibang kulay ang mata nya. Kung dati puti, ngayon naman kulay GREY kaya napaatras ako sa takot ng itsura ng mata nya.
"Get.Out!" Madiin nyang pagkasabi.
Tuluyan na kong tumakbo palabas ng opisina nya. Paglabas ko ng opisina nya nadatnan ko sila Miss Lian at Sir Simon na mukhang kanina pa nandito sa labas.
"Jini..." Sabi ni Miss Lian.
Bigla na lang akong napayakap sa kanya at humagulgol sa iyak.
"Don't worry, everything's gonna be fine."
Ang sakit. Mahal na mahal ko sya. Pero kailangan naming tanggapin na hindi talaga kami para sa isa't-isa.
![](https://img.wattpad.com/cover/38212556-288-k342726.jpg)
BINABASA MO ANG
My BOSS from the STAR (Season1)
Science FictionHighest Rank Achieved in Science Fiction: #33 (12/25/16) #24 (02/02/17) #20 (02/05/17) #22 (02/11/17) This story will brings you to the other world of fantasy that full of actions and mysteries. They are Superhero Aliens who came from the STAR. But...