★STAR-49★

1.4K 42 0
                                    

********JINI HAINE's POV********

"How are you, Miss Haine?" Sabi ni Sir Simon pagkalabas nya ng office ni Sir Shone. Ngumiti naman ako sa kanya.

"Mabuti naman po ako, Sir Simon. Kayo po kumusta na?"

"I'm fine. Sorry for my rudeness before. Shall we friends again?"

"Ano ba kayo? Kalimutan nyo na po iyon, hehe! Friends na po tayo." Nagshake-hands naman kaming dalawa.

"Pero crush mo pa rin ako?" Sabi nya.

Ano bang sabi ko noon sa kanya? Second crush?

"Second crush po. Hehe!"

"Ganun? Pang second lang? Sino ba yung first?" Tanong nya ulit.

Ahuhu! Sasabihin ko ba na si Sir Shone ang crush ko noon pa man?

"Ahh.. A-Ano po... Ahm.. SECRET!"

Natawa naman sya. "Malalaman ko din yan kaya hindi na kita pipilitin." Napalunok ako.

Sya kaya tanungin ko. Hehe! "Kumusta na po kayo ni Miss Lian?" Naeexcite na kong malaman ang tungkol sa kanila.

Bumugtong-hininga na muna sya bago sya magsalita. "For her, we're still friends. But when i learned to love her, I'm started courting her secretly. She didn't know about this, so would you please keep this a secret first?"

Napangiti ako ng ubod ng lapad. Shemaaay!! Grabe! Bagay talaga naman kasi sila eh! Di ba?

"Sure naman, Sir Simon. Your secret is safe with me. Hihi! Tama lang po yan, what more kung malaman nya na. Kyaaah! Ako na po yata ang unang kikiligin sa inyo."

Natawa ulit sya "You're acting like a teenager. Haha! Thanks for keeping my secret. Maiwan na muna kita, see you later."

"Okay po, Sir. Goodluck sa panliligaw!"

Lumingon ulit sya sa akin at tumango habang nakangiti.

Nabigla ako ng tumunog yung phone sa tabi ko-phone na konektado lang sa office-kaya sinagot ko na.

"Yes, Sir?....okay." Pinababa ko na yung phone at pumasok na agad sa office nya.

*******3RD PERSON's POV*******

Pagpasok ni Jini ay agad syang naglakad papalapit sa desk ng Boss nya.

"Sir, may kailangan po ka---"

Napangiti si Shone nang ihinto nya ang oras, kasabay nito paghinto ni Jini sa pagsasalita at naging istatwa ito sa harap nya.

Tumayo sya mula sa kinauupuan nya at naglalad sya papunta sa likod ni Jini tsaka nya ito binigyan ng back hug.

"I hope you can love me back. I really like you, Jini." Bulong nito sa tainga ni Jini na hindi pa rin ito gumagawalaw. "I can protect you, no matter what it takes."

Humiwalay na sya dito dahil ilang segundo lang ang itinatagal ng power na yun sa paghinto ng oras. Kasabay nito ang muling paggalaw ni Jini na mukhang bigla sa nangyari kahit na hindi nya alam na naging istatwa sya.

"A-Anong nangyari?" Tanong nya kay Shone.

Nilingon naman sya nito. "Wala naman. Why?"

"Parang kasing may naramdaman akong may yumakap sa akin. Ikaw ba yun?" Paghihinala nya.

"Wala naman akong ginagawa sayo. Gusto mo may gawin ako?"

"Ano?!" Inis na tanong niya kay Shone. "Kung wala ka naman palang kailangan lalabas na ko." Sabay talikod nya at nagsimula ng umalis.

Pero bago pa sya makalabas ng opisina, ginamit ni Shone ang telekinesis nya kay Jini. Kaya napasinghap sa gulat si Jini ng palutangin sya ere at ang sinunod na ginawa ni Shone ay paliparin si Jini papalapit sakanya kaya agad napakapit si Jini sa balikat ng Boss nya. At ang isang kamay naman ni Shone ay yumakap sa bewang ng dalaga.

"Don't be scared." Tsaka nya hinalikan si Jini sa noo nito. "Iuuwi kita ng maaga mamaya." Sabi nya habang natameme sa kanya si Jini.

**********LIAN's POV**********

Nakatayo ako ngayon sa wall mirror ko dito sa closet room ko at pinagmamasdan ko yung suot kong dress at tiyan ko, medyo hindi pa sya ganun ka halata.

Nakakapanibago si Simon simula kahapon. He so caring to me. Tapos heto sya yayain akong magdinner ngayon tsaka yung pagkiss nya sa akin bago sya umalis. Oh ghad! Pwede bang kiligin?

KYAAAHH!!

Oopps! Bawal tumalon, haha!!

*dingdong dingdong*

Ayan na si Simon! Agad akong lumabas ng closet saka ko sya pinagbuksan ng pinto.

"Here's your milk."

I can't myself to smile. He really brought me a milk.

"Thank you for this, Simon."

"Well, shall we go now?" He said.

I smiled at him. "Sure."

This is it! Grab this moment with him. Okay relax Lian its just a friendly date... I guess..

- - - -

Dedicated to: Bernil_paul272003

My BOSS from the STAR (Season1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon