★STAR-31★

1.5K 49 1
                                    

**********JETT IAN's POV**********

Hay grabe kapagod ang maghapon ko. Pagkatapos ng photoshoot ininterview nila ako baka may chance daw akong maging artista syempre...

hindi ako interesado pagktapos nagkaayayaan silang magbar.

First time ko pang nakapasok ng ganun. Tsaka pinalabas nila na 18 years old na ko para lang makapasok. At sa tanang buhay ko ngayon lang ako nakainom ng alak.

Tapos yung Thea na yun mukhang sanay na sanay pa sa inuman. Tss.. Anak mayaman kasi tsaka pagmamay-ari nila Thea yung bar.

Napansin ko ang oras ngayon sa wall clock. 7:52 na palang gabi, mamaya pa darating si Ate.

Kahit na pagod ako masaya naman ako dahil may nakuha na kong pera. Makakapag-enroll na ko sa Eastward University next week.

Hindi ko na lang papaalam kay Ate na uminom ako. Papagalitan ako nun.

********JINI HAINE's POV********

Nandito kami sa isang fine dine restaurant. Hindi ko alam kung ano ang dapat na maging reaksyon ko. Bakit ganun?

Hindi ako masaya. Hindi man lang ako kinikilig. Ang manhid ko ba? Sinusunod ko lang kung ano nasa isip. At mali itong ginagawa nya. Hindi dapat ako ang nandito at nililigawan nya kundi si Miss Lian.

"Miss Haine, are you okay? Is there bothering you?"

Medyo na bigla ako. "Ah! W-Wala lang po."

"What can you say about this place?"

Nilibot ko naman ang tingin ko dito sa restaurant. Maganda sya, relaxing tsaka ganito ang mga napapanuod ko sa TV kapag dadalhin nila ang partner nila sa isang romantic restaurant para doon sila magdate. Inaamin kong kinikilig ako sa mga ganun scene tapos magpopropose na yung guy na magpakasal doon sa----Aist! Kalimutan nyo na lang.

"Isn't romantic?" Dugtong pa nya.

"O-Opo, romantic. Hehe!"

Nagsimula na syang mag-order ng food namin. Saktong pagdating ng orders namin ay nagstart na rin yung music nila dito.

--Play the song at the side thank you! :*

Wow! Mukhang sarap! Pangmayaman talaga ang dating.

"Haine.."

"Po?"

"Do have feelings for me?"

Napalunok ako. Bigla na naman akong kinabahan. Jusko, bigyan nyo po ako ng lakas ng loob.

Bakit ba kasi hindi pa nagtatapat sa kanya si Miss Lian?

"Sir Simon, sorry po. Wala po akong nararamdaman para sa inyo."

Bigla syang natahimik. Sino ba naman ang hindi maba-busted. Huhu! Sorry po sir..

"Kahit konti?"

"C-Crush po. Second crush po kita."

Bigla syang natawa. "So childish. But its okay." Umiwas sya ng tingin sa akin at kita ko sa mga mata nya pagkadisappointed.

"Sir, wag po kayong magalala. Meron pa pong nagmamahal sa inyo. At sya dapat ang nasa posisyon ko ngayon at hindi ako." Muli syang tumingin sa akin.

"Sino sya?"

"Si... Miss Lian po. Mahal na mahal ka po nya. Matagal na po nya kayong hinhintay at ang tanging hiling lang po nya na sana balang-araw matutunan nyo rin syang mahalin. At ako, hindi pa siguro ngayon pero umaasa din po ako na balang-araw dumating na ang nakatadhana para sa akin."

Hindi ko na pigilan ang sarili ko mapaluha.

"Maraming salamat po sa tulong nyo sa akin, Sir Simon. Hindi ko po kayo makakalimutan."

Aalis na sana ako ng bigla nya hinawakan ang kamay ko kaya napatigil ako at muli ko syang nilingon pero hindi sya nakatingin sa akin.

"May nagmamahal din sayo. Pero ito lang ang pakiusap ko sayo...

Wag mo syang patutuluyin dyan sa puso mo. Ayoko na sya pa maging karibal ko sayo."

Nabigla ako sa sinabi nya sa akin. Sino kaya yun? Tumayo sya at hinarap ako.

"Can I hug you?"

Tumango ako sa kanya. At nagyakapan kaming dalawa. Mapagmahal ka at alam kong magiging maswerte sayo si Miss Lian.

"Hindi ko mahal si Lian. Hanggang kaibigan ko lang sya. Pwedeng ikaw na lang? Please?"

Naramdaman ko ang mainit na likido sa balikat ko. Bigla ko syang naitulak.

Umiling-iling ako sa kanya.

"May napupusuan na po akong iba." Pagsisinungaling ko para tigilan na nya ako. Tatalikod na sana ako ng bigla nya ulit ako hinarap sa kanya.

"Damn!! Tell me who is he?!"

"Please tama na po. Wag nyo ng ipagpilitan ang sarili nyo sa akin!"

Inalis ko ang mga kamay nya sa magkabila kong braso. At tuluyan na kong tumakbo papalabas ng restaurant.

- - -

Dedicated to: MilynKristaEnrico

My BOSS from the STAR (Season1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon