★STAR-15★

2.1K 79 4
                                    

************JINI HAINE's POV************

Ubong araw syang nagtrabaho kahit na may sakit sya. Ayun, bagsak sya ulit.

Wala akong nagawa kaya naglibot na lang muna ako dito sa salas nya. May mga bookshelf din sya dito. May nakita akong libro na mukhang interesting kaya kinuha ko ito, pagbukas ko....

Comic book?! At ito pa, about Alien pa! Tss.. Batang-isip ka rin pala.

Binalik ko ulit yung book. May nahagilap ulit akong libro pero makaluma. Anong taon pa ba to?

"Nineteen...sixty---AY KABUTE!!"

Nagulat ako ng hablutin sa akin ni Boss yung libro. Pagtingin ko sa kanya ang sama agad ng tingin nya sa akin.

"Tignan mo na ang lahat, wag lang to." Bumalik sya ulit sa kwarto nya.

"Sungit!" Mahinang sabi ko. Ang selan naman nya. Anong bang meron sa librong yun?

Ay teka nga!

Bigla kong syang sinundan sa kwarto nya.

"Mukhang okay kana. Kailangan ko ng umuwi maggagabi na eh."

"Ihahatid na kita.. Thanks giving na rin."

"Wag na. Magpahinga ka nalang dyan.."

Naramdaman kong nagvibrate ang phone ko.

From: Bunso,
--Ate, ingat sa paguwi. Bali-balita kasi ngayon na may kumakalat na masamang alien ngayon. Kanina lang binalita sa tv sa isang Mall daw, pinagnanakaw lahat ng alahas. Nakakatakot, Ate. Nagiinvisible pa nga daw ito. Text ka kung uuwi ka na para masundo kita, ate.

Hindi ko maiwasang mapangiti sa sobrang sweet at pagaalala ng kapatid ko sa akin kahit na kinilabutan ako sa pinagsasabi nya.

"Mukhang kailangan nga talaga kitang ihatid."

Napalingon ako sa likuran ko. "Nabasa mo? May pagchismoso ka rin palang taglay? Pfft--!"

"Edi wag na lang. Makuha ka sana ng alien."

Agad akong napahawak sa braso nya.

"J-Joke lang. P-Pwede nyo po ba akong ihatid?"

"Stupid. Get your things. Ihahatid na kita."

Sinunod ko naman sya. Napangiti naman ako. Ayan, safe akong makakauwi.

To: Bunso,
--ihahatid ako ng boss ko. Wag ka ng magalala dyan. Okay? :)

***************LIAN's POV***************

-Party-

"Okay na ba si pinsan?"

"Oo. Okay na sya."

Papasok na kami sa isang hotel ngayon ni Simon. Feeling celebrity kami dito dahil naka-red carpet. Haha! And syempre, I'm happy because partner ko ang MY LOVES ko.

"Ikaw? Okay ka na ba? May masakit pa ba sayo?" Sya. Kyyyyaaah!!! Narinig nyo yun?! Concern sya sa akin!!

"Ah..Y-Yeah.. Okay na ko. Don't worry.."

Okay calm down Lian. Bigla may lumapit kay Simon na isang matanda. Mukhang sya na siguro ang owner.

"Mr.Simon Hanston, the director of Hanston Corporation?"

"Yeah. Nice to meet you, Mr.Mizuno." tsaka sila nagshakehands. "Here's Miss Lian Martin, the supervisor. A friend of mine."

"Oh.. I thought your girlfriend. Haha!"

I smiled at this old man. Tsk! Sana nga! Sana nga girlfriend na lang nya ko.

"Anyways, where is the CEO?"

Ayun nagkatrangkaso. -___-

"Yun nga ho, nagpaproxy muna sa amin dahil medyo busy. Well, you know workaholic. Tsk!"

Tss... Pinagtakpan pa talaga pinsan nya.

"Ahm, excuse me. Wash room muna ko."

Tumango na lang sa akin si Simon dahil busy sya masyado makipagchikahan doon sa Japanese na yun.

Pagdating ko sa wash room ay chineck ko ulit yung ko. May galos kasi ito kanina nung sinakal ako ng suwangit na alien na yun.

Kinuha ko naman yung concealer ko sa pouch ko tsaka ko pinahiran sa leeg ko para hindi makita.

"Miss Lian Martin, am I right?"

Nilingon ko yung tumawag sa akin.

"Yes?"

"Bakit hindi nyo kasama ang CEO? Si Shone?"

Andami talagang umaaligid kay Shone, ano? Ang gwapo kasi ng lecheng yun.

"Ah.. Busy eh. Pagod sa work. Why did you asked?"

"You sure? O baka naman pagod sa date nila ng Girlfriend nya?" She said sarcastically.

What? Girlfriend?

"G-Girlfriend?"

"Yeah. Even if he already kissed that cheap in front on me! Kukunin ko parin ang dapat na sa akin.."

Nanlaki ang mata ko sa sinabi nya.

"H-He kissed that girl for real? Can you describe that girl for me?"

Biglang pamasok sa isip si Miss Aldeo. Oh God. Wag sana...sya...

"I admit she's cute. Pero kupas sa height!"

WTH!!

I took a deep breath. God, I can't believed this. Gray is so stupid!! Kaya pala nagkatrangkaso ang loko!

- - -

Dedicated to: ShinJoongYoung

My BOSS from the STAR (Season1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon