*********JINI HAINE's POV*********
Kyaaah!! Jusko, para akong baliw este sa sobrang saya para kang lumilipad sa sobrang kilig na nararamdaman ko ngayon! Gusto nyo malaman kung kailan ko narealize na gusto ko na sya?
Hindi lang naman nya ko pinatulog kagabi. Lagi syang nasaisip ko. Sinusubukan ko nga syang itext kagabi, pero kada magtatype ako ng message..binubura ko din. Hehe! Nahihiya kasi ako.
*Flashback*
'Sir Shone, natuloy ba meeting nyo kanina?' ERASED!
'Sinong nagtimpla sayo ng Black Coffee?' ERASED!
'Bakit wala kang Facebook, Sir Shone? Kainis ka naman!' ERASED!
'Kumain na po kayo?' ERASED!
'Miss na kita.' Nanlaki ang mga mata ko sa tinaype ko kaya agad ko ng binura. May saltik na yata ako sa pagiisip, kasabay nun ang pagtibok ulit ng puso ko ng mabilis. Hindi kaya....
...may gusto na talaga ako sa kanya?
*End of Flashback*
Kaya inagahan ko ang pasok dahil gusto ko na syang makita. Haha!
Naglalakad ako ngayon sa iba't ibang department. Hindi pa rin kasi maalis sa isip ko ang pagaalala kay Miss Lian, lalo na't alam ko na...alam nyo na, hindi sila pangkaraniwan.
"Miss Haine?"
Agad naman akong napalingon sa likuran ko. Ay tamang-tama! Nandito na pala hinahanap ko, si Sir Simon.
Yes. Sya ang hinahanap ko, baka kasi may alam sya sa kalagayan ngayon ni Miss Lian. Ngumiti naman ako sa kanya.
"Busy po ba kayo, Sir Simon? May itatanong lang po kasi ako."
"Hindi naman. Sige, sa office tayo."
-Sir Simon's Office-
Ngayon lang ako nakapasok dito sa office nya.
"Ano pala yung itatanong mo, Miss Haine?"
Binalik ko ulit ang tingin ko sa kanya na ngayon ay nakaupo sya ng bahagya sa desk nya sa harap.
"Ahh... Tungkol po kay Miss Lian, may nalalaman po ba kayo tungkol sa kalagayan nya ngayon? Parang hindi po kasi maganda ang lagay nya kanina." Sabi ko.
"If I say to you the truth. Would you please keep it secret first?" Tumango naman ako. "She's pregnant and I'm the father of her child her carrying right now."
Bigla akong nagulat sa sinabi nya. B-Buntis si M-Miss Lian kaya sya nagkakaganun?
"Its just an accident. Its my fault because I'm drunk that night. Til now, she didn't know that I already knew that she's pregnant. Kahit alam ko na, ayaw nya pa ring aminin sa akin." Natawa sya sa huli nyang sinabi.
"Kung hindi po sya buntis, hindi nyo po ba sya mamahalin?"
"Bago ko pa nalaman na buntis sya, I already started to learn how to love her. Si uncle na nagsabi sa akin na buntis sya at ako ang ama. Believed me, sobra natuwa ko doon."
Napangiti ako sa sobrang saya para sa kanila.
"Susuportahan ko po kayo. Don't worry, sasakyan ko ang trip nyo. Hahaha!"
"Thanks, Haine."
Lumabas na ko ng office ni Sir Simon. Napa-Haaaayy na lang ako sa mga nalaman ko ngayon tungkol sa kanilang dalawa.
Nagpunta ng wash room para maghugas saglit ng kamay, pagdating ko nabigla ulit ako na nandito nanaman ulit si Miss Lian....dumuduwal na naman. Mukhang ang selan ng pagbubuntis nya ah! Kaya agad ko syang nilapitan saka kong hinimas-himas ang likod nya.
"Miss Lian.." Sabi ko na may halong pagaalala.
Nang matapos na sya tsaka sya nagpunas ng bibig. "Hindi naman po kayo pwedeng uminom ng gamot dahil sa kalagayan nyong yan lalo na't hindi nyo rin po hiyang ang gamot dito sa.....
...Earth."
Bahagya syang nagulat sa huli kong sinabi.
"Y-You already knows about...u-us?" Sabi nya.
Tumango ako sa kanya. "Opo. Si Sir Shone po nagsabi sa akin ang tungkol sa--hmm!" Naputol ang pagsasalita ko nang bigla nyang takpan ang bibig ko gamit ang kamay nya.
-Miss Lian's Office-
Agad kaming nagteleport ng mabilis at nakarating na agad kami dito sa office nya. Tumingin sya sa pinto at nanlaki ang mga mata ko na biglang naglock ng kusa ang doorknob ng pinto.
"Tell me, paano mo nalaman ang tungkol sa pagkatao namin?!" Seryosong tanong nya sa akin.
"K-Kay Sir Shone ko po nalaman. K-Kasi po ganito yan..."
Kwinento ko sa kanya nung unang pagtatagpo naming dalawa ni Sir Shone noong bata pa ko 10years ago. At sa itsura nya ngayon para bang hindi sya makapaniwala. Hindi nya aakalain na nagmahal na pala si Sir Shone ng batang babae at ako iyon.
"Jini, alam mo ba kung ano ang hindi namin pwedeng gawin dito sa Earth?" Umiling na lang ako. "Bawal sa amin ang umibig ng tao dito Earth."
Medyo nabigla ako sa sinabi nya. Walang binanggit sa akin na ganyan si Sir Shone.
"Mukhang sinadya nyang hindi sabihin sayo ang tungkol dito at para na rin hindi ka lumayo sa kanya."
Hindi ko alam, pero bigla na lang akong naramamdang kirot sa puso ko.
"M-May mangyayari po bang hindi maganda kung u-umibig sya sa tao?"
"Oo. Kung patuloy ka nya pang mamahalin...
...patuloy na mamawala o hindi makokontrol ang kapangyarihan nya. Pwede ding maging mahina sya kapag nakipaglaban."
- - - -
Dedicated to: _HarleyQuinn_MrJ
BINABASA MO ANG
My BOSS from the STAR (Season1)
Ciencia FicciónHighest Rank Achieved in Science Fiction: #33 (12/25/16) #24 (02/02/17) #20 (02/05/17) #22 (02/11/17) This story will brings you to the other world of fantasy that full of actions and mysteries. They are Superhero Aliens who came from the STAR. But...