★STAR-59 (Part1)★

1.2K 39 0
                                    

*******3RD PERSON's POV*******

Mabilis na nagtago si Shone sa loob ng ni Jini dito sa kwarto. Umayos ng higa si Jini hanggang sa pumasok na nga ang Tatay nya sa loob ng kwarto nya.

"Mabuti gising kana." Hinawakan ni Julius ang noo ng anak para i-check kung mainit pa ba ito. "Mainit ka pa. O sya magpapaalam na kami may meeting pa kami sa opisina. Don't worry, nandyan ang kapatid mo para tignan-tignan ka."

Ngumiti naman si Jini sa Tatay nya. "Okay po. Ingat kayo, Tatay."

At pagkatapos lumabas na ito ng kwarto nya. Napa-sigh na lang si Jini, tsaka sya bumangon sa pagkakahiga at isinandal ang likod nya headboard ng kama nya. Sumunod namang lumabas ng banyo nya si Shone tsaka sya umupo sa gilid ng kama ni Jini.

"Alam mo bumalik ka na sa opisina."

"Mamimiss lang kita kung wala ka doon. Ano na? Kailan mo ko ipapakilala sa kanila?" Bagot na sabi ni Shone kay Jini.

"Hmm.. Favor muna." Nakangiting sabi nya kay Shone.

"What is it?"

Lumapit ng kaonti si Jini sa kanya. "Hindi ba may healing power ka? Kaya mo ba akong pagalingin?" Sabay puppy-eyes nya pa.

Natawa naman si Shone sa kanya. "I'll try just hug me."

Kahit alam ni Jini na TRIP lang ni Shone ang pagyakap para pagilingin sya, agad na lang din nyang sinakyan ang gusto nitong mangyari kaya yumakap agad sya kay Shone.

Hinaplos ni Shone ang likod nya hanggang sa maramdaman na nya na unti-unti nang nagiging mabuti ang kalagayan nya.

"Feeling well?" Tanong nito sa kanya.

Tumango si Jini habang nakayakap pa sya kay Shone. "Ang galing. Thank you. Dahil dyan ipapakilala na kita mamaya kina Tatay."

Humarap na si Jini sa kanya. "Really?"
"Opo. Kaya balik ka mamayang hapon. Okay? Hihintayin kita, magwork ka mu---hoy!"

Agad humiga si Shone sa kama nya at ang ginawang unan nito ay ang mga hita nya.

"I'll stay here for a while." Then he pointed his look to the doorknob and he locked it using his power.

"Sige na nga." Sabi nya habang hinahaplos nya ang buhok ni Shone. Hinayaan na lamang nya ito matulog sa hita nya.

-Hanston Corp.-

Nagtataka ngayon ang lahat ng empleyado lalo na si Marion dahil sa nakikita nila ngayon.

Magkaholding-hands sina Simon at Lian.

Binigyan naman ni Marion si Lian ng 'What-is-the-meaning-of-that-look'

Todo ngiti lang si Lian kay Marion. Pagkahatid ni Simon sa kanya ay sinabihan nya ito na wag munang magpakaistress sa work. Pagpasok nya sa office nya, agad namang sumunod loob si Marion.

"Oy! Gaga! Kaloka ka!!"

"Baklaaa! I'm so happy!! Kami na!! Don't worry, I'll tell you everything."

At ayun nga. Kwinento ni Lian ang lahat-lahat mula kanina sa kanila ni Simon. Ang OA man pero nagtatalon na sa kilig si Marion.

"My gosh! Gaga, Im so proud to both of you! Ako ninang, hah?"

Natawa na lang si Lian kahit na imposibleng mangyari iyong Ninang Thingy dahil hindi naman sila taga dito. "S-Sure. Wag lang maimpluwensyahan sayo."

"Grabe ka naman. Ichichika ko to sa kanila." Sabay takbo ni Marion palabas ng opisina nya.

********JINI HAINE's POV********

Waahh! Kinakabahan ako. Hapon na kasi anytime darating na si Shone.

"Anak, bakit nandyan ka sa terrace? May hinihintay ka bang bisita? Baka mabinat ka nyan?" Si Tatay.

"Ahh.. Opo, may hinihintay nga po ako. Wag po kayong magalala. Medyo okay na po--" Natigilan ako nang marinig namin yung ang doorbell. "Ako na po magbubukas baka sya na po yan."

Pagbukas ko ng gate sya nga at may dala pa syang isang bouquet ng roses. "Thank you, nagabala ka pa. Pasok kana."

"Thanks."

Nagpalunok ako nang makita kami ni Tatay.

"Sya ba bisita mo, anak?" Sabi nya na normal lang ang tingin nya sa aming dalawa.

"O-Opo. Tatay, p-pinapakilala ko po pala... B-Boyfriend ko po, si Shone Gray Hanston po pala."

Waahh! Mukhang nabigla si Tatay sa sinabi ko.

- - - -

Dedicated to: black_basick

My BOSS from the STAR (Season1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon