*******JINI HAINE's POV*******
Tulad nga sinabi ni Sir Shone, ihahatid nya daw ako. Hindi na nga kami dumaan sa ibang department basta na lang kaming naglaho, teleport ba tawag doon? Tapos nakarating agad kami sa parking lot.
Yung tungkol sa pagtawag sa akin kanina ni Miss Mizuno. Hindi nya sinasadya pero narinig nya lahat ng pag-uusap namin. Pero alam nyo ba kung ano pinangako sa akin ni Sir Shone? Poprotektahan nya daw ako.
Napalingon ko ang tingin ko sa kanya habang abala sya sa pagdadrive, pinagmamasdan ko sya. Napangiti ako sa pangako nya.
*dugdugdugdug*
Heto na naman ang puso ko, ang bilis ng tibok. Hindi kaya....
..nahuhulog na ko sa kanya?
Bigla akong natigilan. Ay! Mali! Maling-mali na mahulog ang puso ko sa ALIEN!!! Crush ko lang sya.
*********JETT IAN's POV*********
Oras na pala kailangan ko ng sunduin si Ate sa trabaho nya. Paglabas ko ng bahay may natanaw akong isang kotse at kumunot bigla ang noo ko nang lumabas si Ate mula sa kotse.
Pagkaalis nung kotse ay naglakad na sya papunta dito sa bahay habang....nakangiti?
"Ate!" Tawag ko sa kanya. Nabigla naman sya nang makita nya ko.
----
Katatapos lang naming maghapunan at nanunuod lang muna ako ng TV ngayon.
Sabi ni Ate kanina bigla daw syang pinabalik bilang Secretary ulit nung Boss nyang si Shone. Ano ba dapat ang itawag ko doon? Sir din o Kuya Shone? Tss.. Hindi pa kami close.
Naramdaman kong may tumabi sa akin, si Ate.
"Ate, siguro may gusto sayo ang Boss mo kaya ka nya binalik." Sabi ko sabay tingin ko sa kanya na para bang kinikilatis ko sya.
( >___>) (O___O ")
"A-Ano ka ba?! Hindi noh?!" Depensa nya. Kilala ko ate ko kapag nagsisinungaling sya..hindi nya makatingin ng diretsyo sa akin.
"Sabihin mo sa kanya at kahit na BOSS mo pa sya. Kikilatisin ko muna sya bago sya manligaw sayo." Sabi ko sa kanya na para bang ako ang Kuya. Hahaha!
"Magtigil ka nga. Sya nga pala, hindi ba magkukwento ka?" Tanong nya. Changed topic agad?
Tama. Kailangan ng malaman ni Ate ang lahat tungkol sa pinag-usapan namin ni Tatay.
"Yung tungkol kay Tatay, Ate. Ako na magkukwento sayo ng lahat-lahat." Nagpakawala muna ako ng hininga bago magsalita, pagkatapos ay sinimulan ko na ang pagkukwento sa kanya ang lahat ng sinabi sa akin ni Tatay.
Heto ngayon si Ate, umiiyak na.
"Ian, g-gusto kong makita si Tatay." Sabi nya habang humihikbi.
Niyakap ko sya. "Sige ate, bukas pupunta tayo sa kanila. Salamat, Ate."
********JINI HAINE's POV*********
Tumawag ako kay Sir Shone para makapagpaalam na hindi ako makakapasok bukas. Sinabi ko naman ang reason ko kaya naintindihan naman nya. May pahabol pa syang sinabi sa akin kanina. "Pakikumusta na lang ako kay Future Father-in-Law ko, thanks. I will miss you. Goodnight."
Ako naman itong natameme sa sinabi nya at feeling ko namumula ulit ako. Kahit naiinis ako hindi ko pa rin maiwasang mapangiti. "Baliw na...Alien" mahina kong pagkasabi sa word na 'Alien'. Ayun pinatayan ko na. Haha!
Hindi na ko makpaghintay na makitang at mayakap muli si Tatay. Sino bang anak ang hindi matitiis ang magulang? Kahit naman ang magulang ay hindi rin matitiis ang anak.
O sya, Goodnight na!
Konsensya: Dream of Him. Hihihi!
Aarrgh!! (-__- +)
- - - -
Dedicated to: MichelleArevalo057
BINABASA MO ANG
My BOSS from the STAR (Season1)
Science FictionHighest Rank Achieved in Science Fiction: #33 (12/25/16) #24 (02/02/17) #20 (02/05/17) #22 (02/11/17) This story will brings you to the other world of fantasy that full of actions and mysteries. They are Superhero Aliens who came from the STAR. But...