★STAR-12 (Part1)★

2.1K 73 5
                                    

***********JINI HAINE's POV*************

Pagbukas ko ng pinto ng bahay namin ay nadatnan ko Jett sa sala, nanunuod habang kumakain.

"Oh! Ate, nandyan ka na pala."

"Naghahapunan ka na pala."

"Oo. Kumain kana ba? Bakit ganyan itsura mo? Umiyak ka ba?"

Shhooot!!! Sabi na nga ba mahahalata nya.

"Ahh.. H-Hindi noh! Pagod lang ako. Napagod kasi ako kakatawa kanina. Hehehe!"

"Ah mukhang masaya ka sa pagiging Secretary mo, ah?" Masaya? Ewan ko, kabadtrip.. -_____- "eh bakit bago yang damit mo?"

Haist! Nakalimutan ko na bago pala suot kong damit. Haaay! Nakakainis talaga!

"Ahm..Ano binigay ng officemate ko kanina. Sabi nya suotin ko na, kaya heto..hehe! O sya pahinga muna ko."

"Kumain ka na!"

"Mamaya.."

Pagpasok ko sa kwarto ko ay napasandal ako sa likod ng pinto. Okay lang ba palusot ko? Huhuhu!!

Nagbihis agad ako ng pambahay. Simpleng t-shirt lang at pajama. Mahilig ako magpajama kaysa mag-Shorts eh.

Narinig kong nagring ang phone ko.

Calling....
0907xxxxxxxx

Sino naman kaya ito? Dahil curious ako sinagot ko na.

"Hell---"

(Miss Aldeo...)

Nanlaki ang mata ko. Kilala ko ang boses nato...si Boss!

Hindi ko alam parang may sariling utak ang daliri ko na kusa na lamang itong pinindot ang END CALL..

Galit pa ko! Galit pa ko sa ginawa nya sa akin, paghalik nya sa akin. Magnanakaw sya! Argh!!

Lumabas agad ako ng kwarto at tinungo ko ang lababo doon sa banyo namin tsaka ko kinuha ang toothbrush at nilagyan ko ito ng toothpaste saka na ko nagsipilyo.

Mabango ang hininga nya..

Soft lips..

Good Kisser..

Waaaaah!!! Halos mauntog ko ang sarili ko sa salamin kapag iniisip ko yung paghalik nya. Shete!! Pero pakiramdam ko pa rin parang nakadikit pa rin ang labi nya sa---AAAAH!! JINI, TIGIL NA!!! HUHUHU!!!

"ATEEE, KANINA PA NAGRIRING ANG PHONE MO. KAIRITA EH!!" sigaw ni Ian mula sa labas.

Napaakamot ako sa ulo ko sa irita. Lumabas na ko ng banyo at bumalik sa kwato at kinuha ko ang phone ko. Same number pa rin..sya parin ang tumatawag.

Sorry, Sir Shone. Galit pa ko sayo kahit BOSS kita.

SHUTDOWN...

Kinabukasan... Kahit labag man sa loob ko na pumasok ngayon ay pinilit ko pa rin. First day ko palang kahapon kaya hindi ako pwedeng umabsent. At kailangan kong pagtiisin ang trabaho ko...ang pagiging secretary ko sa kanya.

*Ting!*

Tunog ng elevator.

Hala! Nandyan na sya! Hindi ko sya papansin. Bahala sya. Patalsikin nya ko? Okay lang, pwede pa naman akong makanap ng ibang trabaho.

"Miss Aldeo?"

Pagtingin ko. Ehh? Akala ko si Boss na, si Miss Lian lang pala.

"Good Morning. Kayo pala Miss Lian. May kailangan kayo?"

Good na umaga para sa kanila, sa akin hindi. -.-

"Morning. Hindi pala makakapasok ang boss natin ngayon..."

Weh?? Wahaha!! Ang saya! Tuwang-tuwa ako dahil hindi sya makakapasok. Hohoho!!!

"Bakit po?" Kunwari curious ako.

"Nagkatrangkaso daw kagabi. Magkasama kayo kahapon hindi ba?"

Trangkaso? Aahh!! Tama! Its a Good Karma. Hahaha!! Yan, buti nga! Magnanakaw kasi ng halik. -.-

"O-Opo, pero maayos naman sya kahapon."

Kaya palaaaa... Tawag sya ng tawag sa akin kagabi dahil may sakit sya. Nakaramdam duloy ng konting guilt. Tsk!

"May bilin pala sya sayo."

Okay lang. Basta ba hindi ko sya makikita buong araw ngayon.

"Ano po iyon, Miss Lian?"

"Get your things... Pupuntahan natin sya.."

O_O

Waaah!! Ayoko!! Ang malas ko na naman ngayon nakakainis!!! Magkikita ulit kami. >_<

- - -

Dedicated to: sweetkate_20

My BOSS from the STAR (Season1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon