**********LIAN's POV**********
Natalo na nila Simon at Gray ang Blacktricity na yun. Pero kailangan pa rin naming handa, dahil marami pang darating na kalaban na gawa ni Professor G.
Naging maayos naman ang mga pasyente sa hospital kahapon dahil mabilis na naibalik ni Simon ang kuryente.
Si Bernard maayos na sya ngayon. Si Simon, minsan wala dito at alam ko na dinadalaw nya ang magkapatid sa hospital. Pakealam ko. Marami pang gwapong alien sa Starnet, noh?! Pero mas nangingibabawa pa rin ang kagwapuhan ng magpinsan nato.
Haaayy~
Si Shone Gray? Ayun balik workaholic ulit. Minsan hindi ko alam kung ano tumatakbo sa isip nya. Pero kapag pinagmamasdan ko sya parang ang lungkot ng mga mata nya. Ayoko naman syang tanungin kung may problema ba sya or what?
Hindi ko maaaring basahin ang nasa isip nya dahil malalaman nya rin yun. Edi bistado ako?!
"Gaga? Are you there?"
Si Marion.
"Come in."
Agad naman syang pumasok sa opisina ko.
"Alam mo ba ang trending ngayon?"
"Yung kahapon sa hospital?"
Umupo sya sa tapat ng table ko.
"May isa pa."
"Haist! Bakit hindi mo pa ko deretsyuhin bakla ka?! Ano feeling mo sa akin? Manghuhula?!"
"Hindi mangkukulam.."
Napahampas ko kamay ko sa table ko.
"What did you say?!"
"Hahahaha!! Relax, okay?! By the way, heto ang trending at pinagiimbistigan ng mga police ngayon." May nilapag syang dalawang picture. Napalunok ako wala sa oras. Oh my ghad!
"Ikaw ba yang nasa picture, Gaga? Hawig mo kasi eh. Blonde ang buhok mo dati like this. *turo sa picture* Heto namang isa parang hawig din ni Papa Simon?"
Napatingin ako sa buhok ko. Oo, dating blonde to pero agad ko din pinakulay ng black. Tinignan ko yung isang picture, halatang si Simon nga to. Hindi ko na alam ang dapat kong sabihin.
Kailangan kong magpalusot!
"Hahaha! Are you sure na kami yan?! Hindi kayaaa~! Mas pretty naman ako dyan, noh?! At itong isa, hawig lang ni Simon pero mas gwapo ang real simon, okay? Tantanan mo na ko, I'm busy!"
Yeah! I'm busy. Because I was thinking about Miss Mizuno if when I can hired her as the new secretary of CEO. Tsk!
"You can't blame me, Gaga! May kutob ako na may tinatago kayong sikreto. Kung ayaw mong sabihin sa akin, ako na mismo ang aalam nun at kaya ko pang sabihin sa mga pulis yun. At kung aamin ka, your secret is safe with me. Remember this, walang sikreto ang hindi na bubunyag."
WTH!
Pagkatapos ay lumabas na sya sa opisina ko.
No way. Hindi nya dapat malaman na hindi kami pangkaraniwan.
'At kung aamin ka, your secret is safe with me. Remember this, walang sikreto ang hindi na bubunyag.'
Napailing ako, hindi pa pwede. Hindi pa ito ang tamang panahon para malaman nila ang buong katotohanan. Pero kailangan ko bang pagkatiwalaan si Bakla kung sabihin ko sa kanya ang kototohanan?
********JINI HAINE's POV********
"Ate, ayoko na dito sa ospital. Uwi na tayo." Pagmamaktol ni Ian.
"Magtigil ka nga hindi ka pa magaling." Sabi ko habang pinagbabalat ko sya ng mansanas. "O kainin mo yan." Sabay abot ko sa kanya ng platito na may slice ng apple.
Heto na sya ngayon gising na. Nagising sya kagabi tsaka nagulat na lang yung doktok kung bakit ang bilis nyang nakarecover. Dapat nga daw mga ilang araw pa bago magising, at heto mukhang malakas na sya. Pero kahit na maayos na kalagayan ni Ian kailangan nya pang masuri.
"Tsk!"
"Para kang bata. Wag matigas ang ulo kailangan ka pa nilang masuri. Oo nga pala, may sasabihin ako."
"Ano yun, ate?"
"W-Wala na kong...trabaho.." Napayuko ako.
Napaayos sya agad ng upo sa pagkabigla.
"Huh? K-Kailan pa, Ate? Sabihin mo sa akin! Anong ginawa ng boss mo sayo?!"
"Huy! Ano ka ba?! A-Ako mismo ang umalis. Wag mo ng alalahanin yun. Pangako, maghahanap agad ako ng trabaho."
"Sorry din ate..."
"Huh? Bakit ka nagsosorry?"
"Parehas na tayong walang trabaho."
Nanlaki ang mga mata ko. "A-Ano?! Pati ikaw?!"
Napakamot sya sa ulo nya. Mukhang namalas kami ng kapatid ko o hindi lang talaga para sa amin ang trabahong pinapasukan namin dito sa Maynila.
- - -
Dedicated to: ItsMeShaniiiah
BINABASA MO ANG
My BOSS from the STAR (Season1)
FantascienzaHighest Rank Achieved in Science Fiction: #33 (12/25/16) #24 (02/02/17) #20 (02/05/17) #22 (02/11/17) This story will brings you to the other world of fantasy that full of actions and mysteries. They are Superhero Aliens who came from the STAR. But...