***************LIAN's POV***************
Bumaba na ko kotse ng makarating na ko sa tapat ng bahay ni Bernard.
Si Bernard Padilla, anak sya na pumanaw na si Alicia Padilla. Si Bernard ang unang nakilala namin dito sa Earth.
Ang kwento ni Shone. Year 1951, una nyang nakilala sa Earth ay si Alicia, naabutan nya itong may anak na at si Bernard yun. Si Alicia ang tumulong kay Shone kung paano mamumahay dito at kung paano makitingo sa mga tao dito.
Year 1962, ng makilala namin si Bernard, hindi na namin naabutan ni Simon si Alicia dahil maaga itong pumanaw.
Kumatok ako. "Bernard?"
Bumukas ang pinto. "Nandito ka na pala. Masaya akong makita kang muli, Lian."
Tulad ng kanyang ina, sinikreto nya rin ang tungkol sa totoo naming katauhan.
Heto ngayon si Bernard, matanda na... At kaming mga Aliens, hindi kami tumatanda.
Pinapasok na nya ako sa bahay nya.
"Pasensya na kung hindi ka na namin nabibisita nila Shone at Simon."
"Haayy... Ano ba? Ayos lang yun. Alam ko naman na busy kayo at naiintindihan ko yun."
"Parang kailan lang tumanda ka ng ganyan. Haha!"
"Tss.. Palibhasa kasi kayo hindi nagbabago ang mukha. Maiba ako, kaya pala kita pinatawag dahil..." May kinuha syang ba isang jewelry box at binuksan nya ito sa harapan ko. Pagbukas nya wala itong laman.
"Bakit walang laman?"
"Heto nga ang problema. May nagnakaw sa mga jewelry ni ina. At isang masamang alien ang nakita ko noong nakaraang araw."
Kumunot naman ang noo ko. "Pati ikaw nabiktima nya?"
"Sa palagay ko malakas ang pang-amoy nya pagdating sa mga diyamante."
"Sinaktan ka ba nya?"
"Sa awa ng Diyos, hindi. Sa tanda kong ito makakapagkarate pa ba ako? Wala akong nakagawa kundi ang magtago na lang. Hindi ko inaasahan ito." Sabay iling-iling nya.
tinap ko ang balikat nya. "Don't worry kami ng bahala sa panget na alien na yun, pero hindi namin masisiguro na maibabalik namin yung mga diyamante ni Alicia."
"Ayos lang. Ang mahalaga ay tapusin nyo ang magnanakaw na yun."
After naming magusap ni Bernard ay tumungo ako sa boutique shop ko. Hindi ako bibili, kukuha ako ng night gown ko para mamaya sa party. Excited na ko, lalo kung si Simon My Loves pa ang kapartner ko.
Treat ko na rin si Simon ng isusuot nya mamaya. Habang nagtitingin ako ng dito sa Men's Wear ay lumapit sa akin si Rizie na sya munang may hawak dito sa shop ko habang busy ako sa company ni Shone.
"Ma'am Lian, kahapon po pala pumunta dito si Sir Shone may kasamang babae. Mukhang sekretarya nya po."
Napalingon ako sa kanya. "Cute na babae ba?"
"Opo. Binilan nga nya po ng maraming dress at formal attire yung sekretarya nya po kahapon dito."
Nabigla ako sa sinabi nya. Si Grey? Bibilan nya ng ganun si Miss Aldeo? Ano kaya nakainin nun?
"Mukha nga po silang magde-date kahapon eh! Dahil pinasuot nya po ng dress yung sekretarya nya. At alam nyo po ba? Kung makatitig pa po si Sir Shone sa sekretarya nya parang may...something na nakakakilig."
Oh my! Don't tell me...
May gusto si Gray kay Miss Aldeo?! Kailangan kong alamin kung ano talaga namamagitan sa kanila.
Shemay ka talaga Shone Gray!
Pagkatapos chumika sa akin ni Rizie ay umalis na ko bitbit ang dalawang paper bags na tig-isa kami ni Simon.
Napahinto ako sa paglalakad ng may naramdam akong kakaibang aura.
*sshhiiingg!!*
Nabigla ako ng may aninong itim na lumagpas sa akin. Paglingon ko nawala na ito.
Nandito ang kalaban. Nagsisimula na naman sya.
"AAAAAHHH!!! TULONG!!!"
Ohh! Sh*T! Wrong timming ang Alien nato. Bwisit! Sa mall pa talaga? Sabagay maraming jewelries dito. Tsk!
- - -
Dedicated to: Lady_Kyrie28
BINABASA MO ANG
My BOSS from the STAR (Season1)
Ficção CientíficaHighest Rank Achieved in Science Fiction: #33 (12/25/16) #24 (02/02/17) #20 (02/05/17) #22 (02/11/17) This story will brings you to the other world of fantasy that full of actions and mysteries. They are Superhero Aliens who came from the STAR. But...