********JINI HAINE's POV********
2days left...
Nagside ako ng higa tsaka ko niyakap si Shone. Teka, bakit unan lang?
Pagdilat ko wala si Shone sa tabi ko. Bigla akong kinabahan kaya agad akong napabangon sa kama tsaka ako nagsuot robe dahil .... Basta!! Alam nyo naman yung nangyari kagabi eh!
Bigla akong napahinto nang may bigla akong nakaramdam ng sakit sa may *tooooot* ko. Ahuhuhu!! Hindi na ko birhen. Di bale, mahal ko naman ang pinalaanan ko ng virginity ko. Pero hindi ito ang oras para intindihin ang tungkol dito, kailangan kong mahanap si Shone.
Paglabas ko ng kwarto, hinanap ko agad sya buong condo pero wala kahit saan wala. Bakit hindi man lang sya nag-iwan ng note? Pinakaba nya ko, baka bigla na lang nya kong iwan.
Lalabas na sana ako ng condo nya ng biglang naunahan na ko sa pagbukas ng pinto.
"What's wrong?"
Bigla na lang akong naiyak ulit tsaka ko sya niyakap ng mahigpit. "A-Akala ko kasi iniwan mo na ko eh.."
"You think I will let it happen?"
Napatingin ako sa kanya. "Anong ibig mong sabihin?"
"Hindi na kita iiwan." Sabi nya, at nakikita ko sa mga mata nya sinsiridad. Pero dapat ba kong maniwala? O sinasabi lang nya to para hindi ako maging malungkot.
"T-Talaga?" Tanong ko. Tumango lang sya.
"Breakfast na tayo?" Tanong nya. Tumango na din ako sa kanya. Nagulat na lamang ako nang bigla nya kong kinarga in a bridal style.
"Teka! Ibaba mo ko. Kaya kong maglakad."
Binigyan nya ko ng nakakalokong ngiti. "No you can't. Because I know it still hurts. Haha!" Sabi nya sabay tingin nya sa may bandang *toooot* ko na kinamula ng mukha ko sa hiya.
"Waaaahhh!! Magtigil ka Shone Gray!!" Sabi ko sabay hampas ko sa balikat nya nakakapit pa ko sa batok at balikat nya. Nakakainis to! T.T
"Hahahaha!!! You're really cute when your blushing. I love you, Jini Haine."
"Tse! I love you too. Gutom na ko~" sabi ko na parang bata. Haha!
"Okay, I'll cook."
Tapos dinala nya na ko sa kusina habang buhat-buhat pa rin ako.
*******3RD PERSON's POV*******
Sa isang Garden House ngayon tumutuloy si Bernard. Isa din to sa pamana ng kanyang ina nung panahon, at hanggang ngayon ay buhay pa rin ito dahil sa pag-alaga nya.
Alam din nila Simon, Lian at Shone itong Garden House. May mga itinanim sila dito na halaman na para bang konektado din sa buhay nilang tatlo. Kaya mas alaga ni Bernard ang tatlong halaman to kaysa sa iba.
"Tsk! Tsk! Nalalanta na kayo." Sabi nya sa mga halaman. Diniligan naman nya ito gamit ang sprinkler nya.
Kung dati ang mga itsura nito ay magaganda. Nang maging mas malakas si Simon, ang halaman nya ang mas naging bumukadkad at ngayon unti-unti na rin nauubos ang mga dahon nito. Ang kay Lian naman dahil medyo mahina rin sya dahil sa pagbubuntis nya, saktong may tutubo ng bulaklak dito pero hindi pa bumubuka kasabay na rin nito ang paglagas ng dahon nito ngayon. At ang kay Shone, dahil sa pagiging mahina rin nito. Unti-Unti na ring natutuyo ang mga dahon nito simula nang maging sila ni Jini, at ngayon... Ilang dahon na lang natitira dito.
"Bernaaard!!"
Napalingon sya sa tumawag sa kanya. Ang future mag-asawa, sina Lian at Simon. Kasama na rin ang magcouple na sina Shone at Jini.
"Oh! Nandyan na." Pagtayo nya ay napahawak sya sa balakang nya. "Nakuuu! Jusko, trayuma ko!" Lumapit na sya sa apat.
"Ano yan? Pfft--! Umaatake na naman tayuma mo?" Natatawang sabi ni Simon.
"Tss... Palibhasa kayo hindi kayo tumatanda."
Napaisip tuloy si Jini kung ilang taon na nga ba silang tatlo, ang tagal-tagal na nyang kasama ang mga to pero hindi man lang nya natanong kung ilan taon na sila.
"Wag mo ng alamin." Sabi ni Shone sa kanya. Kaya napatingin ang tatlo sa kanila.
Nagulat naman si Jini sa kanya. "Hala! Nabasa mo?"
"O sya tara na sa loob." Sabi ni Bernard.
Nilapitan naman ni Lian si Jini. "Wag mo ng alamin. Baka maloka ka lang. Hahaha!"
BINABASA MO ANG
My BOSS from the STAR (Season1)
Ciencia FicciónHighest Rank Achieved in Science Fiction: #33 (12/25/16) #24 (02/02/17) #20 (02/05/17) #22 (02/11/17) This story will brings you to the other world of fantasy that full of actions and mysteries. They are Superhero Aliens who came from the STAR. But...