88

123 0 1
                                        

Chapter 88

Today is saturday. Panay ang send sakin ni Blue ng mga pagpipiliang damit na susuotin niya. Ngayon ko kasi siya ipapakilala kina mama.

Blue: Friz, tulongan mo naman akong pumili :<

Natawa ako sa message niya. He's now learning to insert emojis sa mga text niya.

: Blue, presentable lahat. Saka kahit anong suotin mo bagay sayo at lalo kang pumupogi sa paningin ko.

Blue: I already know that.

Apakayabang oh.

: hangin niyo po ser.

Blue: hahaha just pick one will you?

Friz: Yung blue polo paired with black jeans.

Blue: oh okay! Thanks, love!

Nahulog sa mukha ko ang phone ko. Napaupo agad ako at binasa ulit ang huling message niya.

"Ackkkk! Love daw! Tinawag niya akong love!"

Sinabunotan ko si Kyrus sa sobrang kilig na nararamdaman ko.

"Aray! Yung buhok ko ate!"

Andito kasi ako ngayon sa kwarto ni Kyrus at nakikitambay. Napabitaw agad ako sa buhok niya.

"Nagkaboyfriend ka lang mas lumuwag turnilyo mo sa utak—aray!"

Kinurot ko ang gilid niya.

"Labas ka na nga dito. Hindi ka welcome sa kaharian ko!" sigaw niya at hinampas ako ng unan.

Tumayo na ako at palabas na sana ng kwarto niya nang bigla akong napahinto at nilingon siya.

"Umayos ka mamaya ha! Wag mong tatakutin si Blue."

"Siya ang matakot sayo! Labas!"

Pinagsarahan niya na ako ng pinto. Napakawalang modo talaga ng batang to.

Hay naku naalala ko na naman ang ang pang-iiwan ni Carlyn sakin nung nakaraang araw. Grabe di man lang ako hinintay pero nagtext naman at sinabing may sumundo na raw sa kanya.

My phone beeped.

Carlyn: can you help me choose what to wear please...

Sunod-sunod na nagpop-up ang mga sinend niyang picture. Anak ng— lahat ba sila tingin nila sakin ngayon taga-pili ng susuotin nila?

: may date ka?

Carlyn: yep! Dali na pili ka na.

: apakademanding oh. Si Pierce yan nu?

Carlyn: hindi ah.

: asus. Wag ako! Di ka nga nagpapaligaw kasi sabi mo si Pierce lang dapat. Kurutin ko yang singit mo dyan.

Carlyn: haha alright shhh ka nga wag mong ipagkalat. So? what to wear?

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling na-update: Jan 17, 2025 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Making that Gay fall for MeMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon