Chapter 85
PIERCE's POV
Aalis na sana ako pero nakita kong dumiritso si Carlyn sa entrance ng isang bar. Anong ginagawa niya dyan? Is she nuts? Hindi na siya minor, Oo. Pero maraming t*rantado sa lugar na yan.
Nakita kong papasok na siya ng bar.
Wag kang susunod, Pierce. Aalis ka na.
"F*ck! This st*pid—"
Tinanggal ko na ang helmet ko at pinark ang motor ko sa gilid.
I put my hood on.
"ID, sir." harang ng bouncer sakin.
Instead of my ID card, pinakita ko ang VIP pass ko sa kanya. Suki ako ng bar nato but huminto ako ng isang linggo. Ngayon lang ulit ako bumalik dito.
"Dude! Pier—"
I immediately cover his mouth at hinila siya sa isang VIP table.
"The f*ck's wrong with you, man?" naiinis na sabi niya nang tinanggal ko ang kamay sa bibig niya.
"Turn down your voice, walang pwedeng makaalam na nandito ako." sagot ko at kinuha ang isang can ng beer.
"Ano bang problema? You've just returned here after a week. Akala nga namin di ka na babalik pa."
Nasan na ba yung babaeng yun?
Sa bar na to may VIP tables at VIP rooms. Sh*t! Baka hinila na yun sa isa sa mga VIP room.
Nakahinga ako ng maluwag nang makita kong nasa bar stool siya at may kinakausap na lalaking bartender?! Teka bago ba to dito?
"Sino bang tinitignan mo? I got worried for nothing. Still checking out lots of ladies huh?" sumipol siya kaya tinignan ko siya ng masama.
"What? Sayong-sayo yan, Sarmiento." natatawa niyang sabi.
"Who's that new guy?"
"Last week lang yan nagstart dito. Magaling mang-akit ng customers. Ayos di ba?"
Di naman gwapo. Mukha ngang nangayayat pa.
At tumatawa pa talaga tong babaeng to ha. May pahampas-hampas pang nalalaman.
Maya-maya lang ay may lumapit na lalaki sa gawi ni Carlyn. Mukhang pinipilit itong makipagsayaw sa kanya.
"Pare, sandali! Wag ka ng makisali sa gulo!"
Hindi na nila ako napigilan nang tuluyan akong nakalapit kina Carlyn.
"Man, I told you already. Hindi ako nakikipagsayaw sa di ko gusto." Carlyn said as she sips her pineapple juice.
BINABASA MO ANG
Making that Gay fall for Me
RomanceOne of the Most Outstanding Story in our Group are now Featured in Page and Now here in Wattpad App. This Story Reach almost a Thousand of Readers and Received a lot of wonderful Comment from its readers. Facebook Group/Page: Wattpad Story for Rea...
