86

40 1 0
                                        

Chapter 86

"Pierce, can you be my date this coming saturday?" she randomly said.

Napahinto ako sa pabalik-balik na paglalakad ko at nilingon ko siya.

"Carlyn, this is not the time to joke around—"

"Seryoso ako, Pierce. That bartender is my cousin. Mother's side. Kakauwi niya lang last week galing sa probinsya. Kaya ako nandun kanina ay dahil kinuha ko sa kanya ang order ko na para sa project ko. Now if you're asking me, anong connect non' sa pag-aaya ko sayo ng date? We just had a deal kanina. Ayaw niyang pabayaran ng pera sakin ang inorder ko. Instead, he wants me to see me date a guy once. Ang sino mang magtanggol sakin sa bumastos sakin that time, yun daw ang guy na idedate ko..." hinihingal niyang paliwanag.

Panong—

"Now, don't be mad at him kasi he had it under control in the first place. Kung hindi man makayanan ng guy na tutulong sakin, he'll immediately call the bouncers right away."

Nababaliw na ba tong pinsan niya. Bakit niya pinipilit si Carlyn na makipagdate sa kung sinu-sino lang?

"Alam ko yang tingin mo. Bakit gusto ng pinsan ko na makipagdate ako kung kanino lang? Kasi gusto niya lang makita na matry ko daw magdate kahit once. That guy is more concerned that I will be single forever more than I am." natatawa niyang sabi.

What do you mean she'll be single forever? Never siyang nagkaboyfriend? She never tried to date guys not even once? Or just for fun?

"So? Never kang nagkaboyfriend?" alanganin kong tanong.

Umiling siya at hinigpitan ang hawak sa paper bag na dala-dala niya.

"Anyway, kung di ka papayag ayos lang. Kakausapin ko na lang ang pinsan ko—"

"Sinong idedate mo? Pano kung katulad lang din sila sa nambastos sayo kanina?" I cut her off.

"Kikilatisin ko naman sigurong mabuti yung guy. Sige I have to go back inside."

"F*ck! You're unbelievable! Fine, pumapayag na ako!"

Making that Gay fall for MeMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon