Chapter 87
Her eyes widened at napaawang ang bibig niya. Bumaba naman ang tingin ko sa labi niya.
Napailing agad ako sa iniisip ko. You, moron! Get a f*cking grip of yourself! Si Carlyn yan. Hindi yan kung sinu-sinong babae lang.
"Really? Pumapayag ka? Hindi kaya nabigla ka lang sa sinabi mo—"
"I said what I said. Now, put this on. Ihahatid na kita sa bahay niyo."
"Pero si Rayden—"
"Sasakay ka? O bubuhatin kita?"
"Ito na susuotin na nga oh." natatarantang sabi niya.
Sinuot niya agad ang helmet. Pinuwesto ko na ang motor ko saka siya sumakay sa likuran ko.
Bumaba na si Carlyn at binigay ang helmet sakin. Agad ko naman itong sinuot at aalis na sana nang bigla siyang magsalita.
"Salamat kanina at salamat sa paghatid. Text na lang kita sa details. You haven't change your contact no. aren't you?"
Tipid akong umiling.
"Alright, ingat ka, Pierce. See you on saturday." tipid siyang ngumiti at umatras para makaalis na ako.
Bumusina lang ako at di ko magawang may isagot sa sinabi niya. Tuluyan ko ng pinaharurot ang motor. Nakita ko pang kumaway siya sa side mirror ko.
"S*ra ka ba, Pierce?! Bakit ka pumayag?!"
Napamura ako sa sarili ko at napahiga na lang sa kama ko. Tapos nalaman ko pa, pinsan niya pala yung bartender. Anak ng tokneneng naman pinapatay ko pa naman yun sa isip ko kanina.
'Nagseselos ka kasi' ani ng isang boses sa utak ko.
"Hell no! Ako magseselos?! Sh*t nababaliw na yata talaga ako! Kinakausap ko na ang sarili ko!"
Napaupo ako sa kama at napasabunot sa sariling buhok ko.
"Ayos lang yan, bunsoy. Dumaan din ako dyan."
"P*t*nginaaaaaaaaa!" napasigaw ako sa sobrang gulat.
Nilingon ko ang nagsalita malapit sa pinto ng kwarto ko. Si Kuya Rex na nakakatandang kapatid ko ay nakasandal rito.
"S*raulo ka talagang bata ka. Hanggang ngayon napakamagugulatin mo pa din." natatawang sabi niya.
"Kuya naman ba't ka ba hindi kumakatok?! P*cha naman parang humiwalay saglit yung kaluluwa ko sa katawan ko."
Tinawanan niya lang ako.
(PIERCE's POV ends)
BINABASA MO ANG
Making that Gay fall for Me
RomanceOne of the Most Outstanding Story in our Group are now Featured in Page and Now here in Wattpad App. This Story Reach almost a Thousand of Readers and Received a lot of wonderful Comment from its readers. Facebook Group/Page: Wattpad Story for Rea...
