81

373 12 3
                                        

JOAN could feel the uncomfortable tension deep within every fiber of her muscles. Nawalan siya ng ganang kumain ng tanghalian. Kung puwede nga lang na huwag na lang ubusin ang pagkain sa kaniyang pinggan at umalis na, ginawa na niya.

Then, Ernesto left. His absence seemed to relieve everyone, but not her. Pakiramdam niya ay naiwan siyang nag-iisa sa laban dahil umalis ang nag-iisang tao na sigurado siyang kakampi niya.

A few minutes more and it became too unbearable for Joan. Inihahain na ang panghimagas nila na ice cream nang magpaalam siya sa kaniyang mga kasama sa hapag. She excused herself as gracefully as possible and said she needed to use the restroom. Hindi na rin niya hinintay pa ang pahintulot ng mga ito, lalo na ni Vidal na binigyan kaagad siya ng nagdududang tingin. Natakot siya na baka pigilan siya nito o hindi kaya ay magpresintang ihahatid siya sa banyo kaya nagmamadali siyang umalis. Laking-pagsisisi tuloy niya sa pagpapairal ng pagkataranta, dahil nasa loob na siya ng banyo nang mapagtantong naiwanan niya ang shoulder bag niya sa upuan niya sa dining table. Ibig sabihin, hindi rin niya matatawagan o mate-text si Ernesto!

Napabuntonghininga na lang tuloy si Joan nang paulit-ulit habang panay ang sulyap sa repleksiyon sa salamin.

In her isolation, she finally let her real emotions show on her face—her worry and frustration. Gusto niyang maghilamos, but it would ruin her makeup and people might notice something's not right with her. She did not want to stir any trouble without a proper strategy, so she wouldn't put her heart on her sleeves yet.

Nag-isip siya nang nag-isip, pero mahirap pala kapag panay ang siksik ni Ernesto sa kaniyang isipan.

That pained look in his eyes when he saw her with Vidal.

That fiery glare when Vidal insulted him right in front of her.

That coldness at the dining table, where he wouldn't even look at her. . . .

Joan winced and flinched painfully, slightly scrunching her beautiful, delicate face. As she flinched, her eyes looked down and she saw her hands. Huli na nang napagtanto ni Joan na nanginginig ang mga kamay niyang nakatukod sa gilid ng lababo. She washed them as if the cool running water from the sink faucet would stop them from shaking.

Gumapang ang panginginig sa buo niyang katawan, at nang tumingin siya sa salamin ay saka lang niya napagtanto kung bakit nanginginig siya. Everything that was about to break trembles first, and that's what she saw in the mirror. Tears were already filming in her eyes. Her lips were quivering . . .

Umiling siya.

'Hindi puwede. Hindi ako puwedeng umiyak. Huwag ngayon. . . . Huwag rito. . . .' pagmamakaawa niya sa sarili. She felt sliced into two, with her self asking the other version of herself to cooperate.

It took her a few minutes more and a lot of deep inhales and harsh exhales before she managed to calm down. Nagmamadaling lumabas siya mula sa banyo dahil baka natatagalan na ang mga kasabay niyang magtanghalian.

To her surprise, Allyssa was standing beside the restroom's door.

Allyssa had her arms crossed below her breasts. Her back leaned against the wall. Nanatili sa harap ang tingin nito ngunit tumuwid ang postura nito. Ibig sabihin ay naramdaman nito ang presensiya niya at narinig nitong bumukas ang pinto.

Joan kept a straight face while lowering her eyes. Balak niyang tahimik na lagpasan si Allyssa ngunit hindi pa niya ito nalalagpasan ay humarang na ito sa kaniyang dadaanan. Ilang saglit na nanatili sa sahig ang kaniyang tingin bago lakas-loob na sinalubong ang titig ni Allyssa.

Allyssa slightly held her chin up, as if confidently looking down at her with her eyes.

"Yes?" malumanay niyang usig dito na magsalita para makapag-usap na sila at makabalik na siya sa hapag. She was getting worried about what Vidal was already telling the people there about them.

PinagsoltadaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon