NAKAUPO sa ibabaw ng magkatabing crate sina Joan at Kyle. Nakaposisyon sila sa labas ng ruweda, sa gilid nito, at nanonood sa pag-i-sparring nina Kapitan at ng isa sa mga panabong na manok ni Señor Ernesto. Malapit sa paanan ni Joan ang bakanteng kulungan ni Kapitan.
Dalawa sa mga handler ng honcho ang nakabantay sa mga tandang. Alerto ang mga ito sa kanilang mga kinatatayuan sa magkabilang dulo ng ruweda kaya naman kampante sina Joan at Kyle na magiging maayos ang mga manok pagkatapos ng sparring.
Nanatiling nakapokus si Joan sa pagsasabong ng mga manok. Si Kyle naman ay naisipang lingonin siya. And since he laid his eyes on her, they never looked away.
Nang maghiwalay ang dalawang manok, saglit na gumiri ang mga ito, nagsukatan ng tingin, dahilan para makasingit ang mga alalahanin sa isip ni Joan. Naalala niya ang pag-uusap nila ni Nilo sa cell phone nitong nakaraan.
“May galamay ang mga Dela Fuente sa Pulis Masbate, hindi ba?”
Joan pursed her upper lip. ‘Kinausap kaya uli ni Kuya Nilo ang señor? Humingi na ba siya ng tulong para i-prioritize ng Pulis Masbate ang kaso ng pagkawala ng kapatid ko? Ang sabi niya, iyon ang susunod niyang hakbang.’
Hindi lubos-maisip ni Joan na aabot ang paghahanap niya kay Kobi sa ganito. Ang gusto lang naman niya ay makasama na si Kobi. Gusto lang naman niyang malaman kung saan ito nagpunta, kung bakit ito umalis nang walang paalam . . .
At kung masama ba ang loob nito sa kaniya.
Kaya lang, parang sobra-sobra naman kung ioobliga pa nila ang walang kinalaman na si Señor Ernesto at ang Pulis Masbate. Wala naman siyang maiaabot sa mga ito na kaunting bonus man lang o kahit anong bayad kapalit ng maitutulong ng mga ito sa paghahanap kay Kobi.
Pero ayon kay Nilo, trabaho ito ng mga pulis. At sa dinami-rami ng populasyon ng Masbate, kailangan lang nila ng kaunting tulong ni Señor Ernesto para mapansin ng mga awtoridad at unahin ang pagresolba sa kanilang suliranin.
“Joan.”
She almost jumped in her seat. Napatuwid siya ng pagkakaupo sabay lingon sa katabing si Kyle. She met his small, uncertain smile.
“Parang ang layo ng tingin mo.”
Joan lowered her eyes. Medyo kinabahan siya dahil sa kaniyang naalala.
“Hindi ko pa nga pala naikukuwento sa ’yo,” panimula niya. “Iyong tungkol sa pinag-usapan namin ni Señor Ernesto. Nilinaw na sa akin ni Kuya Nilo nitong nakaraan kung bakit niya tinawagan ang señor.”
Nahihiya pa rin siyang mag-angat ng tingin dito dahil ayaw niyang ipakita sa binata na kinakabahan siya. Because, somehow, Joan wanted Kyle to see that she’s stronger now, that he made her stronger and bolder.
Bahagyang nagsalubong naman ang mga kilay ni Kyle. Tila hindi ito interesado, pero sumeryoso katulad ng madalas nitong reaksiyon kapag nakaririnig ng mga bagay na posible niyang ikabahala.
“Ano naman ang sinabi niya?” lapit ni Kyle ng mukha nito sa kaniya para marinig niya ang humina nitong boses.
He was still trying to catch her eyes, but he could not. Nanatili kasi siyang nakayuko.
“Kailangan daw namin ang tulong ni Señor Ernesto dahil may kapit ang mga Dela Fuente sa Pulis Masbate.”
Napatitig si Kyle sa kaniya. Joan knew he would feel this tension she was feeling when he finds this out. Hindi kasi biro ang humingi ng tulong sa awtoridad. Kailangang seryosohin ng mga ito ang ipakikiusap nila. Lalo na at ang taong hinahanap nila ay nasa wasto na nitong edad at may sarili nang kapasidad magdesisyon para sa kaniyang sarili.
BINABASA MO ANG
Pinagsoltada
Fiksi UmumErnesto always wins--his father's favor, cock derbies, and his wife's heart. But when Joan arrived, he realizes that he's less likely to win if he's fighting against a love that always hides. © anathecowgirl -------- Baluarte Dela Fuente Book 1 Feat...
