44

357 10 0
                                        

INAAWAT pa rin ni Polo si Rita mula sa pag-eeskandalo nito nang mapansin ni Mona na kumaripas na ng takbo si Joan palayo. Napansin din iyon ni Rita kaya umatras ito palayo mula kay Polo para maghanap ng ibang madadaanan at mahabol si Joan. Sa dami nga lang ng nakaharang na monobloc chairs, natagalan ang dalagita at muntikan pang madapa.

Meanwhile, Mona watched Rita in amusement. She wanted to laugh at Rita and Joan because she really thought the physical fight between the two were immature. At ang mas nakakatawa pa para dito ay kaunting sulsol lang ay napagningas na nito ang galit ni Rita para kay Joan.

Simple lang naman ang sinabi ni Mona sa dalagita kanina. Nang makita nila si Joan, Mona innocently commented na mukhang pumunta si Joan sa party para mag-enjoy, na nauunawaan nitong kailangan ni Joan mag-enjoy dahil sa mga pinagdaanan ng babae nitong nakaraan.

Siyempre, nainis si Rita at kinontra si Mona. Sinabi nitong hindi deserve ni Joan ang magsaya. And the more Mona tried to play nice and asked Rita to understand Joan, the more the young girl's teenage angst burned. Hanggang sa makita uli ng dalawa si Joan. Sa pagkakataong ito, katabi nito si Polo at solo ang isa't isa habang nag-uusap. Doon na nag-init lalo ang ulo ni Rita na in-assume agad na si Polo ang bagong lalaki ni Joan matapos nitong iwan sa ere si Kyle.

Mona lowered her head to hide her face. Baka kasi may makapansing nagpipigil itong mapangisi. Pinipigilan ni Mona ang mapangisi sa naging takbo ng mga pangyayari dahil baka pag-isipan pa ito ng masama ng mga makakakita rito sa party.

Muli nitong tinanaw si Rita na talagang desididong habulin si Joan. Mona thought she should follow the two silently to see what happens next. Umaasa si Mona na ma-e-entertain kapag naabutan ni Rita si Joan at nagkasakitan na naman ang mga ito.

Kaya lang, napako si Mona sa kinatatayuan. Paano kasi, bigla na lang namatay ang tugtugin mula sa mga speaker.

Señor Ernesto managed to make his way through the crowd. Sinundan pa nito saglit ng nagtatakang tingin si Joan na saktong tumakbo palagpas dito. He immediately ignored Joan and turned to them— especially toward Rita's direction.

"Ano'ng nangyayari dito?" Señor Ernesto's authoritative voice boomed and silenced everyone's murmuring.

Natigilan si Rita sa gitna ng nagulong mga monobloc chair. Rumehistro ang takot sa nanlalaki nitong mga mata. Agad namang lumapit si Polo sa honcho para magpaliwanag. Siyang patuloy naman ng mga tao sa paligid sa pagbubulong-bulungan. Halos pabulong din kausapin ni Polo ang señor kaya hindi malaman ni Mona kung ano ang pagkakakuwento nito sa mga pangyayari. Pero base sa galit na paggusot ng mukha ni Señor Ernesto, tiyak ng babae na malalagot ito at si Rita.

Señor Ernesto gave Polo a tap on the shoulder. Tila may hinabilin din ito rito bago ito nagmamadaling umalis. Saglit itong humalo sa tumpok ng mga tao bago tuluyang nawala sa paningin ni Mona.

Humarap naman si Polo sa direksiyon ng dalawang babae nang saktong nabangga sa braso nito ang braso ni Rita na nagmamadaling tumakbo. Hindi sigurado si Mona kung si Señor Ernesto ba o si Joan ang hahabulin ng dalagita.

O baka naman dederetso ito ng uwi sa bahay para magtago?

Sinulyapan uli ni Mona si Polo na nasa kabilang panig ng nagulong mga monobloc chair. Kita ang iritasyon at pagkadismaya sa mukha nito bago tumalikod.

Tapos na ang kagulohan, so the people that surrounded them slowly dissipated. Balik na sa kani-kaniyang business sa party ang lahat.

Mona slowly walked her way around the chairs. Kailangan nitong sundan si Rita.

Nang humalo na si Mona sa mga tao, roon na nito nilakihan ang mga hakbang. Unang nakita ng dalaga si Polo sa tapat ng sound system at kausap ang operator nito. Ilang saglit pa, bumalik na ang masayang tugtugin. Everyone cheered loudly and partied harder. Samantalang si Mona, hindi huminto sa paglalakad hanggang makalabas sa venue.

PinagsoltadaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon