ERNESTO'S HEART POUNDED in shock. Pagkabukas kasi niya sa pinto ng guest room na tinutuluyan ni Joan ay bumungad sa kaniya si Genaro na palagpas na sana rito.
Mabilis na umatras ang kaniyang kapatid para harapin siya.
"All this time you are there at Joan's . . ." he suddenly trailed off.
Nahalata niya ang pasimpleng pagtanaw ng mga mata ni Genaro sa loob ng silid kaya para ibalik ang tingin nito sa kaniya ay nagsalita na siya.
"We talked about her vacation leave," kalmado at seryoso niyang saad. "I am also . . ." Inangat niya nang kaunti ang isang kamay para ipakita ang bitbit na may kalakihang bag.
"You're helping?" kunot-noo nito. "Bakit hindi mo na lang 'yan ipaubaya sa mga katulong o sa mga vaquero o sa driver ni Joan?"
Biglang sumulpot si Joan mula sa kaniyang likuran. Nagtaka siguro ang dalaga kung sino ang kausap niya sa pinto kaya nakiusisa na ito sa kanila. Bahagyang napaawang ang mga labi ng dalaga sa gulat bago ito lumapit sa kanila.
"Señorito Genaro," anito kaya napalingon siya rito. Ernesto even stepped aside to give way to Joan.
"Ngayon na pala ang alis mo," pasada ni Genaro ng tingin kay Joan na nakapag-ayos na.
"Oo. I'm sorry kung pinagsinungaling ko pa kayong magkapatid kay Don Timoteo." Nahihiyang nagbaba ito ng tingin. "Nawala rin sa isip ko ang tungkol sa Pasko." Mahina at walang-buhay itong tumawa. "Ganito nga talaga siguro kapag tutok na tutok ka sa trabaho."
Nag-angat ito ng tingin at nginitian si Genaro. Hindi niya tuloy maiwasang mapasimangot.
"Well, I hope you'll enjoy your vacation," Genaro replied to Joan, seemingly unaffected but in a good mood anyway.
"She will definitely enjoy the holidays," he smirked smugly and threw Joan a meaningful glance before he stepped out of the door. Umusod nang kaunti si Genaro para padaanin siya. "Genaro, samahan mo na ako sa 'baba."
Bago pa sila nakapagpaalam kay Joan ay lumapit na sa kanila ang isa sa mga katulong.
"Señor," hinto ng katulong nang masalubong sila. Then, the maid glanced at Joan and Genaro. "Narito na po ang driver ni Ma'am Joan."
"Good," aniya. "Pakikuha sa guest room ang iba pang mga gamit ni Joan."
Magalang na tumango ang katulong. "Opo, señor."
Pagkatapos ay dumeretso ang katulong sa loob ng guest room. Itinuro ni Joan dito ang bag na dadalhin sa kotse na naghihintay sa tapat ng mansiyon.
Samantala, bumababa na sa hagdan ang magkapatid.
"Thanks for what you did earlier regarding Joan's vacation leave."
"Nagsinungaling lang ako para pagtakpan ka," wika nito habang ang tingin ay nasa dinadaanan nila. "Bakit ba kailangan nating magpanggap na nagbigay ng VL request si Joan? Are you defending her?"
"Sinabi ko lang 'yon dahil baka isipin ni Papa na naging pabaya tayo sa trabaho natin. Isa pa, narinig mo naman ang sinabi niya, 'di ba? Nauna na siyang kinausap ni Joan. It was Joan who lied first about this vacation leave."
"At pinagsabihan mo na ba siya sa ginawa niyang iyon?"
Napalunok siya pero mabilis na nakapagdahilan. "Oo. Kaya nga magkasama kami kanina sa guest room, 'di ba? Tinuruan ko na siya ng leksiyon."
"And . . ." Genaro could not look at him out of hesitation, ". . . can we still trust her after this?"
Sinulyapan niya ang kapatid. "Should we be suspicios of her alraedy just because she forgot to file for vacation leave? Are you being serious now, Genaro?" hindi-makapaniwala niyang turan. "It's just an honest mistake on her part. Let's just forgive her for this, okay?"
BINABASA MO ANG
Pinagsoltada
General FictionErnesto always wins--his father's favor, cock derbies, and his wife's heart. But when Joan arrived, he realizes that he's less likely to win if he's fighting against a love that always hides. © anathecowgirl -------- Baluarte Dela Fuente Book 1 Feat...
