SEÑOR ERNESTO WAITED FOR JOAN’S RESPONSE. Nanatili namang nakayuko si Joan. Dama niya sa kaniyang dibdib ang maliit na mga galaw ng yakap niyang tandang na si Kapitan.
It had been too quiet between them, the impatient honcho could not help releasing a soft sigh.
“Pag-isipan mong mabuti ang mga sinabi ko. Bukas o sa makalawa, matatanggap na ni Kyle ang warrant of arrest niya. Iyon ay kung hindi niya maiisipang tumakas at magtago.”
Namilog ang kaniyang mga mata sa narinig.
‘Ano ang gagawin nila kay Kyle kapag pinagtaguan niya ang mga pulis? Ano ang kayang gawin ng mga Dela Fuente para lang mahuli siya?’
Dahil sa kaniyang posisyon, ang cowboy boots lang ni Señor Ernesto ang kaniyang nasulyapang humakbang palayo sa kaniya. Ilang minuto pa ay narinig na niya ang paag-alis ng sasakyan nito.
Balisa si Joan buong gabi. She kept on tossing and turning on her fragile bed. May mga minuto na tuloy-tuloy ang pagdausdos ng kaniyang mga luha hanggang sa masaid siya at maiwang nakatulala sa kisame.
Hindi pa rin siya nakare-recover. In an instant, what used to feel so right suddenly came crashing down upon her, pouring down everything that went wrong. Napakahirap paniwalaan ng kaniyang mga nalaman, lalo na ang tungkol kay Kyle.
Ayaw niyang maniwala dahil napakahirap. Pakiramdam niya, nagtaksil siya sa kanilang pag-iibigan sa oras na pinag-isipan niya ng masama o pinagdudahan si Kyle. Pero ito na mismo ang umamin sa kaniya, kaya durog na durog ang kaniyang puso.
***
KINABUKASAN, alas-tres pa lang ng madaling-araw ay gising na si Joan. Ilang beses pa siyang naalimpungatan dahil hindi makatulog. Alas-sais pa siya kailangan sa manukan, pero hindi na siya makabalik ng tulog kaya mas minabuti niyang bumangon na lang at simulan ang araw.
The sky outside was in its darkest blue. Napakalamig ng hangin at tahimik ang paligid, masyadong tahimik kaya mas kalmado na siya kung ikukumpara kahapon.
Nakatulala si Joan sa kawalan habang nakaupo sa hapag at hinihintay kumulo ang tubig sa aluminum na takure na dinala pa niya galing sa bahay nila sa Nilabanan. For the very first time, she experienced having a blank mind. As in, wala siyang iniisip na kahit ano. Nakahain na ang kaniyang almusal na pritong itlog at kanin pero hindi pa niya nagagalaw ang mga ito.
Nang marinig ang matinis na pagsipol ng takure, doon lang siya bumalik sa huwisyo. Sinalinan ni Joan ang sariling mug ng mainit na tubig at ang natira ay napunta sa thermos. Bago pa lagyan ng tubig, mayroon na itong kape mula sa stick sachet at asukal, kaya hinalo na lang niya ang mga ito gamit ang kutsara. Ilang minuto rin siya natulala sa kawalan habang hinihintay na mabawasan ang nakapapasong init ng kape. At dahil lutang pa siya, kulang ang naging tantiya niya sa timpla ng kape. Napangiwi siya sa nangangagat na pait pero nang matauhan, binalewala na lang niya ito. Dinagdagan na lang ito ni Joan ng mainit na tubig para mabawasan ang pait.
Nabawasan naman, pero tumabang ang lasa.
Nang makapagkape ay saka lang kinain ni Joan ang kaniyang almusal. Naglagay din siya sa plato ng kanin para palamigin bago isalin sa Tupperware na nagsisilbing baunan niya kasama ang dalawang nilagang itlog.
Walang-imik niyang tsinek si Kapitan sa kulungan nito at pinakain. Pinalitan na rin niya ng malinis na tubig ang nasa inuman nito. Dahil hindi na niya maaasahan si Kyle sa pag-aalaga rito, napagpasyahan ni Joan na mula ngayon ay uuwi siya tuwing lunchbreak para silipin at pakainin si Kapitan.
Pagkatapos, ginamit ni Joan ang sumobra sa pinakuluang tubig upang ipanghalo sa kaniyang panligo. Medyo natagalan siya dahil imbes na tabo ang hawak, nakasubsob ang kaniyang mukha sa mga kamay. She squatted in front of a pail full of water, crying.
BINABASA MO ANG
Pinagsoltada
General FictionErnesto always wins--his father's favor, cock derbies, and his wife's heart. But when Joan arrived, he realizes that he's less likely to win if he's fighting against a love that always hides. © anathecowgirl -------- Baluarte Dela Fuente Book 1 Feat...
