63

659 21 0
                                        

NAGISING SI JOAN. Hindi ito dahil sa may umistorbo sa kaniyang pagtulog. Hindi rin ito dahil sa hindi siya komportable. It was just this feeling of too much comfort, of this cozy warmth, that woke her up. She wasn't used to this feeling. Comfort was unfamiliar. It was strange that it got her body curious and woke her up to find out where these feelings came from.

Nang imulat niya ang mga mata, natagpuan niya agad ang sagot. Nakaunan ang kaniyang ulo sa isa sa mga bisig ni Ernesto. Ang isa namang bisig ng lalaki ay nakapatong sa kaniya para magaan siyang yakapin. Nagkulang sa higpit ang yakap nito dahil mahimbing na natutulog ang lalaki.

Joan didn't want to disturb him, so instead of getting up, she decided to just move her eyes. Pag-angat niya ng tingin, sumalubong agad ang kisame ng kuwadra ng mga kabayo. Kasunod niyon ang magkabilaang dingding na gawa sa kahoy. Mainit-init ang lugar dahil na rin sa liwanag na nagmumula sa dilaw na light bulb. The light touching every wooden part of the place made it look like was being licked by sunset and fire—a dancing of amber, yellow, and orange. Sobrang kaaya-aya sa mga mata at mainit sa puso.

Then, she returned her eyes on Ernesto. His arm looked like a golden tan against the warm lighting. Her eyes trailed from there up to his face.

She wondered if she ever saw him look like this before. If she did, it must be on very few instances because she failed to remember how peaceful his face could look like. Nawala sa mukha ng lalaki ang bakas ng pagiging mabagsik, masungit, at istrikto nito. Nakapikit ang mga mata nito na para bang wala itong alalahanin sa mundo. Even his thick eyebrows were relaxed.

His lips were slightly parted, reddish from harsh kisses that made them swell, and some parts had noticable chappiness. Bahagya siyang naawa sa lalaki. Hindi niya napigilang itaas ang kamay para dahan-dahang damahin ang mga labi nito. She didn't have magic fingers that could heal the dryness on his lips and the little tears caused by biting, but she still hoped her touch could relieve the pain.

Nang mapunta sa sugat nito ang kaniyang mga daliri, bahagyang pumiksi ang katawan ng lalaki. He slightly jerked his head back and flinched. Mahina tuloy siyang napasinghap at huli na para magpanggap siyang tulog o para ibaba man lang ang kaniyang kamay. Marahang dumilat na kasi ang mga mata nito.

His eyes looked like clear brown liquids that stared at her softly. Nang makita siya nito, napawi agad ang hapdi na gumusot sa mukha nito. He suddenly looked worried.

"J-Jo . . ." he called breathlessly.

Nahihiyang nagbaba siya ng tingin. Inilapit niya ang nakaangat kanina na kamay sa kaniyang dibdib. Napasinghap tuloy siya sa pagkakataong ito lang niya na-realize na wala siyang suot na kahit ano. Mabilis siyang umupo at pinasadahan ng tingin ang kabuoan nila. Pareho silang walang anumang takip sa katawan!

Natatarantang luminga-linga si Joan. Lalong tumindi ang kaba niya nang hindi makita ang bag.

Meanwhile, Ernesto slowly sat up. Napangiwi pa ito saglit nang subukang itukod ang kamay nito na karugtong ng braso na ipinaunan nito sa kaniya nang makatulog sila. He used his other hand to prop himself up so he could sit. Nang ibalik ni Joan ang tingin dito, at saka lang niya nakita ang kaniyang bag. Iyon pala ang ginamit na unan sa ulo ng lalaki.

Nagmamadaling hinablot niya ang bag at binuksan ang zipper nito. Inilabas niya kung ano ang una niyang makuha na damit mula rito. She tossed her bath towel on Ernesto.

"Magtakip ka," humihingal niyang utos dito habang naghahanap siya ng masusuot pa bukod sa nakuha niyang V-neck shirt.

Tiningnan lang ni Ernesto ang towel na initsa niya rito. Tanging tuhod lang ng lalaki ang natakpan ng towel na iyon. Once Joan completed her clothes, she stood up and started getting dressed.

PinagsoltadaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon