FRIDAY MORNING-October 16, 2009. Tuwing weekend ang meeting sa administrative side ng DF Farms at ipinaalala iyon ni Señor Ernesto kay Señorito Genaro at Joan nang sabay-sabay silang nag-almusal.
Isang linggo na rin ang nakalipas mula nang mag-usap si Joan at Señor Ernesto at sinabihan siya ng honcho na susubukan siyang pagkatiwalaan nito. Knowing that her boss trusts her really boosted her performance when it comes to work. Mas lalo siyang naging determinado para matulungang makaahon ang hacienda kaya heto at excited siyang ipaalam sa meeting na pinagbuti niya ang kaniyang trabaho.
Bago ang oras ng meeting, ilang beses niyang ni-review ang mga sasabihin kina Señor Ernesto sa guest room na kaniyang tinutuluyan. Pagkatapos, nagsuot siya ng jeans at pinatungan ng violet na cardigan ang kaniyang itim na tank top bago ipinusod ang buhok at tinungo ang office room. Pagkatapos, kinolekta ni Joan ang mga gamit at binitbit kasama niya ang mga ito sa office room ng mansiyon.
Nadatnan niyang nakaupo na sa isa sa mga visitor's chair sa office room si Señorito Genaro. He was wearing a pair of jeans and a white shirt topped by his brown leather jacket. Kandong nito ang sariling laptop. A lot of letters from an email was reflected on his eyeglasses, which gave Joan a hint that he was silently reading something important on his laptop screen. Naalala niya tuloy na nitong nakaraan, pinahiram siya nito ng laptop para makapag-send siya ng emails gamit ang email address ng DF Farms. Alam nga lang niya na wala pa ring tiwala si Señorito Genaro sa kaniya dahil hindi nito ipinapaalam sa kaniya ang password ng email account ng DF Farms.
'Tsinetsek na kaya ni Señorito kung ano ang mga tinayp ko sa email? Tsinetsek na kaya niya kung sino ang mga pinadalhan ko ng email at kung may nag-reply na sa mga 'yon?'
Sa tingin niya, wala pa sa mga ito ang nagre-reply dahil sobrang seryoso ng hitsura ng binata.
Umupo siya sa isa pang visitor's chair na katapat ng kinauupuan ng binata at pinagpatong-patong sa kaniyang kandungan ang isang planner at isang makapal na notebook.
"Maayong adlaw," bati niya rito bago binuklat ang kaniyang notebook. She was not expecting him to greet her back so she gave her notes a quick read to prepare for their meeting.
To her surprise, Señorito Genaro spoke in a low lifeless voice.
"Good morning."
Natigilan si Joan sa kaniyang pagbabasa. Saglit niyang pinag-isipan kung mag-aangat ba ng tingin dito o hindi. Baka naman kasi imagination lang niya ang narinig niyang pagbati nito.
Sa huli, tiningnan niya si Señorito Genaro na sakto namang nag-angat din ng tingin sa kaniya at sinalubong ang kaniyang mga mata. Sa tingin niya, natagalan ito sa kaniyang pagsagot kaya tiningnan na rin siya nito.
Pinigilan ni Joan ang mapangiti. Baka kasi ang isipin ni Señorito Genaro ay lumaki na agad ang ulo niya por que nagwa-warm up na ito sa kaniya. So, she just gave him a polite nod and returned her eyes on her notebook.
Tahimik nilang ipinagpatuloy ang kanilang ginagawa. Ilang minuto rin ang lumipas bago tumuwid ng pagkakaupo si Joan at isinara ang kaniyang notebook. She glanced at the door then looked at Señorito Genaro who was already checking his wrist watch.
"Ang tagal yata ni Señor?"
Señorito Genaro put down his arm and looked at her seriously. "Baka natagalan sa cell phone. Sa ganitong oras, siguradong tinawagan na niya si Alwyn para batiin ng 'Happy Birthday.'"
Namilog ang kaniyang mga mata. 'Ngayong araw na 'yon? 16th na nga pala ngayon!'
"Oh . . ." For a minute, she was at loss for words. "Sad, isn't it? Ni hindi man lang siya makapunta sa birthday ng kan'yang anak."
BINABASA MO ANG
Pinagsoltada
General FictionErnesto always wins--his father's favor, cock derbies, and his wife's heart. But when Joan arrived, he realizes that he's less likely to win if he's fighting against a love that always hides. © anathecowgirl -------- Baluarte Dela Fuente Book 1 Feat...
