79

364 9 0
                                        

"HI, JOAN," Vidal smirked at her then pulled her close to him by the waist.

She looked at him, both in disbelief and with caution dancing in her eyes. His actions stirred this fear in her chest, because he was behaving as if they never had that conversation they had yesterday.

"Ano ang ginagawa mo rito?"

"Sinusundo ka." Hahalik sana ito, but out of instinct, Joan jerked and leaned back to avoid him. He chuckled lowly and narrowed his eyes on her, as if glaring a warning at her. "Hindi ba, nagtatrabaho ka sa mga Dela Fuente?"

"Alam mo naman 'yon. . . ." maingat niyang sagot habang palipat-lipat ang tingin sa mga mata at sa mga labi ng lalaki. Nakaabang siya dahil kung magtatangka na naman itong humalik ay mabilis siyang iiwas.

"Exactly. What I am saying is . . ." He released her waist and stepped back. Maybe, Vidal thought at the back of his mind that he should play safe, for now. "Since you are going to their hacienda today, bakit hindi kita ihatid doon? Tutal, doon din naman ang punta namin ngayon."

"Namin?" bulalas niya bago napag-isipan ang sasabihin.

"Oo. January pa lang, naglilibot na kami sa buong Mandaon para mangampanya."

Joan avoided his eyes. 'Oo nga pala. Election season na. . . . Sa Mayo na ang botohan. . . .'

"Herman said you're already one-hour late, so let's go," he said briefly before turning his back to signal his guards.

Bahagyang tumiklop si Joan nang lapitan siya ng tatlong naglalakihang mga lalaki. Nakahinga lang siya nang maluwag nang maingat na kunin ng isa sa mga ito ang kaniyang shoulder bag. Ang isa naman ay inalalayan siya sa siko palabas ng rest house.

"No, thanks," mahina niyang usal dito bago binawi ang kaniyang siko.

Humalili sa guwardiyang katabi niya si Vidal. He faced the front yet leaned so close to her so he could whisper. "Of course, the Dela Fuentes already knew we're going to their territory today. Kaya nga hindi ka nabisita ni Ernesto kahapon. I bet he got busy, preparing for our arrival which is what I intended, so that I can visit here yesterday."

Joan took in a deep breath. "Ano ang sinabi mo sa kan'ya?"

"I haven't said anything," Vidal replied, and even laughed lightly. Para bang gusto nitong palabasin sa mga kasama nila na masaya ang pinag-uusapan nila kahit hindi naman.

Tumigil sila saglit sa tapat ng kotse at nanatiling nakatayo rito habang napapaligiran ng mga bodyguard ni Vidal.

Ang mga taong makakasama nila sa pangangampanya ay napatingin sa kanilang dalawa. Nabasa niya ang pagkaaliw at pagkamangha sa mukha ng mga ito. Sa hitsura pa lang nila ay nauunawaan na ni Joan na inaakala ng mga ito na may namamagitan nga sa kanila ni Vidal. Lalo na at ngiting-ngiti ang mga ito at hindi man sabay-sabay magsalita ay binati siya ng mga ito ng 'magandang umaga.'

Vidal immediately interrupted. "Pasensiya na kung hindi n'yo makakukumustahan ang girlfriend ko. Late na kasi tayo sa usapan namin ng mga Dela Fuente, kaya kailangan na nating magmadali."

Joan glared at him. 'Girlfriend?'

Samantala, hindi naman minasama ng mga tao ang mga sinabi ni Vidal. Tahimik silang nagsipagpuntahan sa dalawang puting van na nakatalaga para sa kanila. Parehong may nakataling tarpaulin sa gilid ng van na may litrato ni Viktor Arguelle. Ang van na nakaposisyon sa pinaka-unahan ng kanilang convoy ay may nakakabit na loudspeaker sa bubungan nito.

Pinauna muna nilang makasakay ang mga tauhan ng alkalde na makakasama sa pangangampanya. Pagkatapos, ibinalik ng isang guard ang bag ni Joan at pinagbuksan siya ng pinto ng kotse. Pagkasakay niya sa sasakyan, sinamahan siya rito ni Vidal at umupo sa tabi ng driver ang isa sa mga bodyguard nito. Ang naiwang mga bodyguard ang pansamantalang magmamaneho sa pribadong kotse ni Vidal na kasama sa mga dala nito sa pagsundo sa kaniya.

PinagsoltadaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon