WALANG KAINGAY-INGAY sa loob ng sasakyan na naghatid kay Joan sa Nilabanan. Hindi tumuloy ang kotse papasok sa kabahayanan para ibaba siya sa tapat ng mismong bahay nila ni Kobi. Sa halip, nanatili ang sasakyan sa espasyo ng lupain katabi ng highway.
Nilingon si Joan ng vaquero na nasa driver's seat. Dama niya ang pagmamatigas at panlalamig sa boses nito. Hindi na siya nagtataka kung mamaya ay iwanan siya nito at hindi na ihatid sa bungalow na tinitirahan niya. "Dito na lang kita hihintayin para hindi na mahirap ilabas dito sa highway 'tong kotse."
Malungkot siyang bumaba mula sa sasakyan.
Joan slowly walked. Gabi na pero maingay pa rin sa kapitbahayanan. May mga nag-iinuman sa isang mesa na ipinuwesto malapit sa ihawan ni Tatay Mong. Kita sa matandang nag-iihaw na nagliwanag ang mukha nito nang makilala siya. Umawang pa ang mga labi nito, tila balak siyang tawagin. Pero nang maaninagan nito ang lungkot niya, halatang medyo nagdalawang-isip ito hanggang sa huli na para tawagin siya dahil nakalayo na si Joan.
Mabagal at walang-buhay ang kaniyang mga hakbang. Mabigat na kumaskas sa ang suwelas ng kaniyang mga tsinelas sa masukal na lupa hanggang sa marating niya ang tapat ng bahay.
Joan stared at the wooden door and held her breath. Lingid sa kaniyang kaalaman na napansin siya ng ilan sa mga kabataang maiingay na nakatambay sa tapat ng tindahan ni Aling Pearly.
"Hindi ba si Joan 'yon?" wika ng isa sa mga ito kaya naabala ang pagsalansan ni Aling Pearly sa display na paninda at sumilip mula sa likuran ng wire na grid na nagsisilbing harang ng tindahan.
Joan, still oblivious of people's reaction, looked for the padlock of her old house. Sa pagkakataong ito tila bumalik ang buhay sa kaniyang mga mata, sa kaniyang buong katawan. It was as if an earthquake jolted her awake and alerted her whole system. Sinundan ito ng kaba dahil nakita niyang wala nang padlock ang pinto.
Dama ni Joan ang panginginig ng buong katawan bago lakas-loob na sumugod papasok ng bahay.
Pigil ni Joan ang paghinga nang makitang may kumikilos sa silid ni Kobi na wala nang kurtinang pinto. She froze where she stood as everything that happened flashed before her eyes-from the day she met Kyle up to the very moment when she defended him in the Dela Fuente mansion.
Gumapang ang panlalamig sa buo niyang katawan. Nanginig siya nang makaapuhap ng lakas para ihakbang ang namimigat niyang mga paa. Nang marating ang pinto, bumungad sa kaniya ang isang malalim na hukay na humalili sa kinapupuwestuhan ng papag na tinutulugan noon ni Kobi.
Takot siyang napasinghap. Nangangatog ang mga tuhod na napahawak ang mga kamay sa magkabilang-hamba ng pinto.
Gulat na napalingon sa kaniya si Kyle. Nasa kabilang-panig ito ng hukay, nasaktuhan ni Joan na iniisa-isa nito ang itinipong mga gamit roon.
Gimbal na nag-angat siya ng tingin dito. "Kyle!"
Tumayo nang tuwid ang binata. He slowly turned to face her.
Hindi siya makapaniwala.
Ayaw niyang maniwala.
Ayaw niyang maniwala sa ipinapahiwatig ni Señor Ernesto tungkol dito kanina. Kyle was too good to do something as horrible as murder her own brother.
Kyle took care of her after Kobi was gone. Kyle comforted her. Kyle helped her have a job and a new home. Kyle had been with her these past few months. . . .
She kissed this man.
She held his hands.
She loved this man.
"Kyle . . ." she almost begged, holding back the tears that were already filming in her eyes.
Joan waited, shattering in every passing second. She wanted him to prove her wrong, to prove everyone's accusations of him wrong!
BINABASA MO ANG
Pinagsoltada
Fiction généraleErnesto always wins--his father's favor, cock derbies, and his wife's heart. But when Joan arrived, he realizes that he's less likely to win if he's fighting against a love that always hides. © anathecowgirl -------- Baluarte Dela Fuente Book 1 Feat...
