84, Part II

308 14 0
                                        

ALLYSSA rested her chin on top of Ernesto's left shoulder and smiled wider at her. "Where have you been, Joan? We saw you arrive, pero napunta lang saglit kina Mayor ang atensiyon namin, nawala na kayo ni Vidal sa kinatatayuan n'yo kanina."

Napatitig si Joan sa babae. Allyssa seemed so happy, and the way she stood so close to Ernesto gave her this sinking feeling that they were back together again.

This stabbing pain in her chest scared her to glance at Ernesto. Natatakot siya na baka mabasa ng lalaki sa kaniyang mga mata kung gaano katindi ang pagkadurog na kaniyang iniinda sa loob-loob.

"S-Sumaglit lang kami sa table namin," malumanay niyang sagot kay Allyssa habang sinisikap na lakasan nang kaunti ang boses. Sa dami kasi ng bisita rito ay tila nalulunod ng ingay nila ang kaniyang tinig. "I hope, you are having a great time here, Ma'am Allyssa."

"Of course, I am," dulas ng isang kamay ni Allyssa mula sa braso ni Ernesto pababa sa kamay nito. She entwined their fingers. "And please, don't 'ma'am' me. Hindi ka na naman nagtatrabaho sa hacienda, 'di ba?"

She gave Allyssa a small smile and nodded.

Allyssa looked around before returning her eyes on her. "Why are you not with Vidal?"

Joan shrugged. "He's accommodating the guests. Ayoko naman makisali kasi wala akong alam sa politika."

Allyssa chuckled. Joan could not understand what was so funny. Hindi naman niya maiwas ang tingin dito kahit nahihiya siya. Nararamdaman kasi niya ang matiim na titig ni Ernesto, tila ba nag-aabang ang mga mata nito sa kaniyang pagsulyap dito.

"You don't have to know anything about politics to socialize!" ani Allyssa. Then, she gasped, remembering something. She turned her head to Ernesto, and since her chin rested over his shoulder, the tips of their noses almost touched when Ernesto glanced back at Allyssa. "I almost forgot! Ernesto, hinabol kita rito kasi nakalimutan kong ibilin sa 'yo na 'yong wet wipes ni Alwyn, nasa malaking pocket sa loob ng blue kong bag. Inilagay ko 'yong bag sa loob ng cabinet sa suite natin. Please, bring that para magamit mamayang dinner."

Ernesto's eyebrows furrowed in seriousness. "Got it." Inalis nito ang pagkakahawak ng kamay ni Allyssa sa kamay nito. His eyes shifted between the two of them before his gaze locked into her eyes. "I have to go," nagmamadali nitong paalam bago umalis.

Hindi na nilingon pa ni Joan si Ernesto nang lagpasan nito. Nanatili siyang nakatitig kay Allyssa na nakatanaw pa rin sa lalaki kahit nakalayo-layo na ito. May palagay din si Joan na nilingon sila ni Ernesto. Biglang nagliwanag kasi ang mukha ni Allyssa. Kinawayan pa nito ang lalaki nang may malaking ngiti sa mga labi.

"P-Pupunta ako sa beach deck," paalam niya kay Allyssa nang ibalik nito ang tingin sa kaniya.

"That's great. That's where I am going too." Allyssa gave her a nod. "Let's go?"

Tumango na lang si Joan.

She needed to breathe. She needed to think. Nagpaalam nga siya para iwasan si Allyssa pero mukhang imposible iyon. It would be so rude of her to back out now from going to the beach deck, and Joan didn't want to treat Allyssa that way.

"Si Alwyn . . . anak n'yo siya ni Ernesto, hindi ba?" basag ni Joan sa katahimikan nang magkatabi na silang naglalakad ni Allyssa sa tulay na kahoy.

"Oo," sagot nito habang nasa harap ang tingin. "Nandoon siya sa suite namin dito sa resort, kasama si Yaya Everleen. Ipinapasundo ko na kay Ernesto kasi ngayon lang namin nalaman na ginawang dance floor itong beach deck ng resort. You see, my Alwyn loves to dance. He has to be here because I know he will definitely love this area."

Habang palapit sila nang palapit sa beach deck ay palakas na nang palakas ang tugtog na kanilang naririnig. As of the moment, a slow jazz instrumental was playing.

PinagsoltadaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon