43

342 10 1
                                        

JOAN could not believe her eyes. What used to be a long wide stretch of dried, cracked soil turned to bright reddish terracotta due to the hanging yellow bulbs.

A portion of the Dela Fuente's hectares of land was used as location for the Christmas party. Itinayo rito ang isang malaking tent na gawa sa napakalaking lona na napaiikutan ng puting metal fence. Maiikli ang mga bakod na ito pero pinagtabi-tabi kaya mukhang magkakarugtong. It formed a half circle, the open half provided an entrance for everyone.

Napahawak si Joan sa ibabaw ng bukas na gate sa kaniyang bungalow. Nakaipit sa ilalim ng kaniyang braso ang ibinalot na regalo para sa exchange gift. Nakasulat na rin dito ang pangalan ng pagbibigyan ng regalo na nagtatrabaho raw sa kuwadra ng mga kabayo. Ilang linggo kasi bago ang party, nagpalabunutan na silang lahat ng mga pangalan para sa exchange gift na ito.

Isinara ni Joan ang gate at binigyan ng huling sulyap ang bungalow. Iniwan niyang patay ang mga ilaw para hindi maistorbo ang tulog ni Kapitan na nasa kulungan nito sa loob ng bahay.

Joan arrived at the party shortly. Nagkalat ang nakabitin paikot na mga parol sa laylayan ng lonang bumububong sa kanila. May ilan sa mga parol na ang taas ng pagkakabitin, may ilan namang masyadong mababa. Marami na rin ang mga tao rito. Masigla at makabago ang background music mula sa sound system na malapit sa entrance ng venue. Chatter and laughter filled the chilly Christmas air. Damang-dama niya ang lamig dahil manipis lang ang tela ng kaniyang lumang hoodie jacket na de-zipper. Kulay itim ito, malungkot na kulay para sa masayang okasyon, pero ito lang ang pinakapresentableng jacket na mayroon siya. Underneath, she wore an oversized shirt that she had to tuck in. It made her body look a bit stuffy because the oversized shirt bulked against her tighter jacket. Ang pantalon na iniregalo ni Kyle noong birthday niya ang kaniyang isinuot na pang-ibaba at ang pares ng kaniyang lumang rubber shoes.

Sa loob ng bakuran, nakapaikot ang hanay ng mahahabang mesa na puno ng iba't ibang pagkaing nakalagay sa bawat naglalakihang silver chafing dish. Nagkalat sa paligid ang mga staff mula sa ini-hire na catering service para sa salo-salo. She could not believe the Dela Fuente family was this generous toward their workers. Wala rin kasing ikakaltas sa suweldo nila para mapondohan ang party na ito.

Joan walked in slowly while looking around. Wala pa siyang nakikitang pamilyar na mukha. Medyo kinabahan din siya kahit bukod sa alam naman niyang mahihirapan siyang mahanap ang mga katrabaho sa manukan ay imbitado sa party ang lahat ng mga nagtatrabaho at naninirahan sa hacienda. Ibig sabihin, posibleng makita niya ang pamilya Torre dito.

She didn't know how many, but being in this big crowd made her feel there was a hundred or more of them in here.

Huminto ang mga mata ni Joan sa hiwalay na mesa ilang hakbang ang layo mula sa dulo ng catering table. Doon kasi inipon ang lahat ng mga regalo. Nagmamadaling lumapit siya roon at ipinatong ang regalong dala niya sa bandang dulo, sa ibabaw ng isang malaking regalo, regalo na sa tingin niya ay nakakarton pa sa ilalim ng gift wrapper nito.

"Joan!"

Gulat niyang nalingonan si Felicity, ang katrabaho niya sa manukan.

"H-Hi," mahina niyang saad habang pinanonood ang maingat na paglalagay ng babae sa regalo nito sa maliit na space na nalalabi sa mesa. The gift was cylindrical, giving Joan an impression that it contained some kind of clothing or maybe a towel. Anything that could be rolled to fit in that kind of gift wrapping.

Felicity, who was wearing a red top underneath her denim jacket, glanced back at her with a casual smile. "Hindi ako makapaniwalang makapupunta ka rito sa party. Mabuti, um-attend ka."

'Hindi makapaniwala?' "Oo, pupunta talaga ako rito. Bakit naman hindi ka makapaniwala?"

Inihilig nito ang ulo. "Ano kasi . . ." Hindi niya malaman kung pag-aalala o pagkaasiwa ba ang reaksiyon na nasa mukha ng babae. "Hindi ka ba natatakot na ma-meet mo rito ang pamilya ni Kyle? Ang mga kaibigan niyang vaquero?"

PinagsoltadaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon