DALI-DALING umiwas kay Joan ng tingin si Señorito Genaro at uminom mula sa boteng hawak nito. Siya naman ay sinundan ng tingin si Señor Ernesto na umupo sa upuan sa kabila ng mesita. She saw him shove his cell phone in the pocket of his pants.
Nag-alala siya dahil sobrang seryoso na naman ng mukha nito. Gusot na gusot pa.
Señorito Genaro released a breath as he put down his beer bottle. "Uminom na kami. 'Tagal mo, e."
Pinagbuksan ni Señor Ernesto ng bote ng alak ang sarili. "Ayos lang." Pagkatapos ay dumako ang matiim na mga mata ng lalaki sa kanya. "How are you, Jo?"
'Jo? 'Joan' ang 'lagi niyang itinatawag sa akin, 'di ba?' She shrugged and pretended to be nonchalant about it. "Ayos lang."
He nodded and took a piece of dalandan. Inasinan ito nang kaunti ng lalaki bago sinipsip.
"Kumusta si Alwyn?" ani Señorito Genaro.
"'Yon. Hindi ako nilulubayan ng tanong kung magpa-Pasko ba ako roon kasama nila ng nanay niya," matabang nitong wika.
"Ano naman ang sinabi mo?" ani Señorito Genaro na namumulutan na.
He smacked his moist lips then, replied. "Of course, I said I'll try."
His brother groaned. "I'll try gayud? Hindi mo man lang pinaasa nang kaunti para hindi masaktan ang feelings no'ng bata!"
"I have to be honest with him, kaysa naman isipin niyang sinungaling ako. Baka wala na siyang paniwalaan sa mga sinasabi ko kapag nangako ako 'tapos hindi ko tinupad. Ayokong mawalan ng tiwala sa akin ang anak ko."
Joan only realized she had been staring at Señor Ernesto for too long when his eyes caught hers. "Yes, Joan?"
'Akala niya yata, nakaabang ako na matapos ang pag-uusap nila dahil may sasabihin ako.'
Lumunok siya at umupo nang tuwid. Dama niya na pati si Señorito Genaro ay nakatingin sa kaniya at nakaabang sa kaniyang sasabihin.
"Nothing. Nakikinig lang ako," she answered softly.
The night rolled on. Unang nagpaalam si Señorito Genaro dahil mas nauna itong uminom kaya naunang nalasing. Abala sa pag-uusap ang magkapatid kaya hindi nila napansin na wala pa sa kalahati ang naiinom ni Joan mula sa bote ng kaniyang alak. Puro pulutan ang kaniyang kinain habang nakikinig sa mga ito na pinag-usapan ang hacienda, ang kaba nila noong kasama pa ang mga representative ng Carnacion Foods, at siyempre, kung paano makakasama ni Señor Ernesto sa parating na Pasko ang anak nitong si Alwyn.
Sa pagkakataong ito ay tuluyan nang nakaalis si Señorito Genaro. Dahil solo na nila ang isa't isa, hindi na maiiwasan pa ni Joan ang kadaldalan ni Señor Ernesto.
"Kumusta? Ang tahimik mo kanina, a?" patong nito ng mga siko sa magkabilang-tuhod. Hawak nito ng isang kamay ang ikaapat na nitong bote ng alak sabay titig sa kaniya nang matiim.
"Nagsalita naman ako kanina kahit papaano, no? Nakisali ako no'ng tungkol sa mga bisita kanina ang topic, at saka sa gusto ninyong i-improve dito sa hacienda."
"I know, but you said so little," he grunted and got up from his seat.
"Matutulog ka na?" nagugulohan niyang tanong dahil sa pagtayo ng lalaki.
Hindi sinagot ni Señor Ernesto ang tanong niya. Sa halip, inikot nito ang mesa at umupo sa kanan niya sa sofa. Masyado itong malapit kaya umusod si Joan patungo sa direksiyon ng sofa kung saan nakaupo kanina ang umalis na si Señorito Genaro.
"Joan," tawag nito.
"Hm?" pihit niya para umupo nang nakaharap dito.
Sumandal si Señor Ernesto sa kinauupuan. Medyo namumungay na ang mga mata nito.
BINABASA MO ANG
Pinagsoltada
Ficção GeralErnesto always wins--his father's favor, cock derbies, and his wife's heart. But when Joan arrived, he realizes that he's less likely to win if he's fighting against a love that always hides. © anathecowgirl -------- Baluarte Dela Fuente Book 1 Feat...
