"AS YOU CAN SEE, within three years, we managed to balance our finances. Mas dumalas ang paghiram namin ng pera, pero nababayaran din naman namin agad kaya ang outstanding loan na lang ng hacienda as of this date, ay ang inutang namin sa mga Arguelle na kailangang mabayaran hanggang January next year."
Joan was still wearing Señorito Genaro's hoodie while sitting in one of the visitor's chair inside the office room. Dahil trabaho ni Señor Ernesto ang mag-ikot sa hacienda para personal na ring i-supervise ang mga trabahador, silang dalawa lang ni Señorito Genaro ang magkaharap sa pagkakataong ito.
Bago umalis si Señor Ernesto, binanggit na nito sa kaniya na nai-briefing na raw nito si Señorito Genaro-ang tumatayong head ng accountant at legal admin ng farm-tungkol sa pag-orient sa kaniya tungkol sa trabaho sa hacienda kaya narito silang dalawa sa office room.
Señorito Genaro wore a pair of black shoes and a brown leather coat on top of his brown suit. May nakabalabal sa leeg nito na putting cotton scarf kaya may impresiyon si Joan na ginawin ang lalaki kung hindi sakitin ang balingkinitang katawan nito. She watched him adjust his reading glasses from time to time as he read his copy of financial reports with his eyes. Si Joan naman ay binabasa lang ang kopya nito na pagmamay-ari ni Señor Ernesto.
"Nababayaran n'yo on-time ang mga loan pero paliit nang paliit naman ang kinikita ng hacienda," puna niya sa nakikita sa hawak na report.
"Obviously," paniningkit ni Señorito Genaro ng mga mata sa kaniya.
"Hindi stated dito ang maturation date ng loans n'yo kaya hindi ko masasabi kung efficient o hindi na nababayaran n'yo ito agad."
Nagsalubong ang mga kilay nito. "What do you mean?"
"E, kasi kung p'wede namang mag-delay ng payment ng loan, we should seize that opportunity."
"Delay?" tila nahiwagaan ito sa kaniyang sinabi. Parang first time lang makarinig nang ganoong kataga ni Genaro.
Hawak pa rin ni Joan ang papel nang ipatong ito sa kaniyang kandungan.
"You see, señorito, dapat may timing tayo pagdating sa pagbabayad ng utang."
He scoffed. "You talk like Ernesto."
'Eh?'
Genaro glanced at the papers he was holding before returning his eyes on her. "He said the same thing."
That go her confused. "If he believes the same thing, bakit inaprubahan niya ang maagang payment ng loans para sa loans n'yo?"
"On the first two years on that report, Papa still interferes with the management of the hacienda. Kaya si Papa pa rin ang may final say tungkol sa mga desisyon dito na bayaran on-time ang mga loan. On the third year, Kuya is on his own. He approved the payment of the loan for this year, kasi malapit na ang napag-usapang deadline para sa zero-interest agreement at iniiwasan namin magkaroon ng interes."
"I see." Tiningnan uli ni Joan ang financial report. "It's just so puzzling to me how come you are able to pay your loans on time to avoid interest rates, and you have lesser employees to pay salaries for, but this year you're at the brink of insolvency. Because with how big your hacienda is, ten million plus of net income is not enough to keep the business running. In your business field, you are supposed to be earning between eighty to a hundred million pesos."
Nag-alinlangan pang umamin si Señorito Genaro pero hindi inalis ni Joan ang pagkakatitig sa lalaki kaya sumuko na rin ito.
"Well . . . we have to borrow some money from the capital. Dahil naging magastos ang kaso ni Papa."
"Ito 'yong pinakulong siya ng mga Silvestre, right?"
Señorito Genaro lowered his eyes. May aninong tila lumukob sa mukha nito bago nagtitimping sumagot. "Right."
BINABASA MO ANG
Pinagsoltada
Ficción GeneralErnesto always wins--his father's favor, cock derbies, and his wife's heart. But when Joan arrived, he realizes that he's less likely to win if he's fighting against a love that always hides. © anathecowgirl -------- Baluarte Dela Fuente Book 1 Feat...
