ERNESTO followed Joan's line of sight. Pumitik ang kaba sa kaniyang dibdib nang tumama ang kaniyang tingin sa matalim na mga mata ng kaniyang ina, si Doña Grazie. She looked glamorous in her red high heels and red sequined short dress with puffed sleeves and round neck line. Her short hair was black and shiny, tied into a low bun to showcase her small, diamond stud earrings. In spite of her festive fashion, shock and displeasure were on her narrowed eyes and firmly shut red lips.
Ernesto immediately released Joan. Siyang alis naman ni Doña Grazie na nagmamadali ang mga hakbang pabalik sa pinanggalingan nito.
"I'm sorry, Jo. I'll fix this," he worriedly glanced back at Joan.
Naluluhang napayuko ito. So, Ernesto gave her a quick hug.
"I'm sorry I let my jealousy eat me! I just miss you, Jo! I just can't take it anymore! It's been months! I just want a kiss. I'm . . ." Ernesto winced painfully and released Joan. What's the use of explaining himself? He must stop his mother from spreading a word about what she saw!
Every step he took away from Joan made this stabbing pain in his chest hurt deeper and deeper. But maybe it was fair for him to feel this way, because he just caused an additional suffering to the women he loves—to Joan and to his mother.
Naabutan niya si Doña Grazie sa tulay ng resort na patungo sa malaki nitong gazebo. "Mama!"
Napahinto ang ginang, hindi dahil sa kaniyang pagtawag kundi dahil nakasalubong nila si Vidal.
"Doña Grazie," Vidal smiled at his mother. And in a flash, his face turned glum the moment his eyes found his. "Ernesto."
Narinig niya ang paghinga nang malalim ni Doña Grazie. "Vidal."
"Yes?" balik ng tingin nito sa ginang.
Ernesto swallowed. Nanlamig ang kaniyang mga kamay dahil natatakot siyang baka sabihin ng nanay niya kay Vidal kung ano ang nakita nito kani-kanina lang. The thing about his mother was that, she wasn't that coddling kind. Ni hindi nga nito dinaan sa kuwestiyonableng paraan ang pagpapalaya sa kaniyang ama mula sa pagkakakulong, ano pa kaya pagdating sa mga pagkakamali ng anak nito?
"We have to go," mariin nitong wika na ipinagtaka ni Ernesto.
Vidal glanced at him, as if he was asking him to explain why Doña Grazie wanted to leave the party too soon.
Ernesto just looked away. Ipinapaubaya na lang niya sa kaniyang ina ang pagpapaliwanag dito.
Nilingon siya ni Doña Grazie. "Ernesto, sunduin mo na silang lahat. Magpaalam na kayo kina Alkalde."
Hindi na siya nagprotesta pa. Nagmamadaling nilagpasan niya ang dalawa para sunduin ang kaniyang ama at mag-ina na naghahapunan pa.
Pero napahinto siya sa paglalakad nang maulinigan ang sinabi ng kaniyang ina kay Vidal.
"Vidal, hindi na ako magpapaligoy-ligoy pa. Iyang girlfriend mo, pinagsasabay lang kayo ni Ernesto."
***
UNANG huminto sa harap ng mansiyon ang sasakyan nina Ernesto. Buhay pa ang makina ng sasakyan pero nagmamadaling pinababa na niya mula rito si Allyssa na buhat si Alwyn.
"Dumeretso na kayo sa kuwarto," mahigpit niyang saad dito habang nagtitimpi.
Pinukulan siya nito ng nagtatakang tingin habang halata ang iritasyon sa mukha nito. "What's going on, Ernesto? Bakit biglaan?"
"Bakit hindi na tayo magsu-swimming, Daddy?" sabay ng kaniyang anak sa pagtatanong ni Allyssa. "Gusto ko mag-swim! Tomorrow! Sleep tayo sa resort . . ."
BINABASA MO ANG
Pinagsoltada
General FictionErnesto always wins--his father's favor, cock derbies, and his wife's heart. But when Joan arrived, he realizes that he's less likely to win if he's fighting against a love that always hides. © anathecowgirl -------- Baluarte Dela Fuente Book 1 Feat...
