IT WAS already the third week of December. Kapa-finalize lang ng processing para sa tuluyang pagkakakulong ni Kyle. Hindi natagalan ang paglilitis sa kaso ng binata dahil ito na mismo ang nag-plead guilty. Ayon kay Nilo, pag-amin na raw iyon ni Kyle sa pagpatay sa kaniyang kapatid.
Hanggang sa huling hearing, hindi matingnan ni Joan nang deretso sa mga mata si Kyle. Parang pinipilipit ang kaniyang puso sa tuwing nagtatangka siya. Minsan nga, parang gusto na niyang magpadaig sa awa niya para dito at iatras ang kaso, pero sa huli, nanaig ang kaniyang konsensiya. Hindi niya puwedeng isalba si Kyle dahil sa dami ng mga taong maaapektuhan at bilang pagbibigay hustisya man lang sa kamatayan ng kaniyang kuya.
At times, she wanted to depend on the thought that Kyle only confronted her brother out of love, but then she would end up realizing that he wouldn't kill her brother, her only family left and the person she cares for, if he really loves her.
Joan shut her eyes and took in a deep breath. She did a few more series of deep breathing until her body began recovering and relaxing.
Iminulat niya ang mga mata nang tuluyan nang humupa ang kaniyang paghingal. Kasalukuyang si Joan sa poultry house kung nasaan ang layered housing na pinagkukuhanan nila ng itlog ng mga manok. Sa halip, nasa katabing lote siya. Masukal at buhaghag ang lupa na nakalatag sa tapat ng tatlong magkakahanay na wooden chicken coop na napapaikutan ng kahoy na bakuran. Dito naman pinagsama-sama ang mga sisiw na karamihan ay walo hanggang sampung buwan na ang gulang. May mga itlog kasi na imbes ipa-harvest sa kanila ay itinatabi at hinihintay mapisa para palakihin. Tatlo ang puwedeng kahantungan ng mga ito—ang maging manok-panabong, inahing pagkukuhanan ng mga itlog, o patatabain para ibenta sa mga katayan.
Pinanood ni Joan ang mabilis na pagtakbo paroon at parito ng maliliit na mga manok. Butil-butil na ang pawis sa kaniyang noo at palibot ng mukha dahil hinahabol na naman niya ang mga ito para ilagay sa kanilang kulungan dahil malapit nang lumubog ang araw.
Iniisip niya pa rin si Kyle nang marinig si Mang Sammy.
"Joan!" tawag nito mula sa labas ng bakuran.
Napamulagat siya at napatanaw rito. Hindi na natuloy ang balak niyang magtanong ng 'Nano?' dahil nakita na niya sa bandang likuran nito si Señor Ernesto.
Mabilis na inangat ni Joan ang dulo ng Good Morning towel na nakasabit sa kaniyang leeg. She dabbed it on the beads of sweat all over and around her face as she walked to their direction.
"Joan," patuloy ni Mang Sammy, "kakausapin ka raw ni Señor."
She nodded at him. "Opo." At ipinukol niyang muli ang tingin sa amo. "Maayo na hapon, señor."
Seryosong tumango lang ito nang isang beses. "Bukas, sasadya kami sa presinto para bisitahin si Kyle. Gusto mo bang sumama?"
"Sino ang kasama n'yong pupunta roon, señor?"
"Kami ni Dario."
Binitiwan niya ang towel at matamang tinitigan ang honcho. It was obvious that her boss had a long, hard day because of the fine lines on his face. His wavy hair was shiny with sweat. His white button-down shirt with sleeves rolled up a few inches above his elbows, his brown cowboy boots, and his blue jeans were dusty.
When she met his eyes, Joan immediately looked away. "Bakit kailangan mo pa akong isama, señor?"
"Ayaw mo bang makita man lang si Kyle?"
Hindi siya agad nakasagot.
"I know you still love him."
"Opo. Pero Señor naman . . . Gusto kong . . . Gusto kong mapag-isa muna." She gazed back at him and gave him a goodbye nod. "Hindi ho ako sasama."
BINABASA MO ANG
Pinagsoltada
General FictionErnesto always wins--his father's favor, cock derbies, and his wife's heart. But when Joan arrived, he realizes that he's less likely to win if he's fighting against a love that always hides. © anathecowgirl -------- Baluarte Dela Fuente Book 1 Feat...
