41

370 10 1
                                        

MEDYO natagalan si Joan sa restroom. Inayos muna niya ang pagkakapusod ng kulot na buhok. Her skin had mild patches pale pink because of Rita's slaps, but they blended well after the few cold compress as instructed by Señor Ernesto and the gentle massages she did with her fingers. Napalitan ang mahapding init ng nangangagat na lamig kaniyang balat.

Nang sa palagay niya ay mukha na siyang presentable ay saka lang niya nilisan ang banyo.

Akala ni Joan ay handa na siya, pero nalaglag ang kaniyang panga nang marating ang office room. Bukod kasi kay Señor Ernesto, Don Timoteo, at sa isang naka-grey suit na abogado, narito rin ang mga vaquero na sina Polo, Melencio, at Joey. Nakatayo ang mga ito patalikod sa mga bookshelf at bintana at mga nakaharap sa kaniyang direksiyon. Ang abogado ay nakaupo sa isa sa mga visitor's chair.

Napalingon naman sa kaniya ang nasa kabilang visitor's chair na si Aling Pearly. Mabilis na iniwas nito ang balisang mga mata nang makita siya. Nakatayo naman sa likuran ng kinauupuan ng matandang babae ang anak nitong si Nilo.

Okupado ni Don Timoteo ang swivel chair sa likuran ng desk. Meanwhile, his son, Señor Ernesto, stood by his side with only his back leaned against the wall and arms crossed.

A reaction crossed in everyone's faces. They seemed taken aback at her presence. Pero mabilis ding bumalik sa normal ang ekspresyon sa mukha ng mga ito.

Saglit na napalunok si Joan. Nanuot sa kaniya ang pressure. Ganito karaming tao kasi ang makikinig sa kaniya at makakausap niya tungkol sa kaso ni Kyle.

"Ah, finally, she's here," tuwid ng upo ni Don Timoteo. "Let's start this meeting." Nilingon nito ang abogado. "She's Joan Orosa by the way, Attorney." Then, he glanced at her. "Orosa, siya ang magiging abogado natin, si Attorney Barrera."

Mula kay Don Timoteo, inilipat niya ang tingin sa abogado. Attorney Barrera was already in his late fifties, shorter than Joan in height and tan-skinned. He dressed up sharply and neatly. He seemed to have the luxury of time to gloss his hair with gel and comb them on one side, but his deep-set round eyes and the dark circles around them gave away the fact that he was a very busy man.

"He's a very good lawyer," magaang patuloy ni Don Timoteo, "kahit si Mayor Arguelle, kliyente niya."

Joan just nodded in approval, smiling politely at the lawyer.

There was a beam of pride in the lawyer's sheepish smile as he stood up and offered her a hand.

Saglit na napatitig dito si Joan bago siya napakurap. Isinara muna niya ang pinto at mabilis na ipinunas ang kamay sa gilid ng pantalon niya bago nakipagkamay.

"Bryan Barrera," maikling pakilala ng lalaki.

"Joan Orosa po," magalang niyang tugon.

Nang magbitiw sila, nagbigay-daan si Attorney Barrera. He gestured a hand toward the seat he just left. Gusto niyang tumanggi, nakahihiya kasing inagawan pa niya ng upuan ang taong tutulong para mabigyan ng hustisya ang pagkamatay ng kaniyang kuya. Kaya lang, baka matagalan pa ang pagsisimula ng meeting kung tatanggi pa siya. Tiyak ni Joan na ipagpipilitan lang ng abogado na kunin niya ang upuan nito.

As soon as Joan got seated, Attorney Barrera started.

"Hindi na ako magpapaligoy-ligoy pa," anito. "Malakas ang laban niyo sa paglilitis. Bukod sa mayroon tayong apat na witnesses—"

Napamulagat si Joan. 'Apat?'

Inalala niya ang mga nakatayo sa silid na sina Polo, Melencioz at Joey. Tatlo na iyon. Imposible namang kasama si Nilo sa witnesses dahil nasa Manila pa ito at nagtatrabaho noong mga panahong nawala si Kobi.

PinagsoltadaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon