JUNE 30, 2010. The blackness of the sky stretched overhead, studded with twinkling stars. Below it was the Arguelle's villa mansion with its cream-colored posts and exterior walls glowing softly because of the mild yellow fixtures.
Naunang bumaba sa hagdan ang mag-asawang Arguelle. Nakapusod nang mataas ang itim na buhok ni Estefania Arguelle. Nangibabaw ang kaputian ng balat nito dahil sa suot na itim na night gown na kumikislap-kislap dahil sa maliliit nitong colorless beads. She moved slow and elegantly. Kitang-kita ang bawat pagkibot ng mga balakang nito dahil hapit na hapit ang halter neck gown sa katawan nito. The only accessories she wore were her diamond wedding ring and a pair of straight diamond earrings that hung over her smooth shoulders. Nakakawit ang braso ng ginang sa asawa nitong si Alkalde Viktor Arguelle. Ang asawa rin ang dahilan kaya medyo mababa ang takong ng suot na high heels ng ginang.
Viktor Arguelle was shorter than his wife with a stocky body type. In order to compensate, his dark blue suit with a white bow was tailored to be slightly loose. Kapag fitting kasi ay mahuhulma nito ang pagkamalapad ng katawan nito. He would look like a small box, if ever. His black hair was neatly combed back, shiny and slick. Having a clean look had always been his signature style. He wore a silver wristwatch and his wedding ring—a silver band.
Nakasunod sa mag-asawa sina Joan at Vidal. Nahuhuli sa pagbaba ng hagdan si Joan dahil tila nagmamadali si Vidal. Maliksi ang kilos ng binata kahit nakasuot ito ng itim na suit na may puting shirt sa ilalim na bukas ang unang dalawang butones. Sa pagmamadali ng lalaki, bumagsak ang ilang hibla ng buhok nito sa noo nito. He combed it back with his fingers, giving his straight, jet black hair a slightly tousled brushed-up finish.
Sa courtyard, naghihintay na sa kanila ang limang sasakyan na nakapila dahil parte ang mga ito ng convoy ng bagong halal na alkalde. Binuksan ng isang driver ang pinto ng ikatlong kotse at pumasok dito ang mag-asawa. Nakabukas naman na ang pinto ng ikaapat na kotse nang makalapit dito si Vidal.
Vidal looked so serious as he tapped the driver, Herman, by the arm, wordlessly commanding him to get to the driver's seat already. Mabilis na tumalima ang driver, kaya nang makalapit si Joan sa kotse ay si Vidal na mismo ang umalalay sa kaniya pasakay rito. Umusod sa dulo ng seat si Joan para hindi na umikot pa ang lalaki para pumasok sa kabilang pinto ng backseat. As soon as he got seated beside her, Vidal slammed the door close. He waved a hand at Herman, who was looking at the rearview mirror, signaling that they were ready to go.
Nakalayo-layo na ang sasakyan nina Alkalde Viktor bago nakasunod dito ang sasakyan nina Joan.
Sa kalagitnaan ng biyahe, panakaw-nakaw ng sulyap si Joan sa kaniyang katabi. Mukhang abala kasi masyado sa cell phone nito si Vidal.
Kaninang umaga ay dumalo sila sa oath-taking ceremony ng tatay nito. Nanalo kasi uli si Viktor sa pagtakbo nito sa pagka-alkalde ng Mandaon. Sa nangyaring kagulohan sa ilang voting stations noong araw ng eleksiyon, karamiham sa mga nabiktima ay mga supporter ng kalaban nitong si Nicanor Alvarez. Ngunit napag-alaman na sinadyang palabasin ng kampo nito na si Viktor at ang mga supporter nito ang nasa likod ng kagulohan kahit hindi naman. Naniniwala si Joan na nakaimpluwensiya iyon kahit papaano sa mga botante para bigyan ng isa pang termino sa pagseserbisyo ang ama ni Vidal. Joan didn't know what to think about that issue, because she didn't know who was really responsible behind those bombings yet.
At katulad ng napagplanuhan, sa gabing ito gaganapin ang selebrasyon sa pagkapanalo ni Viktor Arguelle. Ipagdaraos ang victory party na ito sa isang mamahaling beachfront resort at ang imbitado rito ay ang mga mayayamang financier at supporters ng alkalde. Dahil sa kaalamang ito, pakiramdam ni Joan ay hindi pantay ang pagtingin ng alkalde sa mga mayayaman at mahihirap nitong supporter. Hindi nga lang siya makaimik tungkol dito dahil ayaw niya ng anumang conflict. Hindi pa niya puwedeng komprontahin ang sinuman sa mga Arguelle hanggang inaalam pa rin niya ang mga motibo ni Vidal para gipitin siya at si Ernesto nang ganito.
BINABASA MO ANG
Pinagsoltada
Aktuelle LiteraturErnesto always wins--his father's favor, cock derbies, and his wife's heart. But when Joan arrived, he realizes that he's less likely to win if he's fighting against a love that always hides. © anathecowgirl -------- Baluarte Dela Fuente Book 1 Feat...
