INUNDO nina Polo si Kyle sa barnhouse kung saan nag-i-sparring sina SiKi at Kapitan. Paglabas ng kotse nila mula sa mga gate ng hacienda ay saka lang nagsimulang pumutak si Polo.
“Ano na ngayon, hambog?” anas nito sa katabing si kay Kyle.
Nagpalipat-lipat ang tingin ng kalbong lalaki sa pagitan ng dinadaanan at ng kausap nito. Meanwhile, Kyle was quiet on the passenger’s seat. He was calm but his eyes could not hide his worry, his frustration . . . and his anger.
“Damay na rito ang mga pulis,” patuloy ng namemermong boses ni Polo. “Pan-o natin ’to malulusutan?”
“Pan-o sa tingin mo?” Kyle hissed in a low tone. He was slowly losing his composure, dahil sino ang hindi maiirita kay Polo? ’Lagi na lang itong emosyonal, ’laging ninenerbiyos! Tila oras-oras sinisilihan ang puwit kaya hindi mapakali! Kung hindi lang magaling si Kyle sa pagpapatahimik dito, baka matagal nang nahalata ni Señor Ernesto na may nagpapabalisa sa vaquerong ito.
“Bakit ako ang tinatanong mo? Ikaw ’tong magaling, hindi ba? Ikaw ’tong ‘bahala na sa lahat’ at alam ang kan’yang ginagawa!'” sarkastikong banggit ni Polo sa mga ’laging sinasabi ni Kyle rito para manahimik ito.
Ibinalik ni Kyle sa harap ang tingin. Unti-unti itong kumalma. This time, his gazes were icy . . . unfeeling.
“Ano?” usig ni Polo. Hindi na nito matagalan ang pananhimik ni Kyle. “Wala ka ngayong masabi? Kung nakinig ka lang sana sa ’kin, hindi ba? Pero ano? Naging kampante ka masyado, animal ka!”
Sinikap ni Kyle na ituon ang atensiyon sa pag-iisip sa kung ano ang gagawing diskarte para malusutan ang kanilang problema. Unti-unting nawala sa kaniyang pandinig ang boses at mga paggagalaiti ni Polo habang pinatahimik naman ng takot ang dalawa pang vaquero na kasaman nila at nakaupo sa backseat ng sasakyan.
“Sinabi ko na sa ’yo! Pinabayaan mo na lang dapat ang babaeng iyon! Problema lang ang dulot ng babaeng ’yon sa atin!” Napailing ito at napunta uli sa harap ang tingin. “Dapat talaga, sumama na ako noon pa kay Narciso nang mag-resign siya at umalis sa hacienda!”
Medyo umaliwalas ang mukha ni Kyle. May naisip na itong paraan. “Ibaba mo ako sa sakayan ng jeep sa pier.”
“Ano?” na-e-eskandalong lingon ni Polo rito. Natatarantang ibinalik din nito agad ang tingin sa daan nang maalalang nagmamaneho ito.
“Ibaba mo ako sa sakayan ng jeep sa pier,” nagpapasensiyang ulit ni Kyle. “Pagkatapos, tumuloy kayo sa pulisya at siguraduhin mong bago mo harapin si Hepe ay nasa tamang huwisyo ka na at nang may maitulong ka man lang.”
“At ano? Tatakasan mo kaming animal ka!?” pagpupuyos ni Polo. Nanlalaki sa galit ang mga mata at ang mga butas ng ilong nito. Kulang na lang ay mapunit ang lalamunan nito kasisigaw. “Ikaw ang tanginang may kasalanan dito!”
“Pupunta ako sa Nilabanan, gago,” naiinis na lingon ni Kyle rito. He began with a low controlled gritted hiss, and the more he spoke, the louder and seething his voice turned out. “Sisiguraduhin kong bago pa magsimula ang imbestigasyon, wala silang makikitang ebindensiya na maikakabit nila sa atin! Naiintindihan na ba ngayon ng utak mong puro hangin ang laman ang ibig kong sabihin?!”
***
KYLE stepped inside the old house. He got inside the house without any problem because he managed to have a duplicate copy of the padlock’s key months ago. Mabuti na lang at nakumbinsi ng binata si Joan na bigyan nito. Mahirap kasi para sa dalaga ang magpabalik-balik sa Nilabanan kapag may naaalalang mga gamit na naiwan dito, kaya habang nagtatrabaho si Joan sa hacienda, si Kyle na lang ang sumasadya rito para kunin ang kailangan nitong mga gamit.
BINABASA MO ANG
Pinagsoltada
General FictionErnesto always wins--his father's favor, cock derbies, and his wife's heart. But when Joan arrived, he realizes that he's less likely to win if he's fighting against a love that always hides. © anathecowgirl -------- Baluarte Dela Fuente Book 1 Feat...
