80

438 12 1
                                        

"NAPAKATIGAS din ng pagmumukha niya para tarantaduhin ako sa sarili kong lupain!" mariing anas ni Ernesto.

Silang dalawa lang ni Dario ang magkasama. Lulan sila ng kani-kanyang kabayo habang nasa unahan ng convoy ni Viktor Arguelle. Sinusundan sila ng mga ito para malaman ang daan patungo sa mga lokasyon sa hacienda kung saan mangangampanya ang mga ito.

Nababahalang lumingon sa likuran si Dario bago ibinalik ang tingin sa kaniya.

"Señor, baka marinig ka—"

"Ano ngayon?" panlalaki niya ng mga mata rito bago ibinalik sa harap ang tingin. "Tama bang pag-uugali 'yon? Harap-harapan akong ipahiya?"

"E, señor, wala naman sigurong nakahihiya kung may utang ka kasi nagbabayad ka naman, e."

"Exactly! Pero sa tono ng pananalita niya kanina para gusto niya akong maliitin sa harap ng mga tao!" He winced and angrily gritted his teeth. "At may mas malala pa roon. . . ."

And he was completely silenced when the image of Joan's beautiful face showed at the back of his mind.

Ilang minuto ang lumipas pero hindi na nagsalita pa si Ernesto.

Dario sighed in relief. He murmured to himself as well. "Mabuti na lang talaga maingay itong campaign jingle ng alkalde."

Ang campaign jingle na tinutukoy nito ang patuloy na pinatutugtog at lumalabas mula sa malaking speaker na mukhang malaking megaphone na nasa bubungan ng puting van sa kanilang likuran.

Unang huminto ang kanilang mga kabayo sa storage house. Mas kaunti ang trabahador doon kaya mabilis ang naging pangangampanya. Sumunod ang manukan, bakahan, at kuwadra ng mga kabayo. Panghuli ang pagbabahay-bahay sa village ng mga manggagawa. Saktong naikabit na ng mga vaquero kaninang umaga ang mga banner at poster nang makarating sila roon nang tanghali.

Pagkatapos ng pangangampanya ng mga Arguelle ay mag-aalas-dos na ng hapon nakabalik ang lahat sa mansiyon para mag-late lunch. Medyo nahuli sila ng dating ngunit mainit-init pa naman ang mga pagkain na inihain ng mga katulong para sa lahat.

Ang campaign manager at mga staff nito ay sama-samang nananghalian sa roof deck na kahapon pa ipinaayos ng mga Dela Fuente sa mga katulong para maipuwesto roon ang dalawang mahahabang mesa kung saan magkakasya ang lahat ng kakain. Medyo malamig pa ang simoy ng hangin kaya naman laking-ginhawa ang naramdaman ng mga napagod sa pangangampanya habang maganang kumakain ng kanilang tanghalian.

Hiwalay naman ang hapag-kainan para sa mga Arguelle at mga Dela Fuente. Sila ang umokupa sa sixteen-seater dining table sa mismong dining area ng mansiyon sa ground floor.

Sa kabisera mismo nakaupo si Don Timoteo katulad ng nakasanayan. Nasa kanan nito si Doña Grazie na katabi ni Ernesto, Feliciano, Genaro, Alonso, at Allyssa. Sa kaliwa naman ni Don Timoteo nakaupo si Viktor na katabi ni Estafania, kasunod ni Vidal, at panghuli si Joan.

"Kumusta ang pangangampanya?" pormal na tanong ni Don Timoteo sa kalagitnaan ng pagkain ng lahat.

"Maayo man," nakangiting sagot ni Viktor. "Nakatutuwa dahil mainit kaming tinanggap ng mga trabahador n'yo rito, Timoteo. Sa tingin ko, kahapon pa na-briefing ni Ernesto ang mga 'yon."

Nag-angat si Ernesto ng tingin at tama nga siya sa suspetsang nasa kaniya na ang tingin ng halos lahat ng nasa hapag.

Don Timoteo's serious facial expression did not change. "As he should."

"The way he manages his people is very commendable, right?" Viktor added.

Ibinalik na lang ni Ernesto ang tingin sa pagkain. Tuwing nag-aangat kasi siya ng tingin ay nahahagip ng kaniyang mga mata si Joan. He did not want to explode everytime a churning kind of pain troubles his stomach. Hindi niya kasi masikmura na katabi ni Joan sa hapag si Vidal, at asikasong-asikaso pa ito ng lalaki. It was also getting unbearable when he catches her soft gaze on him . . . as if her eyes were begging him for help.

PinagsoltadaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon