76

534 15 5
                                        

HINDI TINUPAD ni Ernesto ang sinabi nito. He did not made pancakes or coffee for her. Sa halip, buong araw siya nitong iniwasan. Madalas ay nasa labas ito ng mansiyon, nagsu-supervise sa buong hacienda.

Si Genaro lang ang palagi niyang nakakausap, which was a little awkward, because he was acting cold and too formal towards her. Madalas niya ring mahuling nakatingin sa kaniya ang lalaki. There was no hint of admiration in those glances. It was more likely he was trying to measure her, calculate her move. Sigurado siyang may kinalaman ito sa akusasyon nitong pinaglalaruan lang niya si Ernesto, kaya binalewala na lang muna niya para makapag-focus sa trabaho.

When her work shift was over, Ernesto was still outside the mansion. Sumama raw ito sa panggabing pagpapatrolya. Hindi na rin niya ito nahintay para magpaalam dahil on-time dumating ang driver niyang si Herman. Wala na si 'Mang Noah' na driver niya noon. Kinailangan na itong palitan dahil pinagpapanggap lang naman nila noon ang matandang lalaki. Mahirap na kung patatagalin ang pagpapanggap nito at baka mabulilyaso ang plano nina Joan at Vidal. Kaya sa ngayon, isang bago at tunay na driver na ang nagtatrabaho para sa kaniya. Sa Mandaon lang din naman ito nakatira at puwede nitong iuwi ang sasakyan ni Vidal na kaniyang gamit para hindi mahirapan si Joan kumilos nang malaya.

Hinatid siya ni Herman sa rest house ni Ernesto kung saan siya kasalukuyang naninirahan para mas malapit ang uuwian niya mula sa hacienda. Despite of being two hours away from Hacienda Dela Fuente, this was the closest place for her to stay in.

She offered Herman some snacks and drinks, pero tumanggi ang lalaki dahil inabot sila ng gabi sa daan at maghahapunan na lang daw ito sa bahay. Pagkaalis ng lalaki, tumuloy na si Joan sa bakal na gate ng bahay. Walang siwang ang gate kaya hindi kita ang loob nito, pero abot-tanaw naman ang ikalawang palapag ng rest house na may mataas na reflective glass balcony. Reflective iyon para hindi makita ang loob ng bahay.

Nasa balcony na iyon ang terrace na kinalalagyan ng isang fan-shaped jacuzzi. Nababalot ng puting pintura ang mga pader at kulay asul ang bubong. It looked so cool and pleasing to the eyes, like a Greek beach house adorned with pink, budding bouganvillaes. Its backdrop was a lush green scape with tall trees and the side of the mountain.

Pumasok na si Joan sa bahay at nagulat nang makitang may nakaparada ritong itim na sasakyan. She lowered her eyes and saw its plate number.

Ernesto!

Kinakabahan man, nagmamadali siyang dumeretso sa pinto ng bahay. Hawak na niya ang seradura ng pinto nang matigilan.

'Wait. What if, ibang Dela Fuente ang pumunta rito? Pagmamay-ari ng pamilya nila ang rest house na ito!'

Kumalma siya.

'Pero ang sabi ni Ernesto, kailangan munang magpaalam ng mga Dela Fuente sa kan'ya bago ma-access itong rest house. Sa kan'ya kasi ipinagkatiwala ang susi nito . . .'

Napalunok siya.

Napailing.

'Bahala na!'

She turned the door knob and her suspicion was right—the door was already unlocked! Dahan-dahan niya itong inawang at sumilip muna siya sa loob bago pumasok.

Her steps were slow. Pinakiramdaman niya ang paligid. Nagugulohan din siya dahil sa nagkalat na scented tea-candles sa paligid. May mga nakapatong sa coffee table, sa ibabaw ng mga drawer at mayroon din sa sahig. She wasn't an expert with scents, but she could tell that what she was smelling was sweet and flowery and warm.

Walang-lingon niyang isinara ang pinto at niyakap ang kaniyang shoulder bag.

"Bakit ang daming kandila rito? Baka masunog itong bahay," tawag niya. Baka-sakaling mapalabas niya ang may kagagawan nito.

PinagsoltadaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon