"WHAT ARE YOU DOING HERE?" maanghang na bati ni Don Timoteo kay Joan sa roof deck.
Napakalamig ng panahon, pero tila umaapoy na agad sa init ang bunbunan ng don dahil sa kaniya. Ganoon pa man, mas pinili ni Joan ang manatiling kalmado. Ginawaran niya ang don ng malumanay na ngiti habang naglalakad siya palapit sa bench na kabilang panig ng mesita.
"Good morning po. I'm having coffee," sagot niya sa tanong nito.
Don Timoteo seated and shortly scanned her with his eyes. Then, he placed his own mug of coffee on the table.
"Halata naman," matigas nitong wika sa mas mahinang boses. "Ang ibig kong sabihin, abente-cuatro na ngayon. Hindi ba dapat, nagbabakasyon ka na?"
Her lips slightly parted in surprise. Tama kasi ang ginoo. Bilang marketing staff lamang ay kuwestiyonable nga naman ang pananatili niya rito sa hacienda. Hindi pa ba ito kampante na ipinaalam na niya rito na si Vidal Arguelle ang nagpadala sa kaniya sa hacienda? Ano pa ang pinagdududahan nito sa kaniya? May kinalaman ba ito sa paniniwala nitong sumpa ang dala niya sa kanilang lupain?
Joan lowered her eyes. "Magbabakasyon naman po ako, Don Timoteo. Nagkaroon lang ng kaunting aberya sa driver ko, kaya mamayang hapon pa ang alis ko."
Napalitan ng pagtataka ang panlalamig sa mukha nito. Para bang hindi nito inasahan ang kaniyang isinagot dito.
'Siguro naman, mabilis na makakapag-arrange si Vidal ng sasakyan na susundo sa akin mamaya. Kailangan ko nga lang makapag-isip agad kung saan ako magpapahatid.'
"Siguraduhin mong nakapag-file ka ng vacation leave. Kahit kaibigan ka ni Vidal, empleyado ka pa rin dito ayon sa pinrmahan mong kontrata."
Nag-angat siya ng tingin dito at magalang na tumango. "Opo, Don Timoteo."
Then, she slowly sipped her coffee. Habang umiinom ay pinakiramdaman niya ang matanda hanggang sa hindi na siya nakatiis at sinilip niya ito mula sa likuran ng mug na iniinuman niya. Joan saw him quietly pull out a tobacco case from the inside pockets of his faded brown leather jacket. Inilapag nito sa tabi ng case ang isang lighter.
The old man quietly sipped his own coffee while holding the mug with one hand. Nakatanaw lang ito sa balkonahe kung saan makikita ang kabundukan ng Cuerpo Serpiente. Napatingin din tuloy roon si Joan.
Makapal ang ulap sa kalangitan. Walang sinag ng araw na humahaplos dito kaya mukha itong walang-buhay at malamig.
Joan returned her eyes to the old man. Biglang nagbago ang ekspresyon sa mukha ng lalaki. Nagsalubong ang mga kilay nito at mas kumipot ang mga labi. He became so still, as if his world stopped turning and time stopped running. Pigil-hininga na sinundan niya ang tingin nito na siyang nagbalik sa mga mata niya sa kabundukan. Abot-tanaw sa kanilang kinauupuan ang maliit na bulto ng grupo ng mga kalalakihang lulan ng kabayo. Napakalapit ng kabundukan pero mistulan pa rin silang mga langgam na maayos na nakapila habang nagroronda roon.
'Ang mga Silvestre . . .' Ibinalik niya ang tingin kay Don Timoteo. 'Siguro, hindi lang siya sa akin ganito kalamig kundi sa kahit kanino na itinuturing niyang kaaway. Ang ipinagkaiba ko nga lang sa mga kalaban niya ay maayos pa niya akong kinakausap. Ibig sabihin, puwede ko pang mabago ang pakikitungo niya sa akin.'
Napaisip siya kung paano mapapalagay ang loob ni Don Timoteo sa kainya. Napakabigat kasi sa pakiramdam na alam niyang kumukulo ang dugo nito sa kaniya.
"Nabalitaan n'yo na po ba?" aniya rito. "Nagsu-supply na ang hacienda ng mga manok sa Carnacion Foods."
BINABASA MO ANG
Pinagsoltada
General FictionErnesto always wins--his father's favor, cock derbies, and his wife's heart. But when Joan arrived, he realizes that he's less likely to win if he's fighting against a love that always hides. © anathecowgirl -------- Baluarte Dela Fuente Book 1 Feat...
