55

471 15 2
                                        

IT was already 10 p.m. when Joan got out of the bathroom. Naghihintay na sa ibabaw ng kama na gamit niya sa guest room ang pantulog-isang pares ng satin lingerie-nang marinig ang pag-ring ng kaniyang cell phone. Ang walang-tigil nitong pagri-ring na late na niya naulinigan mula sa banyo ang dahilan ng kaniyang pagmamadali.

Nakabalot mula sa kaniyang mga balikat pababa ang tuwalya nang damputin niya ang cell phone. Nagtaka siya dahil unregistered number ang tumatawag.

"Hello?" kunot-noo niyang sagot.

"Joan. This is Ernesto."

Napalunok siya. "Pa'no mo nakuha ang number ko, señor?"

"Naka-indicate sa resumé mo."

'Oo nga pala!' gulat niyang napagtanto bago umiling para iwaksi ang reaksiyon niya mula sa kaniyang isipan. She should focus on her phone call with Señor Ernesto. "Bakit mo ako tinatawagan, señor? Wala ka ba ngayon sa mansiyon?"

"I'm here in the office room. I called to invite you here."

Nagdalawang-isip pa siya saglit. "Ngayon na?"

"Yes. Ngayon na."

Gusto niyang tumanggi. Magsusuot na kasi siya ng pantulog! Bukod doon, ito ang panay paalala sa kaniya na narito siya sa hacienda para gawin ang trabaho niya at walang matinong empleyado ang magtatrabaho ng 10 p.m. dahil lang sa naispang makipag-meeting ng amo nito!

Pero kailangan niyang makuha ang tiwala ng lalaki, kaya gagawin niya kung ano ang ipinagagawa nito . . . sa ngayon.

"Okay, señor. Give me, at least, fifteen minutes."

"Okay." Iyon lang ang sinabi nito bago tinapos ang tawag.

Nagkukumahog na nagtuyo ng katawan at buhok si Joan. She put on her sleep wear, but to look presentable in front of her employer, she wore a robe on top of it. It was a fluffy white robe with a skirt that reaches her ankles. The outfit got her feeling like Martha May Whovier from The Grinch. Tamang-tama rin na nagsuot siya ng roba dahil sa lamig ng panahon buhat ng walang-tigil na pag-ulan.

Nang marating ang office room, tumayo si Señor Ernesto mula sa swivel chair nito. He gestured a hand on one of the visitor's chair, so Joan occupied that one. Pagkaupo niya ay may inilapag ang honcho sa dulo ng desk, katapat ng kaniyang upuan. Dinampot ito ni Joan at pinasadahan ng tingin.

"Take that with you. Basahin mo ang contract na 'yan. You have until tomorrow evening to consult any lawyer you trust and to sign that."

Joan read the title of the contract with her eyes. It said 'Employment Contract.' Kasunod na nito ang lahat ng detalye tungkol sa empleyado na tulad niya at employer na pinangalanang 'DF Farms.' Naka-specify din dito na Marketing Staff ang magiging posisyon niya at ang mga nalalabing pahina ay ang mga kondisyon at karapatan ng bawat partido sa oras na maisa-legal ang kontrata.

She only scanned everything before she looked at Señor Ernesto. "I will read this. Thank you."

"Great," walang-ngiti nitong saad bago tinungo ang pinto.

Napalabi siya habang pinanonood ang paglayo nito. Pagkatpaos, dali-dali siyang tumayo para sabayan ang lalaki sa paglalakad.

"Señor?"

Hindi siya nito nilingon. "Hmm?"

"About what happened earlier . . ."

Nagsalubong agad ang mga kilay nito, pero hindi pa rin siya nito tinatapunan ng tingin.

"Hindi ko alam na hiwalay na kayo ni Señora Allyssa. Pumunta lang talaga ako rito para tulungan ka. May utang na loob ako sa 'yo kaya . . . kaya nang mabalitaan ko ang tungkol sa hacienda, pumunta ako rito."

PinagsoltadaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon