MASIGLANG-MASIGLA SI JOAN habang pabalik-balik na naglalakad sa malawak na bakuran katapat ng mansiyon. Minsan, tumitigil ito sa tabi ng isa sa mga poste kung nasaan ang hanay ng kuwadra ng mga kabayo ng mga Dela Fuente. She did that open-mouthed smile for numerous of times during the early morning phone call that was already taking an hour.
Samantala, nakatayo si Señor Ernesto sa balkonahe ng roof deck. Nagkataon kasi na napatungo siya rito para tanawin ang buong hacienda habang nagkakape. And that was when he saw Joan on the grounds, pacing to and fro.
'Ang aga-aga, inuuna ang pakikipag-tsismisan,' matalim niyang tingin sa babae.
The day after they had some bottles of beer, they acted like their conversation did not happen. They never talked about those things ever again. But of course, it was so obvious that they were just pretending. Ernesto was sure Joan took note of everything he said because since that night, she became very cautious with her actions.
Lumipat si Joan ng lugar kung saan nito kinakausap si 'Mang Noah' dahil hindi na lingid sa kaalaman nito na alam na niya ang tungkol sa pagtambay nito sa roof deck nitong nakaraan para makipag-telebabad.
Sa pagkakataong ito, sa bakuran na sumasagot ng mga tawag ni 'Mang Noah' si Joan at hindi na tuwing gabi kundi tuwing madaling-araw na. Tuwing madaling-araw kasi, wala sa tapat ng mansiyon ang mga vaquero na bantay dahil nag-a-assembly at naghahanda ng mga dadalhin ang mga ito para sa kanilang pagpapatrolya sa boundary ng mga Dela Fuente sa bulubundukin ng Cuerpo Serpiente.
Na-pickup agad ni Joan ang routine ng mga vaquero kaya sa ganitong oras ay naglalakad-lakad na ito sa bakuran habang may kausap sa cell phone.
'Napakamautak!' isip ni Ernesto dahil bago pa may makalapit sa dalaga o bago pa maulinigan ang mga sinasabi nito sa kausap sa cell phone, matatanaw ito agad dahil sa sobrang lawak ng bakuran na kailangang lakarin ng gustong lumapit dito.
Joan laughed again, then immediately covered her mouth. But her shoulders were shaking, a sign that she was still laughing.
'Tungkol sa hacienda pa ba ang pinag-uusapan nila? Kulang na lang, kabagin sa katatawa,' he snorted at the thought.
Inangat ni Ernesto ang puting mug ng kape na nakapatong sa ibabaw ng sementadong balkonahe. Sinalubong ang mukha niya ng mainit-init nitong usok na tumataliwas sa nangangagat na lamig ng simoy ng hangin sa madaling-araw lalo na at buwan na ng Disyembre.
Maingat siyang sumimsim ng kape habang inoobserbahan ang mga kilos ni Joan.
'Based on her facial reactions, it seems like she's not talking to some mastermind or boss. Mukhang magaan ang loob niya rito.' His eyes narrowed. 'They seemed . . . close.'
Ibinaba niya uli ang mug ng kape.
'Ipinipilit ni Joan sa akin na ang intensiyon nila ay ang tulungan ako. At sa loob ng ilang buwan na pananatili niya rito, nakatulong talaga siya sa hacienda, kaya medyo palagay na ang loob ko sa kan'ya. Inamin din niya na sa sobrang hirap maghanap ng trabaho sa Maynila, naisipan niyang dumiskarte rito, pero hindi ako p'wedeng makampante. Hindi ako matatahimik hangga't hindi ko nakikilala kung sino ang kasabwat niya—iyong 'lagi niyang kausap sa cell phone.'
His eyes still followed Joan who was walking across the front yard again as she talked on her cell phone. Nakayakap sa katawan nito ang isang braso habang tumatango-tango.
'Dahil kung sino man 'yon, tiyak na kilalang-kilala niya ako . . . kaming lahat na mga Dela Fuente. Alam na alam niya kung ano ang pasikot-sikot sa hacienda dahil kung hindi, hindi niya matutulungan si Joan na magawa nang maayos ang trabaho niya rito.
BINABASA MO ANG
Pinagsoltada
Fiksi UmumErnesto always wins--his father's favor, cock derbies, and his wife's heart. But when Joan arrived, he realizes that he's less likely to win if he's fighting against a love that always hides. © anathecowgirl -------- Baluarte Dela Fuente Book 1 Feat...
