LUMUBOG na ang araw. Natagalan si Joan sa pag-clockout dahil mahaba palagi ang pila sa banyo kung saan siya naghuhugas ng kamay at nag-aayos nang kaunti bago umalis. Halos takbuhin tuloy niya ang daan palabas ng poultry house na gawa sa kahoy kung nasaan ang layered houses ng mga nangingitlog na manok.
Ang bawat hanay na layered house nadaraanan ni Joan ay malinis na. Mas kalmado na rin ang mga manok. There were low clucking noises but quieter compared to when the chickens were wide awake. Nilagpasan niya ang ilan sa mga katrabaho na nasalubong.
Nang nakalabas na siya mula sa malaking pinto, napalingon sa kaniya ang ilan sa mga babaeng kanina pa nakalabas ng poultry house.
“Joan, kanina ka pa hinihintay ni Kyle, o!” nangingiting wika sa kaniya ng katrabahong dalaga rin at halos kaedad din niya.
Huminto si Joan sa tabi nito at tumanaw muna sa itim na Lexus na nakaparada sa gilid ng masukal na kalsada. Kailangan pa niyang tumawid para mapuntahan iyon.
Inayos muna ni Joan ang pagkakasabit ng isa sa mga stray ng nakalaylay niyang backpack na kupas na ang pagkakaasul ng kulay.
“Salamat, Felicity. Mag-iingat kayo sa pag-uwi,” masayang tango niya sa kausap at sa mga kasama nito bago siya tumawid sa kalsada.
Nginitian lang siya ni Felicity bago ito bumalik sa pakikipagkuwentuhan sa mga kasabay nito sa paglalakad pauwi.
Umikot si Joan sa harap ng sasakyan para marating ang passenger seat nito. Walang ano-anong binuksan niya ang pinto at umupo agad sa loob ng kotse.
Sumulyap siya saglit kay Kyle na tiyak niyang nasa likuran ng manibela.
“Salamat sa paghihintay.” Nagmamadaling ibinalik ni Joan ang tingin sa pinto sa kaniyang tabi para isara ito. “Natagalan ako kasi naunahan ako—”
At saka lang rumehistro kay Joan kung sino ang nalingonan niya sa driver’s seat. She wildly turned back to double check.
“Señor Sungit!” gulat niyang sulyap.
“Took you long enough,” he muttered, not throwing a single glance at her as he started the car.
Señor Ernesto was still wearing blue. Nagagandahan si Joan dahil paborito niya itong kulay kaya nga kahit lumang-luma na ang Jansport imitation bag niya, ’lagi pa rin niya itong ginagamit.
Kinandong ni Joan ang bag, halos yakapin na rin ito dahil gulat na gulat pa rin siya. Bukod sa gulat ay kabado siya dahil may ere ng pagsusuplado sa seryoso nitong mukha. Controlled emotions darkly shadowed his handsome profile.
“S-Señor, sisipot naman talaga ako sa usapan natin, na-late lang ako kasi—”
“You don’t have to explain,” he interrupted. Kahit kailan talaga, ang ikli ng pasenisya nito. “Ang mahalaga, narito ka na.”
Napalunok siya sa itinuran nito. Sumandal si Joan sa kinauupuan pero may pag-aalinlangan pa rin sa pagkakatitig niya sa honcho. She stared, wanting to read what’s running at the back of his mind but as usual, her attempts failed.
“Tungkol saan po ba ang pag-uusapan natin, señor? Baka p’wedeng dito na lang natin sa kotse pag-usapan?” Sumilip siya sa backseat. “Si Kyle pala? Bakit hindi ka niya ipinagda-drive ngayon?”
“Doon na natin sa barnhouse pag-usapan,” seryoso nitong saad.
Kinabahan tuloy si Joan. She slightly lowered her head as she hugged her bag. ‘Bakit kailangang doon pa kami mag-usap? Gaano kaseryoso ba ito?’
Ilang minuto pa lang silang bumiyahe. Ipinarada ni Señor Ernesto ang Lexus sa gilid ng barnhouse, ang pinakamalayo sa hacienda kung nasaan ang munting ruweda at ang imbakan ng mga gamit at supply para sa mga manok-panabong.
BINABASA MO ANG
Pinagsoltada
Ficção GeralErnesto always wins--his father's favor, cock derbies, and his wife's heart. But when Joan arrived, he realizes that he's less likely to win if he's fighting against a love that always hides. © anathecowgirl -------- Baluarte Dela Fuente Book 1 Feat...
